***
Third Person :
Bandang alas onse ng gabi ay naka upo si mans sa harap ng dining table nila sa kusina habang nag iinom ng brandy.
Ang totoo niyan ay hinde totoo ang sinabi nito kay sara na gagabihin siya ng uwi, ginawa niya lang rason yun para magkaron siya ng dahilan na kausapin ito.
Inisang lagok nito ang iniinom na alak nung maalala niya ulit ang dahilan kung bakit niya nagawa ang bagay nayun.
FLASHBACK...
Habang kumakain sila mans sa resto ay namataan niya si sara kasama ang senadora na si imee na pumasok.
Pinanood niya ang dalawa mula sa kinauupuan niya.
Saglit silang nakipag usap sa staff saka dumeretso sa loob kung nasaan ang kwarto ng mga VIP's.
Hinde na nag abala si mans na tawagin ito o ano dahil ayaw niya naman maka istorbo doon sa dalawa.
Alam naman nito na mahalaga para kay sara ang pribado na buhay nito kahit sa pagitan nilang dalawa.
Paalis na dapat sila mans kasama ang mga kaibigan niya nung may isang pamilyar na itsura na naman siyang nakita sa labas ng resto.
Crytalize ang wall kaya nakikita ng mga nasa loob kung sino man ang tao sa labas.
Nasa gilid sila banda ng resto kaya kahit sino ay hinde sila basta makikita doon.
Nakaharap ang pwesto ni mans sa pinto kaya mabilis niyang nakikita ang mga taong naglalabas masok sa resto.
Kumunot ang noo ni mans dahil sa tanong na biglang pumasok sa isip niya nung makita ang taong nakatayo ngayon sa labas ng pinto habang nakangiti at nakaharap sa cellphone nito.
'Anong ginagawa ng taong ito dito sa davao, eh wala naman siyang business dito'
Naitanong ni mans sa isip habang nakatingin kay bongbong sa labas.
Napatingin ulit siya sa lugar kung saan pumasok si sara at ang kapatid ni bongbong na si senator imee.
'Imposible naman na coincedence lang na pareho silang tatlo na nandito sa parehas na oras'
Naisip na naman ni mans.
Nagsabi si mans sa mga kaibigan na mauna na sa labas at may kakausapin lang siya saglit.
Saka ito tumayo at tinawagan si sara.
Nagsabi siyang may ipapabigay siya kay sharky kahit na ang totoo ay pwede naman na personal niyang ibigay yun kinaumagahan.
Kausap na ni bongbong ang staff ng resto nung pumasok si mans sa loob.
Nakita niya pa si sen. imee na pumasok sa isang hallway na sa hula niya ay papunta sa banyo.
Pagkarating niya sa harap ng pinto ng VIP room ay kumatok lang siya at pinagbuksan naman agad siya ni sara.
Hinde na siya pumasok at doon nalang sa labas nakipag usap.
Pagkatapos niyang maiabot kay sara ang paper bag ay may napansin na siyang pigura sa crystalized door kaya medyo gumilid siya para makita silang dalawa ni sara ng malinaw.
Nagpaalam siyang pupunta siya ng palawan saka akmang hahalikan dapat niya ito para ipakita dun sa taong nanonood.
Pero umiwas si sara kaya sa gilid ng labi nito tumama ang halik niya.
Ang totoo niyan ay inaasahan niya nang iiwas naman talaga ito kaya napa iling nalang siya.
May gusto lang naman siyang ma kumpirma kaya niya ginawa ang bagay nayun.
YOU ARE READING
Against All Odds
RomanceA chemistry everybody can't deny, a match made in heaven indeed.. BBMxSara fictional love in politics story ❤💚