***
Nung makarating ako sa palasyo ay pina deretso nalang nila ako sa opisina ni bong dahil inaantay niya daw ako.
Hinde ko alam kung bakit parang kinakabahan yata ako nung nasa harap na ako ng opisina niya.
Kung ang nakasanayan ko ay kakatok lang saglit saka papasok agad sa loob,
Ngayon naman ay huminga muna ako ng malalim saka kumatok.
Nag antay ako ng concent mula sa kanya kaya nung narinig kong sabihin niyang pumasok ay saka kolang binuksan ang pinto.
I was greeted by a pair of faint eyes, a serious face and a narrowed brows when I entered the room.
He was wearing his eye glasses at mukha talaga siyang strikto sa itsura niya ngayon.
Dapat kakabahan ako pero na distract ako kasi ang hot niya tignan pag ganito siya ka seryuso.
Nakita ko naman na siyang maging strikto sa mga taohan niya pero iba ang dating nung sakin na siya mismo umakto ng ganyan.
I cleared my throat bago ako lumapit sa table niya saka umupo sa harap niya.
Siya naman ay umayos ng upo saka sumandal sa office chair niya habang nakatingin parin sakin ng seryuso.
"ahmm, what is it that we have to discuss?" pormal na tanong ko kaagad sa kanya.
Naiilang naman akong umayos ng upo at hinde makatingin sa kanya ng deretso dahil ang seryuso niya.
"
I personally checked all of your proposed budget for education and OVP for 2023 cuz you asked me too, you know you don't have to ask for my opinion on this, I know how good you are on your job and I trust your capability.. I know you will have the approval of everyone without my help, I can fully vouch on that"
Seryuso lang mukha niya habang tinitignan isa isa ang mga nakalatag na papel na pinatignan ko talaga sa kanya ng sadya.
Gusto ko kasi malaman ang opinyon niya about sa proposal ko para sa budget ng education at OVP.
"I just want to know your opinion about it, the same way you're asking my opinion about your work sometimes" malumanay na sabi ko para pagaanin ang hangin sa paligid namin.
Hinde ko maintindihan pero parang nararamdaman ko na may invisible wall sa pagitan naming dalawa.
Naisip ko na baka galit siya dahil sa ilang napakadaming missed calls niya mula pa kagabi na hinde ko nasagot.
Plus hinde pa ako nagpaalam sa kanya na umuwi na ako at kahit text hinde ko nagawa.
Minsan problema talaga ang pag poprocrastinate ko eh.
Tumango naman siya saka ibinaba ang papel na hawak niya saka tumayo.
"Why aren't you answering my calls sara?" he suddenly asked out of the context.
Sabi kona ngaba yun talaga ang dahilan kaya siya nagkakaganito eh.
Naglakad siya papunta sa gilid at may kinuhang papel doon saka umupo ulit sa upuan niya.
Hinde niya ako tinitignan kaya huminga muna ako ng malalim bago nagsalita.
"Kaya kaba nagkakaganyan?" tanong ko.
YOU ARE READING
Against All Odds
RomanceA chemistry everybody can't deny, a match made in heaven indeed.. BBMxSara fictional love in politics story ❤💚