***
Sara :
Nakaupo ako ngayon sa isang bakanteng upuan sa isang pribadong kwarto kasama si mama.
Nasasaktan parin ako on the way sharky talked to me and looked at me earlier like she was so disappointed in me.
I felt like as a mother, I failed in so many things.
Magkasama ngayon si sharky at mans at kinakausap siya ng papa niya.
Hinde ko alam kung saan sila nag usap dahil wala naman sila dito.
Sobrang sakit para sa akin na masumbatan ng sarili kong anak, bagay na hinde ko napaghandaan.
Bigla ko naisip yung sakit na hinde ko alam na idinudulot namin sa kanya dahil sa mga bagay na hinde naman namin pwede pang sabihin sa kanila.
Hinde ko alam na yung idea na may relasyon kami ni bong ay tumatatak na pala sa kanya and it was hurting her seeing her parents drifting apart thinking that it was the reason.
"alam mona dapat from the very beginning that this will be part of the consequences of your relationship with him inday sara" seryusong turan ni mama sa akin pertaining about my relationship with bong.
Nakayuko lang ako dahil hinde ko naman alam kung paano ko bubuksan sa kanya ang topic nato.
Huminga ako ng malalim bago nagsalita.
"Alam ko ma, nabigla lang talaga ako sa naging behavior niya sa akin because she never did this before" ang sabi ko naman at hinde makatingin ng deretso kay mama.
Malaking bagay na sa akin na hinde niya pinapakialaman ang mga desisyon ko sa buhay ko kahit na alam niyang mali.
Pero ibang usapan kasi talaga kapag yung mga bata na ang apektado.
Mahal na mahal ni mama ang mga apo niya kaya alam kong pagagalitan niya talaga ako ngayon.
"What do you expect then, she was hurt nabigla ang bata dahil sa nalaman niyang maghihiwalay kayo ng papa niya" aniya kaya nagsimula na naman magtubig ang mata ko.
Alam ko naman na mali talaga simula palang tong ginagawa namin ni bong at nahihirapan ako lalo ngayon dahil narealize ko na magiging malaking epekto talaga to sa mga anak ko.
"Ano bang dapat kong gawin ma?" nahihirapan na tanong ko dahil pagdating sa mga anak ko ay mahina talaga ako.
I promised before that I don't want to give my children a broken family because I came from one pero, hinde pala talaga mapipigilan kung nakatakdang mangyari.
I mean lumaki naman kami ng maayos pero yung pain na dinulot nun ay ayaw ko sana maranasan ng mga anak ko.
Mahal ko si bong, hinde ko naman ginusto na mahulog sa kanya, pero natuturuan ba ang puso na wag mahalin yung isang tao dahil mali?
Kung may choice lang ako hinde ko gugustohin mapunta sa maling pag ibig.
Kung pwede ko lang sana pigilan at mag stay nalang kay mans kahit na wala nang chance para maayos pa kami.
Pero hinde talaga mapipilit kung sadyang hinde na kaya.
May iba na akong mahal at alam kong meron naring ibang pinagkakaabalahan ngayon si mans kahit hinde niya pa sabihin.
Bumuntong hininga si mama saka ipinatong ang kamay nito sa kamay ko na nasa ibabaw ng tuhod ko.
"You know what, sacrifices has two different choices inday sara, una ay yung sakripisyo para sa sarili mo, bagay na alam mong magpapasaya sayo pero magbibigay ng sakit sa mga taong mahalaga sayo, pangalawa ay yung sakripisyo para sa mga taong mahal mo pero magdudulot ng sakit sayo--" aniya saka hinawakan ang pisngi ko.
YOU ARE READING
Against All Odds
RomanceA chemistry everybody can't deny, a match made in heaven indeed.. BBMxSara fictional love in politics story ❤💚