Nakataas ang dalawang kamay, mabagal at maingat na lumuhod sina Ren at Kenji habang hindi inaalis ang tingin sa dalawang lalaking umagaw ng kanilang mga sandata. Nakatalikod ang mga ito mga dalawang dipa mula sa bangin at nahaharangan ang ano mang makikita sa ibaba kaya hindi nila alam kung ano na’ng nangyayari kay Kiari. Kanina pa nila naririnig ang biter at ang paminsan-minsang pagsigaw ni Kiari. Kiari isn’t a good fighter at nag-aalala sila sa maaaring mangyari dito. Lalo na nang biglang tumahimik ang paligid.
Nagkatinginan ang magkaibigan. Bakas ang pag-aalala sa kanilang mga mata.
“Tsk. Mukhang naunahan kami ng halimaw ah,” nakangising sabi ng lalaking may hawak kay Kenji kanina. Nakakaloko namang tumawa ang kasama nitong patpatin ngunit mukhang matigas ang muscles sa braso.
“Sayang. Akala ko pa naman may pag-asa pang madagdagan ang lahi ko,” nakangising sabi ng kasama nito saka pinulot ang mga sandatang itinapon nila. Saglit nitong sinuri ang kitchen knife ni Ren saka parang walang pakialam na ipinangkamot nito ang dulo niyon sa ulo.
“Nakakapagtakang buhay pa kayo hanggang ngayon,” sabi ng lalaki saka tiningnan ang kutsilyong hawak ng kasama na parang wala naman talagang interes doon. “Ilang biters na lang ang itatagal ng kutsilyo nyo. Ni hindi man lang nahahasa ang mga ‘yan.”
Hindi sumagot sina Kenji at Ren. Nakatingin lang sila sa mga kaaway. Nagmamasid. Nakikiramdam at kumukuha ng tiyempo.
“Kung sabagay may wooden stake naman kayo. Salamat nga pala dito ha,” patuloy ng lalaki. Inilagay nito ang baseball bat na siya nitong sandata sa suot na backpack at itinira ang stake sa kamay. Halatang iyon ang balak nitong gamiting pangunahing sandata.
“Ano’ng gagawin natin sa mga ‘yan,” tanong ng payat na lalaki. Tiningnan muna sila ng lalaki bago ito sumagot.
“Itali na lang natin. Mabibigyan din nila tayo ng ilang oras para makalayo.”
“O ilang minuto,” nakangising sabi ng payat na lalaki. Alam nilang ibibitag sila ng mga ito sa mga biter na malapit para makalayo ang dalawa. Saglit nagkatinginan nang makahulugan ang dalawa habang parehong may naglalarong nakakalokong ngiti sa mga labi.
Tinanguan ng lalaking may hawak kay Kenji kanina ang kasama nito bilang utos. Agad tumalima ang inutusan. Una nitong nilapitan si Ren. Marahas nitong itinayo si Ren mula sa pagkakaluhod at hinila sa malapit na puno.
“Ren!”
“Ops, ops, ops,” saway ng lalaking halatang siyang gumagawa ng desisyon sa kanila ng kasama. Natigilan si Kenji sa pagtayo at gagawin sanang pagtulong kay Ren. Napilitan siyang lumuhod uli habang nakatingin sa hawak na baril ng lalaki. Wala siyang nagawa kundi pabayaan ang kasama nitong itali si Ren. Hindi rin siya pumiglas nang siya naman ang isunod nito.
“Ayos na, Gin,” nakangising anunsyo ng lalaking nagtali sa kanila sa kasama nitong may hawak na baril. Parang proud pa ito sa ginawa habang nakapamewang na nakatingin sa walang laban na sina Kenji.
“Mahigpit ba ang pagkakatali nila?” tanong ni Gin.
“Oo naman. Ako pa,” pagyayabang ng lalaki.
Tiningnan lang ni Gin sina Kenji at Ren na parehong nakaharap sa katawan ng punong pinagtatalian sa mga ito. Maikli ang taling ginamit sa kanila kaya halos hindi sila makaikot man lang. Para ngang niyayakap lang nila ang puno kung hindi mapapansin ang taling gumagapos sa kanilang mga kamay.
Sabay naagaw ang pansin ni Gin at ng kasama ng isang kaluskos sa di kalayuan. Dinala ni Gin ang hintuturo sa mga labi saka maingat sa naglakad papunta sa mga puno sa likod ng pinaggagalusan kina Kenji at Ren. Alistong sinundan ng tingin nina Kenji si Gin habang naiwan ang kasama ng huli para bantayan sila.
Sa di kaluyuan, namataan nina Ren ang isang biter na susuray-suray na naglalakad palapit sa kanila. Parang napansin lang sila nito nang walang-takot na lapitan ito ni Gin. Imbes na barilin, inihanda nito ang kutsilyong ninakaw mula kay Kenji.
“Teka lang, Gin,” pigil ng kasama nito sa gagawin sanang pagsaksak sa biter. Salubong ang kilay na nilingon ni Gin ang tumawag habang nakasabunot ang kaliwang kamay sa buhok ng biter na pilit siyang inaabot. He had his arm stretched out kaya hindi siya maabot ng biter.
“May naisip ako,” sabi ng kasama na abot-tenga ang ngisi.
Aminado sina Kenji at Ren, hindi nila gusto ang ngising iyon ng lalaki. Saglit pa silang nagkatinginan nang kumuha ng tali mula sa bag ang lalaki at walang-salitang tinalian sa leeg ang biter.
“Ano na namang kalokohan ang iniisip mo, Nano?” naiinis na tanong ni Gin habang pinapanood ang kasama sa ginagawa.
“Basta. ‘Wag kang mag-alala. Sigurado ako, matutuwa ka rin dito,” sagot ni Nano. Hinila nito ang biter papunta kina Kenji na parang aso. Tapos ay walang anu-anong itinulak nito ang biter palapit kina Kenji.
“Aaahhh!!!” sigaw ni Ren nang mahawakan siya ng biter sa balikat habang nanlalaki naman ang mga mata ni Kenji. Pero hanggang doon lang ang kayang gawin ng biter. Hindi na ito makalapit pa nang tuluyan kay Ren dahil sa taling pumipigil sa leeg nito na hawak ni Nano. Parang tantiyado nito ang distansyang maaabot ng tali at sinadyang itulak ang biter mula sa ganoong distansiya para lang takutin sina Kenji at Ren.
Samantala, hindi malaman ng magkaibigan kung paanong iwas ang gagawin dahil kahit gustuhin nilang makalayo, halos hindi madagdagan ang distansiya nila sa biter. Sabik ang biter sa kanilang laman. Ebidensiya ang walang-tigil nitong pagpupumilit makalapit nang husto sa kanila.
Paminsan-minsan ay hinahayaan ni Nano na makalapit ang biter kay Ren pero bigla rin itong hihilahin palayo bago tuluyang makagat ang kawawang binata. Halos atakihin na sa puso sa kaba at takot si Ren habang pinagpapawisan na rin si Kenji sa tabi nito.
“Ano ba? Tama na!” labas ang litid na sigaw ni Kenji sa dalawang lalaking tawa nang tawa sa sarili nilang “laro”.
Imbes na magalit, inagaw ni Gin ang tali mula sa kasama. Hinila nito iyon dahilan para sapilitang makawala si Ren mula sa mga kamay ng biter. Ngunit napunit ang manggas ng asul na polo ni Ren dahil sa higpit ng hawak ng biter doon at talas ng mga kuko niyon. Gin stepped to his left, pulling the biter to the same direction just enough for the undead to be on the perfect spot to “play” with Kenji. Ginaya ni Gin ang laro ni Nano pero this time, si Kenji naman ang biktima. Ngunit di gaya ni Ren, walang balak magpatalo sa takot si Kenji. Lalo na at nananaig ang galit na kaniyang nararamdaman.
Kenji kicked the biter hard on this belly, dahilan para matumba iyon.
“Shit!” mura ni Gin. Hinintay nitong makatayong muli ang biter bago nito iniikot ang dulo ng taling hawak niya sa malapit na puno. He let it slide back and forth against the rough body of the tree, imitating the concept of agaw-bitin. Pero imbes na kawayan, biter ang nasa kabilang dulo ng tali. At imbes na mga laruan at candy ang premyo ng biter, si Kenji ang naghihintay dito.
Lumaban si Kenji sa pamamagitan ng pagsipa sa biter at umiwas siya sa bawat tangka ng biter na pagkagat sa kaniya sa ano mang paraang magagawa niya, habang si Ren naman ang pinagpapawisan ng malamig habang pinapanood ang pangyayari. Walang nakapansin sa kanilang unti-unti na palang numinipis ang taling kanina pa kumakaskas sa katawan ng puno.
BINABASA MO ANG
Among the Dead #Wattys2016
Mystery / ThrillerChoose your alliances well, sacrifice those of no use to you, outsmart the living and survive the dead. Sa mundong kanilang ginagalawan, yan ang kanilang natutunan. To hell with reasons. To hell with the law. You better create your own rules. Learn...