***
Hinde ko pinalampas ang pagkakataon ko na makaligo sa dagat talaga.
Nagbihis lang ako saka ako tumakbo papuntang dalampasiganin para maligo.
Namimiss kona ang dagat, I have a fascination in sea water, sand and waves.
Lahat ng may kinalaman sa dagat.
Si bong naman ay hinayaan lang ako, niyaya ko naman siya pero ang sabi niya ay kailangan niya daw eh prepare ang pagkain ko dahil sigurado daw siya na gutom ako pagkatapos maligo.
Tinawanan pa niya ako nung tinignan ko siya ng masama dahil sa pang aasar niya.
Nung matapos naman siya sa pag prepare ng mga food ay sumunod din naman siya sakin para samahan ako sa pagligo.
Ayaw niya naman daw na mag isa lang ako.
Wala kaming kasama sa isla bukod sa mga guards namin na naka bantay sa mga sides at nag sestay sa kubo sa gilid ng villa.
We told them to take some break dahil hinde naman nila kami kailangang bantayan sa lugar nato.
Secured naman ang island at wala namang nakakaalam na nandito kami bukod nalang siguro sa kaibigan ni bong na may ari ng isla.
Pero wala namang may alam na mag kasama kami dito.
Nung mapagod na kaming dalawa sa paglangoy ay naisip na naming umalis na sa tubig saka nagbanlaw.
Kinagabihan ay naglatag ako ng tela sa buhanginan saka ako umupo doon habang nakaharap sa malawak na dagat.
Si bong naman ay busy na nakikipag usap sa assistant niya, siguro para ayusin ang cover up dahil nga sa biglaang pagkawala niya.
Alam naming pareho na napakalaking problema nito kapag nakarating sa iba na parehas kaming biglaan nalang nawala.
Tumawag narin naman ako sa mga opisina ko kanina na hinde maganda ang pakiramdam ko at kinailangan ko muna magpahinga.
Ang alam nila ay nasa bahay lang ako ngayon at nagpapagaling.
Hinde ko alam kung anong diskarte ang ginawa ni bong para hinde siya mapaghinalaan or hanapin.
Nagiguilty tuloy ako.
Dahil sa akin kaya nahihirapan sya ngayon at problemado.
Binuksan ko ang spotify ng phone ko saka nagpatugtog.
Nagsalin din ako ng wine sa baso ko na ipinagpaalam pa namin ni bong sa may ari kung pwede bang inumin at papalitan nalang namin.
Mabuti nalang at wala naman palang kaso sa may ari at pwede naman daw naming inumin ang kahit na ano doon.
Napakasarap ng hanging pang gabi dito, mainam na pampakalma talaga ng buong systema.
Napatingin ako sa langit at mabilis naman akong napangiti na makitang maraming nagkikinangang bituin, napakaganda.
Ang ganda ding tignan ng repleksyon ng buwan sa tubig na parang may maayos silang relasyon sa isa't isa.
They're complimenting each other and they made the night so perfect.
YOU ARE READING
Against All Odds
RomanceA chemistry everybody can't deny, a match made in heaven indeed.. BBMxSara fictional love in politics story ❤💚