⇜CHAPTER 2⇝

1.6K 24 0
                                    

“Ligtas ka na,” narinig niyang sabi ng lalaki. “Sa ngayon,” dagdag nito saka ngumisi dahil sa sariling “joke”. Nakaupo ito mga isang dipa mula sa kaniya. Humihingal din ang lalaki. Hindi ito kataasan sa tingin niya. Medyo malaki ang katawan pero hindi dahil sa muscle kungdi dahil sa taba.

“’Wag mo siyang takutin, Ren. Nakita mo nang halos kakaligtas lang natin sa kaniya,” sabi ng kasama nitong babae. Mukhang kasing edad lang din nila ito. Maliit at payat. Nagtataka siya kung paano siya nakaya ng mga itong hilahin. Parang hindi kapani-paniwala. Pero siguro ay tulad niya, nagkaroon din ang mga ito ng adrenalin rush dahil sa mga nangyari kani-kanila lang.

“Ako nga pala si Shizuka. Pwedeng Shizu na lang itawag mo sa akin kung gusto mo,” nakangiting pakilala nito.

“Ako naman si Ren. Ikaw?”

“Kenjirou,” matipid niyang sagot.

“O ano? Tapos na ba kayong magsayang ng oras?” tanong ng isa pang babae na noon lang niya napansin. Umupo siya mula sa pagkakahiga para mabistahan itong mabuti. Nakatayo ito sa kabilang dulo ng roof top habang nakahalukipkip ang mga braso. Tulad ng iba, halos kasing-edad lang din niya ito. Inipit nito sa likod ng tenga ang mahabang buhok na nililipad ng hangin saka muling humalukipkip habang nakasimangot pa ring nakatingin sa kaniya.  

“Siya naman ang pinsan ko. Si Maeda,” pakilala dito ni Ren saka bumulong sa kaniya nang, “Pasensya ka na. Medyo masungit talaga ‘yan eh.”

Hindi siya sumagot. Pero hindi rin niya inalis ang tingin sa babae.

“O ano? Magtititigan na lang ba tayo?” mataray nitong tanong na tumaas pa ang isang kilay.

Hindi rin nawawala ang pagsasalubong ng kilay ni Kenji. Kahit kailan ay walang babaing nagsungit sa kaniya. Kaya hindi siya sanay ng tinatarayan. Nag-iinit ang ulo niya dahil nasasagi ang ego niya bilang isang lalaki.

Wala pa ring imik siyang tumayo. Nang tumayo din sina Ren at Shizu ay nakumpirma ang hula niyang hindi nga kataasan ang mga ito.

“Huwaaaaa. Ang tangkad mo pala,” namamanghang sabi ni Ren habang nakatitig sa kaniya.

“Umalis na tayo,” utos ni Maeda.

Lumapit dito sina Ren at Shizu kaya sumunod na rin siya. Tumigil siya sa mismong harap ni Maeda. He towers over her dahil sa taas niyang 5’8” pero ni hindi ininda iyon ni Maeda. Nakipagtitigan ito sa kaniya kahit kailangan nitong tumingala para salubungin ang kaniyang mga mata.

“Hindi ka kasama. Natulungan ka na namin kaya bahala ka na sa sarili mo.”

“You mean natulungan na ako nina Ren at Shizu di ba?” sarkastikong pagtatama niya dito. “Nakatayo ka lang diyan habang nahihirapan silang tulungan ako kanina di ba?”

Nagtaas ng kilay si Maeda.

“Wala akong balak tulungan ang kahit sinong pwedeng mang-ahas sa amin,” mataray niyang sabi bago binalingan ang nakikinig lang na sina Ren at Shizu. “Tena kayo.”

Tumalikod na si Maeda.

“Sandali Maeda. Kailangan natin siya,” sabi ni Ren.

“Ano’ng sinasabi mo? Hindi natin siya kailangan.”

“Makakatulong siya sa atin. Mas marami tayo, mas may tiyansa tayong maka-survive.”

“Sang-ayon ako kay Ren, Maeda,” sabi ni Shizu pero hindi sya pinansin ni Maeda.

“Naka-survive tayo hanggang ngayon na tayong tatlo lang. Hindi natin siya kailangan,” pagmamatigas ni Maeda.

“Naka-survive nga tayo. Pero nakalimutan mo na ba? Ilang beses din tayong muntik nang makagat ng isa sa kanila. At…ilan din sa mga kaibigan natin ang nakita nating nawala.”

Among the Dead #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon