⇜CHAPTER 5⇝

1.3K 19 0
                                    

                Mahigit kumulang tatlumpung minuto na silang naglalakbay palabas ng probinsya ng Cavite. Nakaupo sila sa kani-kaniyang upuang napili at tahimik na nakatanaw sa labas ng bintana. Walang naglakas-loob sa kanilang magbukas niyon kahit isa. Kung maaari nga lang nilang saran ang pinto ng bus ay ginawa na rin nila masiguro lang na walang makakapasok na buhay na patay sa loob. Pero walang pinto ang bus. Wala silang maisasarang pinto gustuhin man nila.

                Maya-maya ay tumayo si Kenji mula sa pwesto niya sa bandang likod at walang salitang dumiretso siya sa unahan ng sasakyan. Kaiba sa kalimitang bus na nagdadala sa mga pasahero sa kani-kanilang destinasyon, ang kanilang sinasakyan ay mas mahaba nang kaunti. Wala ang makitid na upuan na malimit makikita sa unahan ng bus, sa likod ng driver. Sa halip, may pang-isahang upuan sa kanang bahagi sa tabi ng pinto na natatabingan ng manipis na yerong gaya ng materyales kung saan yari ang katawan ng bus. Sa katapat niyon sa kaliwa at mismong likod ng driver ay may ekstrang pang-dalawahang upuan. May kapirasong agwat sa pagitan ng driver’s seat at ng passenger’s seat sa unahan na siyang nagsisilbing masikip na daanan papunta sa unahan ng bus. Ginamit iyon ni Kenji para makalipat sa tabi ni Kiari.

                Saglit na napunit ang paningin ng katabing dalaga mula sa daan at saglit siyang tiningnan. Ngunit wala sa kanilang nagsalita. Tahimik na ibinalik ni Kiari ang tingin sa malinis na daanan. Mula sa rearview mirror ng bus ay nahagip ng mga mata ni Kiari ang imahe ni Maeda. Salubong ang mga kilay nito habang nakatingin sa gawi nila. Hindi niya alam kung para kanino ang mga matatalim nitong tingin: sa kaniya, kay Kenji o sa kanilang dalawa. Kiari tried to ignore Maeda.  

                “Ren ano ba?” narinig nilang reklamo ni Shizu maya-maya. She has a disgusted look on her face while she’s trying to hide it behind her hands. Sabay napalingon sina Kenji at Kiari. Nakita nila si Ren sa may pinto ng bus. Ibinababa nito ang zipper ng lumang maong na pantalon.

                “Sasabog na’ng pantog ko eh. Hindi ko na mapipigilan ito,” sabi ni Ren saka inilabas ang pribadong bahagi ng katawan nito. Agad umagos ang madilaw na likido mula doon na parang gripong nagdidilig sa daan.

                Naiiling na muling ibinalik ni Kiari ang mata sa daan.

                “Bilisan mo diyan Ren,” utos naman ni Kenji saka siya naman ang nagbalik ng tingin sa daan.

                “Ahh!” sigaw ni Ren nang biglang may tumalon na biter at muntik nang mahagip ang kaniyang sandata. Paupo siyang bumagsak sa sahig ng bus dahil sa pag-iwas.

                Kapwa mabibilis ang tibok ng puso na nakatingin silang lahat sa humihingal na si Ren. Tiningnan sila ni Ren na parang hindi makapaniwala sa nangyari. Muntik na siyang mawalan ng kayamanan. Maya-maya ay unti-unting sumilay ang isang ngiti sa mga labi nito hanggang sa matuloy ito sa isang ninenerbyos na pagtawa. Natawa na rin sina Kenji, Shizu at Kiari. Pati si Maeda ay hindi napigilang matawa sa nangyari.

                Natatawang ninenerbyos na humawak si Ren sa metal bar sa may pinto at itinayo ang sarili. Natakot talaga siya doon. Isipin lang niyang magiging isa siya sa mga kinatatakutan nilang zombie dahil mai-infect siya ng isa sa mga ito sa bahaging iyon ng kaniyang katawan, of all places, ay halos manginig na siya. Pero hindi naman siya alam kung paano magre-react kaya natawa na lang siya. Pero syempre, hindi iyon dahil masaya siya.

Among the Dead #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon