NOTE: The lines in bold were edited.
*******
“Papa?” may pang-uuyam na sabi ng tinatawag ng lahat na amo habang nakatitig sa kaniya. He smirked at Kenji after, a carefully calculated insult, which he made sure would reach Kenji. “Wag mo ‘kong matawag-tawag na Papa. Hindi kita anak,” madiing sabi nito.
It was Kenji’s turn to show an arrogant smirk this time.
“’Wag kang mag-alala…” sabi niya habang sinasalubong ang mga mata ng kaharap. “…hindi rin ako natutuwang tawagin kang Papa. At tama ka…hindi kita ama. Nagkataon lang na nabilog mo ang ulo ng mama ko at pinakasalan ka niya.”
Saglit na hindi umimik ang nakatatandang lalaki. Tapos ay nagpakawala ito ng isang malakas na halakhak na para bang noon lang ito nakarinig ng isang nakakatawang biro. Everyone watched as the man held his barely protruding belly, bending down as he laughed so hard he looked like he was going to loose his breath. Kenji caught a sight of his friends arriving and now stood next to the spectators, looking all confused. But he didn’t pay them any attention.
“Talagang ipipilit mo ang gusto mo ano?” sabi ng matandang lalaki nang maubos ang tawang akala nila ay hindi na matatapos. What was left on his cigarette-blackened lips was a crooked, amused grin. “Sige. Pagbibigyan kita. Papayagan kitang manatili dito kasama ng mga kaibigan mo. I would even let you stay in the mansion. Iyon ay kung...” he purposely stalled and looked at Kenji from head to toe before continuing. “…magagawa mo ang ipapagawa ko sa’yo.”
“Kenji? Shizu? Ano’ng nangyayari?” tanong ni Ren. Ngunit saglit lang niya itong tinapunan ng tingin. Wala dito ang interes niya.
Nagpatuloy ang amo ng hacienda nang nanatiling tahimik si Kenji at salubong ang mga kilay na nakatitig lang sa lalaki.
“May magaganap na kasalan sa makalawa,” kaswal nitong anunsyo na parang walang kaguluhang nangyayari sa pagitan nila, habang may pagkagulat naman at pagtataka sa mga mukha ng mga tao sa paligid.
“Mawalang-galang na ho, amo. Sino po ang ikakasal?” tanong ni Mang Ernesto.
“Ako,” sagot ng tinawag na amo na parang hindi nito pansin ang kabiglaan sa mukha ng lahat, maging ang lalong magsasalubong ng mga kilay ni Kenji. He raised his hand towards the girl that Haru was kissing earlier, as if commanding her to come to him. And she did. Reluctantly at first, but she smiled after the initial shock of the news faded. Sinalubong nito ang mga tingin ng mga nasa paligid na parang isang dalagang masaya sa pagkaanunsyo ng sariling kasal. Ngumiti ito sa lahat maliban sa isa…si Haru. Idinantay pa ng babae ang kamay sa dibdib ng lalaking halos ama na nito dahil sa agwat ng kanilang edad, habang ang lalaki naman ay ipinulupot ang braso sa bewang ng dalaga.
“At syempre kailangan may cake. What’s a wedding without a cake? Hindi ba, Madoka?” sabi ng matanda sa kasintahan na ngumiti lang dito.
“Ano’ng kinalaman ng pagpapakasal mo sa pagtigil namin sa mansion ng Mama ko?” nasusuklam na tanong ni Kenji.
“Kailangan mong patunayan na hindi ka pabigat sa grupong ito. Na kaya mong magbigay ng kontribusyon.”
Kenji chuckled dryly.
“And here I thought everyone is welcome to stay here,” may pang-uuyam niyang sabi.
“Tama ka. Pero hindi naman maaaring walang kapalit ang pagtigil nyo dito. Lahat kailangan magbigay ng kontribusyon. One way or another. Ang mga kalalakihan at ibang kababaihan ay ipinagtatanggol ang haciendang ito, lumalabas para maghanap ng supplies at tumutulong sa pagsagip sa mga survivors na makita nila sa labas. Ang ibang kababaihan at matatanda ang nag-aasikaso ng ibang pangangailangan ng lahat gaya ng pagluluto, pagtatanim at paggamot sa mga nasusugatan sa daan. You see. Lahat ng tao dito ay nagko-contribute para mabuhay ang lahat…in one way or another.”
BINABASA MO ANG
Among the Dead #Wattys2016
Mystery / ThrillerChoose your alliances well, sacrifice those of no use to you, outsmart the living and survive the dead. Sa mundong kanilang ginagalawan, yan ang kanilang natutunan. To hell with reasons. To hell with the law. You better create your own rules. Learn...