Animo natutulala si Maeda habang nakatitig sa kawalan. Kanina pa nagpapaulit-ulit sa kaniyang isipan ang mga alaala ng kaniyang kabataan. Parang pelikula niya itong napapanood sa imahinasyon. Ngunit di gaya ng isang pelikula ay wala siyang kakayahang pahintuin iyon gustuhin man niya. Ang damdamin niyang akala niya ay pinatigas ng mga mapait na karanasan at wala nang kakayahang haplusin ang kaniyang puso ay muling nanuot sa kaniyang dibdib. Nagsusumiksik at pilit binubuksan ang matagal na niyang isinarang bahagi ng kaniyang nakaraan. Hanggang na tuluyan na iyong makapasok.
Kusang nalaglag ang isang patak ng luha sa makinis niyang pisngi. Ngunit kahit alam niyang nakaalpas iyon sa kaniyang mata ay animo pa rin siyang natutulala sa kawalan. Bihag ng imahe ng nakaraan.
"M-Maeda?" untag sa kaniya ng katabi. Mabilis niyang pinunasan ang luha saka ito saglit na tinapunan ng tingin bago nag-iwas ng tingin.
"Salamat sa pagligtas sa akin. Pasensya ka na kung ngayon lang kita napasalamatan. Hindi ko kase alam kung paano kita haharapin. Siguro iniisip mo na ang kapal ng mukha kong tawagin kang ate at magtago sa likod mo para iligtas ako. Sorry. Natatakot lang talaga ako noon eh. M-Maeda..."
"Oo na," putol niya sa sasabihin pa nito. May kalakip na inis sa kaniyang tinig kahit mahina lamang iyon. "Basta tigilan mo na ang pagso-sorry, pwede?"
Tumango lang si Hanna. Mag-iiwas sana uli siya ng tingin nang mapansin niyang binubuksan ni Ricky ang gate. Sabay-sabay ding napatingin doon sina Kiari, Ren at Shizuka. Nakatitig sila, naghihintay, hanggang sa tumambad sa kanilang mga mata ang nasa likod ng gate. Magkasunod na pumasok ang dalawang sasakyan: isang truck at isang SUV. Magkakasunod silang tumayo bago huminto ang SUV makalampas sa kanilang pwesto. Bumukas ang pinto sa passenger's side, sa likod ng driver's seat, at lumabas si Hirano. Imbes na tumuloy sa mansiyon ay humarap ito sa kanila at naglakad patungo sa kanilang direksyon. Nang makalapit ay saglit nitong pinaglipat ang tingin sa kanila bago nagsalita.
"Ano'ng nangyayari?"
"Ano'ng ibig mong sabihin?" tanong ni Maeda.
"Wag na kayong magmaang-maangan pa. Halatang may itinatago kayo. Kung hindi ay bakit narito kayong lahat? Sino'ng hinihintay nyo?"
Wala sa kanila ang sumagot. Muling tiningnan sila ni Hirano isa-isa bago bumalik ang mga mata nito sa kaniya.
"Nasaan si Kenji?"
"Hindi namin alam," matigas niyang sagot na napawalang saysay nang sumagot din si Ren.
"Lumabas kasama si Haru at isang maliit na grupo."
"Ren!" mabilis na saway niya sa lalaki. Pinandilatan niya ito.
"Kanina pa lumabas ang grupo ni Kenji. Nag-aalala ako. Baka kailangan nila ng tulong."
"At sa tingin mo makakatulong si Hirano sa kanila?"
"Bakit hindi?" sabat ni Hirano saka itinaas ang isang baril at ikinasa iyon sa kaniyang harap.
"Hindi namin alam kung saan sila nagpunta. At 'yon ang totoo. Wala kaming masasabi sayo."
"Alam nung gwardiya sa gate," sabat muli ni Ren. Pinukol niya ito ng matalim na tingin ngunit hindi iyon alintana ng binata. Samantala, saglit lang siyang tiningnan ni Hirano, tumangu-tango saka sinenyasan ang mga kasama at pinuntahan sina Ricky.
***☼***
Mariing nakapikit ang mga mata ni Kenji habang nakaupo sa damuhan di kalayuan sa mga kasama. Nakatukod ang mga siko niya sa magkabilang tuhod nasa ulo ang mga kamay. Bahagyang nakasabunot ang mga daliri niya sa malagong buhok habang priming nakatungo. Kanina pa siya sa ganoong posisyon. Ayaw niyang magmulat ng mga mata. Ayaw niyang makita ang paligid. O mas tamang sabihing ayaw niyang makita si Rina. Natatakot siya. Paano kung dinadaya lang siya ng mga mata kanina? Paano kung dahil sa takot niya sa nagawa ay gumawa ng kasinungalingan ang kaniyang isipan upang makatakas sa kaniyang pagkakamali?
BINABASA MO ANG
Among the Dead #Wattys2016
Mystery / ThrillerChoose your alliances well, sacrifice those of no use to you, outsmart the living and survive the dead. Sa mundong kanilang ginagalawan, yan ang kanilang natutunan. To hell with reasons. To hell with the law. You better create your own rules. Learn...