⇜CHAPTER 1⇝

2.1K 30 4
                                    

                Panahon noon ng kapaskuhan. Unang araw ng Disyembre. Kung iisipin maganda sanang regalo ang pagdating ni Kenjirou sa kanilang tahanan. Kung normal lang sana ang kaniyang pamilya.

                Bumuntung-hininga si Kenji nang maalala ang kanilang tahanan. Pitong taon siyang nawala. Pero sa loob ng pitong taon na ‘yon, iisang beses lang dumalaw ang kaniyang mama. At ang kaniyang papa…

FLASHBACK:

“Wala kang pakinabang na bata ka. Umalis ka sa harap ko. Layaaaaaasss,” sigaw ni Lazaro sa umiiyak na sampung taong gulang na lalaki. Si Kenji. Nakasalampak siya sa marmol na sahig at muntik nang mabagsakan ng flower vase sa ulo nang tumama ang katawan niya sa pinagpapatungan niyon.

Hindi! Si Lazaro. Kahit kailan ay hindi niya muling tatawaging papa ang lalaking iyon! Hindi niya kayang ituring ang walang kwentang lalaking iyon bilang pangalawang ama.

His hand formed a fist. Nagsalubong ang mga kilay niya dahil sa naalala. Binuksan ni Kenji ang bintana ng bus at sinalubong ang malamig na hangin na agad bumati sa kaniya. Pakiramdam niya ay nagsisikip ang kaniyang dibdib. Kailangan nyang pigilan ang pamumuo ng galit. Lalo lang niyong pinapaalala ang dahilan kung bakit siya nawala ng pitong taon.

Skkkkrrrriiiiiiiiiiittttt!!!

Muntik nang mauntog ang noo ni Kenji sa sandalan ng upuan sa harap niya dahil sa lakas ng biglaang preno ng sasakyan. Mabuti na lang at mabilis siyang nakahawak sa sandalan. Kung hindi ay nagkabukol siguro siya.

“Ano ba ‘yan, mama? Papatayin mo ba kami?” galit na reklamo ng aleng halatang galing sa pamimili ng ititinda mula sa Kapitolyo. Nagreklamo din ang ibang pasahero lalo na iyong nagalusan.

“Pasensya na ho,” hingi nito ng paumanhin saka parang namumurublema na kinakabahang bumaba ng sasakyan. Sinundan ito ng tingin ni Kenji. Lumigid ang driver ng bus sa unahan. Agad itong nangilabot sa nakita. Pinagpapawisan ng malamig at nanlalaki ang mga mata ng driver habang nakatingin sa kung ano sa may gulong ng sasakyan.

Kinutuban si Kenji. Kunot ang noong bumaba rin siya ng bus. Hindi niya gusto ang nakitang reaksyon ng driver. Parang may nag-uudyok sa kaniyang bumaba para makita kung ano man ang nakita nito. Mabilis ang mga hakbang na naglakad papunta sa unahan ng bus si Kenji nang makababa. Isang walang malay na babaing nakadapa ang kaniyang nakita. Subsob ang mukha nito sa sementong daanan. May kaunting dugong naipon malapit sa nakukubling dibdib at mukha nito.

“Aayyy!!! Ano ba ‘yan mama. Nakabangga ka pa,” tili ng aleng hindi pala nakatiis kungdi mag-usisa sa nangyari. Sumunod din ang ibang pasahero na natutop ang kani-kanilang mga bibig sa kalunus-lunos na sinapit ng biktima.

Nilinga ni Kenji ang paligid. Nasa dulo at liblib na bahagi sila ng Cavite. Walang ibang nakikita kungdi mga puno sa magkabilang bahagi ng daan. Walang ibang sasakyang nagdaraan na hindi nakakapagtaka dahil bihira ang sasakyan sa lugar na iyon. Iilang beses pa lang siya nakakarating sa bahagi na ito ng Cavite pero alam niyang malayo ang mga ospital na may modernang kagamitan para gamutin ang nabangga ng driver. Puro maliliit na klinika lang ang meron dito.

Parang naiinis na nagbuga ng hangin si Kenji. Wala siya sa mood para sa kahit anong klase ng delay. Tiningnan niya ang daan kung saan dapat sila papunta. Natatanaw na niya ang unang linya ng mga bahay sa di kalayuan. Tantiya niya ay malalakad na rin niya ang bahay ng kaniyang lolo mula doon.

“Naku, mama, ano’ng ginagawa mo?” narinig niyang tanong ng isang pasahero sa driver. Naagaw niyon ang kaniyang pansin.

“Gusto ko lang siyang tulungang makahiga. Baka buhay pa ito eh. Mahihirapan siyang makahinga kung hahayaan nating nakadapa,” sagot ng driver na inuumpisahan nang maingat na pihitin ang katawan ng biktima para maihiga ito.

Among the Dead #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon