Isang grupo ng dalawang lalaki at isang babae ang humarang sa pagbalik sana nina Kenji sa daan. May hawak na rifle ang lalaking nasa kanan na hindi tataas ang edad sa trenta. Ang katabi nitong lalaki ay may hawak na gulok habang ang babaing katabi naman nito ay may hawak na tubong pinatulis ang dulo.
“Ibaba nyo lahat ng pagkain ninyo,” utos ng lalaking may baril.
“Teka lang. Bibigyan namin kayo ng supplies namin. Pwede nating paghatian. Walang dapat masaktan,” sabi ni Kenji.
“Walang masasaktan kung ibibigay nyo ang lahat ng pagkain nyo.”
“Kailangan din namin ang pagkain. Paghatian na lang natin.Pareho naman tayong makikinabang pag ganoon eh. Pumayag na kayo,” pakiusap ni Shizu.
“Yani, pumayag na tayo. Hati daw tayo ng supplies,” udyok ng lalaking may baseball cap at siyang may hawak ng gulok.
“Kailangan natin ang mga supplies nila. Saka bakit ka maniniwala sa kanila. Baka niloloko lang nila tayo. Pinapaniwala. Tapos ay tayo ang papatayin nila.”
“Hindi namin kayo sasaktan. Gusto lang din naming mabuhay. Gusto lang naming maka-survive sa magulong mundong ito,” sabi ni Kenji. “Kayo ang may baril. Kami nga ang dehado eh. Wala kaming laban sa baril ninyo. Lalo at hindi makakalaban si Ren dahil sa injury niya. Isa pa kami ang naghirap mangolekta ng mga supplies pero makikinabang din kayo sa kalahati. Ang gusto lang namin ay makaalis dito nang buhay at may dalang pagkain. Lahat man iyon ng mga nakolekta namin o kalahati.”
“Marami kaming de lata at bigas. Hindi naman namin madadala lahat ito kahit gusto namin. Bakit naman hindi namin ishe-share sa inyo ang mga ito? Sige na, pumayag na kayo,” dagdag ni Kiari.
Nagkatinginan ang mga kaharap nila na parang tinatanong ang isa’t isa kung papayag ang mga ito.
“Sige na, Yani. Pumayag na tayo. Tama sila. Kailangan din nila ang pagkain. Isa pa, wala namang dahilan para hindi tayo pare-parehong makaalis dito nang may bitbit na supplies,” sabi ng babae sa kasama.
Tinapunan sila ng tingin ni Yani saka nito ibinaba ang nakaumang baril.
“Sige. Payag kami. Hati tayo,” sabi nito.
Nakahinga nang maluwang sina Kenji. Tinangunan ni Kenji ang mga kasama bilang hudyat na ibaba ang mga dalang bayong at supot na puno ng groceries. Agad lumapit ang grupo ni Yani at kumuha ng pagkain mula sa mga iyon.
“Ang dami nito. Balak nyong dalin lahat ng mga ‘to?” tanong ni Benji, ang lalaking may gulok, habang namimili ng de lata.
“Sana. Pero hindi naman namin makakayang dalhin lahat ng mga ‘to. Kaya kukunin lang namin kung anong kaya naming dalin,” sagot ni Ren.
“Marami pa nga sa tindahan eh. Kung gusto nyo pwede pa kayong kumuha doon sa loob,” sabi ni Shizu.
“Pwede pero nagmamadali kami. Pasensya na kayo ha. Hindi naman talaga namin balak saktan kayo. Kailangan lang talaga namin ng supplies,” paumanhin ng babaeng kasama nina Benji at Yani.
“Pero bakit nyo pa kami aagawan? I mean, marami pa namang mga groceries sa tindahan,” tanong ni Maeda. Si Yani ang sumagot.
BINABASA MO ANG
Among the Dead #Wattys2016
Mystery / ThrillerChoose your alliances well, sacrifice those of no use to you, outsmart the living and survive the dead. Sa mundong kanilang ginagalawan, yan ang kanilang natutunan. To hell with reasons. To hell with the law. You better create your own rules. Learn...