XVI

799 50 49
                                    

***

Nagising ako na sobrang gaan ng pakiramdam ko at bigla din napangiti ng maalala kong natulog kami ni sara  ng magkatabi.

Buong gabi akong nakayakap sa kanya at ngayon lang ako nakatulog ng ganito ka gaan ang pakiramdam ko kinaumagahan.

Kinapa ko ang katabing side ko ng kama without opening my eyes at bigla akong napamulat nang wala akong maramdamang katabi ko.

Pagmulat ko ay wala na nga si sara sa tabi ko kaya mabilis akong napabangon.

Tinignan ko ang oras sa phone ko at nagulat ako nang makita kong it's already 9:00 o'clock at late na ako nagising.

Bumangon na ako at dumeretso sa banyo para maghilamos, silently hoping na sana hinde pa umaalis si sara.

Mabilis akong lumabas ng kwarto at wala akong nakitang kahit anino ni sara.

Hinde niya man lang ako ginising para sabay na kaming umalis.

Bumukas ang pinto ng guest house at naabotan ako ni martin na nakasimangot habang nakatayo sa labas ng kwarto.

"Oh you're already awake, kamusta na pakiramdam mo?" tanong agad niya pagkakita sakin.

kasunod niya ang isa sa mga katulong nila at may bitbit itong tray ng pagkain.

"Umalis naba si sara?" tanong ko completely ignoring his question.

He ordered the maid to put my food on the table and leave us alone.

"Tsk tsk, first thing in the morning sara agad ang bukambibig mo" napapailing na aniya nung makalabas na ang maid.

Pakiramdam ko ay nag init naman agad ang mukha ko sa sinabi niya.

Ang tanda kona pero panay ang blush ko dahil lang sa iisang babae.

"What time did she leave?" I asked again still not dropping the topic about sara.

"She left at 7:00 o'clock in the morning at mahigpit niyang ipinagbilin na wag kang gisingin ng maaga and let you rest because you're sick last night and she told me to give you food when you wake up, medyo strict ang nurse mo,
I have a strong gut of a feeling kung bakit mabilis kang gumaling"

Nakapamulsa pa siya habang nakangisi ng nakakaloko.

Nakatingin siya sa akin na parang hinuhusgahan ang pagkatao ko.

"Don't even go there, it's not what you think we didn't do anything" I acted defensive kaya natawa siya.

"I'm not saying you did something, relax.. kumain kana muna, masyado kang defensive magaling kana nga" pang aasar pa ni martin tapos ay tinitigan ang sofa.

Napatingin din ako dun at alam kona agad kung anong nasa isip niya.

"Wala kaming ginawa" depensa kona kaagad na tinawanan niya na naman.

"Wala akong sinasabi, My mouth is shut" pa inosenting aniya kaya mas lalo lang akong nainis.

Tumahimik nalang ako baka mas lalo niya lang akong asarin.

Against All OddsWhere stories live. Discover now