⇜CHAPTER 4⇝

1.4K 24 5
                                    

Author's Note: Happy Halloween everyone. ^__^ Here's hoping na maayos ang kinalabasan ng chapter 4. Medyo ang hirap kasing isulat ang bawat detalye ng chapter na ito dahil intense ang kabuuang feel niya. Sana maramdaman nyo ang intense feeling ng bawat eksena.

            Sumilip si Kenji mula sa likod ng malapad na punong kaniyang pinagtataguan. Binilang niya sa isip ang mga biters na mabagal na naglalakad sa paligid ng bus na sinakyan niya kaninang umaga. May lima sa unahan at tatlo sa likod na paroot parito na parang nagroronda. Hindi niya alam kung meron din sa bahaging natatabingan ng bus pero tingin nya ay mas kokonti ang bilang ng mga biters doon kesa kanina. Ang tantiya niya ay mga isang dosena ang umatake sa kanila kanina. O baka mas marami pa.

                Binalingan niya ng tingin sina Ren at Maeda na nakatago sa kani-kanilang puno sa kaniyang kaliwa at tinanguan ang mga ito. Tapos ay sa kanan naman siya bumaling kung saan naroon sina Shizu at Kiari. Nakipagpalitan din siya ng tingin sa mga ito.

                Maingat at walang ingay siyang naglakad papunta sa kinaroroonan ng bus kasunod ang mga ka-grupo. They took advantage of the trees and bushes para hindi makita ng mga zombie. Mga ilang dipa na lang sila mula sa kalsada nang may matapakang tuyong kahoy si Kiari. Lumikha iyon ng ingay. Halos sabay-sabay silang lahat na napatingin sa babae na ngumiwi at nag-sorry na walang salitang lumalabas sa bibig. Mangani-ngani itong sabunutan ni Maeda na laging mainit ang ulo.

                Kenji faced front to check if the biters noticed the cracking sound. And they did! Nakaharap na sa gawi nila ang mga zombie. Walang umaabante sa mga ito pero pawing mga nagmamasid ang mga ito. Parang pinapakiramdaman kung may mabibiktima sa paligid.

Wala sa kanila ang kumilos. Para silang napako sa pinagtataguan na parang estatwa. Kahit ang ihip ng hangin ay kinatatakutan nilang magbunyag sa kanilang presensya. Halos marinig na nila ang kani-kanilang mga tibok ng puso at sariling paghinga. Gustong lumunok ni Kenji dahil sa kaba pero kahit ang paglunok ay pinag-ingatan niyang gawin. Pakiramdam niya kasi ay kahit iyon maririnig ng mga biters.

                Matapos ang ilang segundong pakikiramdam, humakbang ang isang biter papunta sa hilera ng mga puno kung saan sila naroon. Naalarma sila. Nag-alangan si Kenji kung aatras o susugod. Marami ang biters. Di hamak na outnumbered sila ng mga ito. Ang susi sa tagumpay ng kanilang pag-atake ay ang surpresahin ang mga zombie. Pero ngayong mukhang napansin na sila ng mga biters, wala na ang inaasahan nilang element of surprise.

                Humakbang uli ang biter saka ito umungol na animo namamaos. Parang naging hudyat iyon para magsunuran din ang iba pang zombie. Nauna na nga ang mga ito papunta sa hilera ng mga puno. Kinakabahang napaatras sila ng isang hakbang. Pero nakatutok pa rin ang tingin nila sa mga papalapit na zombie.   

                 May pag-aalangan man at takot, alam ni Kenji na kung aatras sila baka hindi na sila makalabas ng bayan ng buhay. Nagkalat sa buong bayan ang mga gaya ng nasa harap nila. Who knows where the rest of them are. For all they know baka nga may mga biters din sa pinanggalingan nilang direksyon. At aatras sila, lalo lang silang mako-corner. Mas may tiyansa sila kung aatake na sila ngayon. Pero paano kung hindi sumugod ang mga kasama niya kasama niya? Anong mangyayari sa kanila? Will they make it pass the zombies alive?

                Pilit inignora ni Kenji ang sariling pag-aalala at takot. Kailangan niyang pamunuan ang mga kasama. If he initiates the attack, there’s a better chance that his companions will back him up. Isinantabi ni Kenji ang takot at kinumbinsi ang sariling eto na ang huling pagkakataon nila. At kaya nilang manalo laban sa mga biters basta walang aatras.  

                 “Haarrrr,” mahinang ungol ng mga biters na akala mo namaos.

                It’s now or never! sabi ni Kenji sa isip. Biglang napalitan ng determinasyon ang pag-aalinlangan sa mukha ni Kenji. He raised his weapon, a wooden stake, ready to strike.

Among the Dead #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon