Umingit ang pinto ng mataas na cabinet kahit maingat iyong binuksan ni Kenji. Mabilis niyang pinasadahan ng tingin ang laman niyon. Mga baking pan, baking sheet at iba’t iba pang kasangkapan sa pagbe-bake ang naroon. Isinara niya iyon saka nagpalinga-linga para maghanap ng iba pang maiimbestigahang storage.
Klang!
Halos mapatalon si Kenji sa ingay na iyon. Agad siyang napalingon sa pinanggalingan ng ingay at sinalubong ng imahe ni Ren. Nakangiwi ito habang nakatingin sa kaniya. Sa paanan nito ay ang stainless mixing bowl na gumegewang pa bago tuluyang tumigil sa binagsakan niyon.
Ren mouthed the word sorry. Gusto niya itong batuhin ng rolling pin dahil paniguradong kung may malapit sa zombie sa gusali o kung may zombie sa loob mismo ng bakery, narinig na niyon ang ingay na likha ng kawalang-ingat ni Ren. Pero nagpigil siya. Hindi iyon ang oras para mag-away sila nito. Kailangan nila ang isa’t isa. Sinenyasan na lang ni Kenji si Ren na magpatuloy sa paghahanap ng mga nasa listahan nila.
Nagpatuloy din si Kenji sa paghahanap. When he finally found the storage that housed the baking ingredients, Kenji finally felt a little hope. Iyon nga lang sa dilim sa loob ay hindi niya halos mabasa ang nakasulat sa label ng mga iyon. Kulang ang liwanag na nanggagaling sa bahagyang nakabukas na pinto dahil halos nasa isang sulok na ng silid ang kinaroroonan niya.
Kenji squinted his eyes, rubbed them when they felt dry from trying to read in the dark, widened them, squinted them again, took one of the bags in front of him and brought it closer to his eyes, but he still could barely make the words on it. Gusto na niyang gawing punching bag ang kung ano man iyong hawak niya. Kanina ay inihagis na nila ni Ren ang kani-kanilang backpack sa kabilang pader at itinira lang ang kanilang mga sandata para mas madali sa kanilang maghakot at makatakas pagkatapos. At sa katangahan niya, nakalimutan niyang kunin ang flashlight sa bulsa ng bag. Ngayon tuloy ay nahihirapan siyang makakita sa dilim.
Kenji resolved that there’s no other choice. Dadalin niya ang mga kaya niyang dalin kung saan may liwanag para doon malaman kung ano ang mga iyon. Aalis na sana siya sa kinatatayuan nang biglang magliwanag sa paligid. Napalingon siya sa pinanggagalingan ng liwanag.
“Para hindi na ulit ako makatabig ng kung anu-ano. Mahirap makakita eh,” nakangising sabi ni Ren na nakatayo sa tabi ng wood-burning oven.
Hindi siya sumagot pero ipinagpatuloy niya ang ginagawa kanina. May konting inis pa rin siya kay Ren dahil na rin siguro frustrated siya kanina. Pero aaminin niyang maganda ang naisip nitong idea para magkaroon sila ng ilaw. Ayaw nilang buksan ang ilaw dahil hindi sila sigurado kung nakaka-attract ng biters ang liwanag. Kung iyong liwanag sa apoy lang ang gagamitin nila, hindi masyadong babaha ng liwanag sa paligid ngunit sapat iyon para makakita sila nang maayos.
I guess that’s a theory that we have to test ‘pag naka-survive kami dito, sabi ni Kenji sa isip.
Mabilis nilang nahanap ni Ren ang mga kailangan at nagmamadaling nagpabalik-balik para maihagis ang mga iyon sa kabilang bakod. Nahirapan silang ihagis sa kabila ang bag ng arina dahil may kabigatan iyon. Nagtulong na sila ni Ren pero nakailang subok pa rin sila bago nila iyon naihagis sa kabila. Saglit nilang hinabol ang sari-sariling paghinga bago sila nagdesisyong bumalik sa loob para kunin ang huling kailangan, mantikilya. Pero nakakaisang hakbang pa lang sila ay pareho na silang natigilan. May kumakalampag sa pintong nagkokonekta sa ibang silid ng gusali. Parang may nagpipilit magbukas iyon.
BINABASA MO ANG
Among the Dead #Wattys2016
Mystery / ThrillerChoose your alliances well, sacrifice those of no use to you, outsmart the living and survive the dead. Sa mundong kanilang ginagalawan, yan ang kanilang natutunan. To hell with reasons. To hell with the law. You better create your own rules. Learn...