“Raaawwwrrrr!”
Umalingawngaw ang sigaw na iyon ng pusa sa kaniyang tainga. Umiktad ang katawan nito nang mahawakan iyon ng zombie at bumaon ang mga kuko niyon sa kawawang nilalang. Nagpipilit makawala ang pusa ni Kiari pero mahigpit na nakakapit ang kamay ng halimaw dito. Nanlalaki ang mga mata niya habang hinihintay ang mangyayari. Ang susunod na gagawin ng biter sa alaga. Gusto niyang sumugod. Gusto niya itong iligtas. But she was frozen in fear.
Natutop niya ang bibig nang muling lumikha ng ingay ang zombie. Its rotting teeth grinded against each other and a sticky, deep red liquid dripped from the side of its mouth. Gumagalaw-galaw ang ulo nito habang nanlilisik ang mga matang nakatingin sa pusang kumalmot dito. When the undead raised its free hand, ready to do the same damage the cat did to it, Kiari finally had enough of the scene. She instinctively tore through the branches that have been hiding her and leapt out of the vehicle.
“Waaaaggg!” sigaw niya bago tumalon palabas ng sasakyan. Hindi niya alintana ang mga galos na likha ng mga sangang kumalmot sa kaniyang balat o ang sakit ng pang hindi pa tuluyang gumagaling.
Natigilan ang mga biters pati ang zombie na may hawak sa pusa. Lahat ay napunta sa kaniya ang pansin. The biter growled but the fearsome noise that it made was cut short when an arrow pierced through its right eye and exited at the back of its muddy head. Halos hindi pa makapaniwala si Kiari nang bumagsak ang zombie sa lupa. Nagmamadaling tumakbo ang pusa sa kaniyang kandungan na agad niyang niyakap.
Nag-ingay ang mga natitirang biters.
“Haaarrrrr!”
Halos sabay-sabay na humakbang ang mga iyon sa kaniyang direksyon ngunit isa-isa ding lumipad sa mga ulo ng mga ito ang mga arrows na gawa sa metal. Isa-isang nagbagsakan ang mga biters bago pa man may makalapit na isa sa kanila. Natutulala si Kiari habang hindi makapaniwalang pinagmamasdan ang mga walang-buhay na mga katawan sa kaniyang harapan.
“Kyaaa!” she screamed when a biter suddenly grabbed her. Lumipad ang isa pang arrow na halos isang dangkal lang sa kaniyang mukha at tumusok sa noo ng biter. Pasubsob iyong bumagsak sa kaniyang paa. Muntik pang madali ng arrow ang kaniyang laman.
Humihingal siya habang nakatitig sa patay. Dumadagundong ang tibok ng kaniyang puso at halos umikot ang kaniyang paningin sa sobrang nerbiyos at takot. She gasped when a hand suddenly showed in front of her face.
Parang gusto niyang isipin na nagha-halucinate nga lang siya nang mag-angat siya ng tingin at mapagsino ang tagapagligtas. Si Haru. He’s holding a modified sling shot. Behind him, she could see the flat end of the arrows sticking from their leather holder, which was fastened around Haru’s body. Walang bakas ng kayabangan o pagkayamot sa mukha nito gaya ng nakasanayan nilang makita pero may pagkainip siyang nababasa sa mga mata nito.
Tinanggap niya ang kamay nito. Tinulungan siya ni Haru na makatayo saka agad nitong siniyasat ng mga mata ang paligid. His gaze stopped at the small figures of the undead from afar, continuing their aimless walk into the woods.
“Nasan ang mga kasama mo?” tanong nito.
“N-nasa pamilihan. Dito ang meeting place namin,” nanginginig pa ring sagot niya.
Haru chuckled. “Tsk.” Ngumiti ito na hindi niya maintindihan kung nang-uuyam o natatawa sa desisyon nila o pareho. “Ikaw, driver ka lang talaga?” tanong ni Haru na noon lang siya muling tiningnan.
BINABASA MO ANG
Among the Dead #Wattys2016
Mystery / ThrillerChoose your alliances well, sacrifice those of no use to you, outsmart the living and survive the dead. Sa mundong kanilang ginagalawan, yan ang kanilang natutunan. To hell with reasons. To hell with the law. You better create your own rules. Learn...