⇜CHAPTER 27⇝

212 10 0
                                    

"Sandali, Kenji," bulong ng ng isang may-edad na lalaki sa batang lalaki nang marahang gumalaw ang kalabitan ng hunting rifle sa kamay nito.

"Handa na ako, Papa," pabulong ring sagot ng bata. Ngunit marahang ipinatong ng kaniyang Papa ang kamay nito sa kaniyang kanang braso.

"Patience, my son. Konting sandali pa. Hayaan mong ang hayop mismo ang magbigay sayo ng tamang pagkakataon."

Sinunod ni Kenjirou ang kaniyang Papa kahit hindi siya sumasang-ayon dito. Hindi niya naintindihan noon ang kahalagahan ng paghihintay. He had a perfect shot, he thought. Kaya bakit niya kailangang maghintay?

Ilang minuto ang lumipas. Naramdaman ni Kenji ang pagtulo ng butil ng pawis sa gilid ng kaniyang mukha. Nangangawit na rin ang kaniyang mga braso. Nahihirapan na rin siyang siguruhing hindi gumagalaw ang mabigat na baril. Hindi iyon ang unang pagkakataon na nakasama siyang mangaso ng kaniyang Papa. Base sa kaniyang ekspiriyensa, hindi niya matatamaan ang target kung hahayaan niyang mangalay nang husto ang kaniyang mga braso. At hindi niya gustong umuwing walang dala.

Inayos ni Kenji ang hawak sa baril. Muli niyang inasinta ang malaking baboy na kanina pa nila minamanmanan. Then, without warning, Kenji pulled the trigger.

Bang!

Bumagsak ang baboy at nagpakawala ito ng nakakabinging palahaw. Napatingin ang kaniyang Papa sa kaniya, nagtatanong ang mga mata, ngunit saglit lamang iyon. Agad itong tumakbo palapit sa bumagsak na nilalang. Sumunod siya sa ama.

Nang makalapit siya sa hayop ay napasinghap siya na nakita. Buhay pa ito. Pumapalag ang mga paa ng baboy. Dumadaloy ang dugo mula sa sugat na nilikha ng kaniyang baril ngunit kahit sa murang edad ay alam niyang hindi iyon agad mamamatay. Maghihirap pa ito nang matagal.

"Papa..." sabi niyang tiningnan ang ama na may pagsusumamo sa mga mata.

Hinugot ng kaniyang Papa ang hunting knife nito, lumuhod sa harap ng kawawang hayop, at sinaksak iyon sa bahagi kung saan naroon ang puso. His father ended the creature's agony with one swift stab of the knife.

"Ito ang dahilan kung bakit mo kailangan ng pasensya, Kenji. Para maiwasan ang paghihirap ng mga hayop. Tandaan mo, anak. Mahalaga ang mga hayop sa ating mga tao. Malaki ang naitutulong nila sa atin at sa kalikasan. Kaya dapat natin silang irespeto. Iwasan mo ang hindi nararapat na paghihirap ng isang hayop. Naiintindihan mo ba, Kenji?"

Maharan siyang tumango. Nasa mukha niya ang pangungunsensya sa pagkakamali.


***☼***


Nanatiling tahimik si Kenji sa buong oras na naglalakbay sila pabalik sa kanilang mansiyon. Hindi niya maialis ang imahe ng baboy na kaniyang binaril kanina. Nang huminto ang truck ng kaniyang Papa sa tapat ng marangyang tahanan ay walang-gana siyang bumaba mula roon. Sa may pinto ng bahay ay nakatayo ang kaniyang Mama at matiyagang naghihintay sa kanilang pagbabalik. Tumakbo siya palapit dito. He needed comfort and she represents and offers just that. Comfort.

Yumakap siya nang mahigpit sa ginang. Halos umabot lang siya sa dibdib nito ngunit damang-dama pa rin niya ang pagmamahal ng ina nang bahagya itong yumukod para yakapin din siya.

"Mama...I did something terrible," panimula siya. Hindi ito sumagot ngunit ramdam niyang handa itong makinig. "Sabi sa Bibliya, alagaan natin ang lahat ng mga hayop. Sa tingin mo po, Mama...mapapatawad ako ng Diyos sa ginawa ko?"

Among the Dead #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon