⇜CHAPTER 9⇝

1.2K 21 4
                                    

                “Wow! Ang dami ngang tanim na gulay,” abot-tenga ang ngiti na sabi ni Kiari pagkakita nito sa mga tanim sa bukid na di sinasadyang nakita nina Ren at Kenji. Agad nilang binalikan ang mga ka-grupo nang ma-diskubre nila ang lugar at pinangunahan ang pagbalik sa bukid.

              “Ayan, dyan ka magaling. Takaw,” medyo naaasar na komento ni Maeda. Saglit lang nawala ang ngiti ni Kiari. Agad din bumalik ang excitement niya nang muling ibaling ang tingin sa mga gulay.

                “Ligtas ba dito, Kenji?” tanong ni Shizu.

                “Hindi pa namin alam. Hindi pa kami nag-iimbestiga ni Ren. Nang makita namin yang bukid binalikan agad namin kayo.”

                “Sorry Shizu. Excited kami ni Kenji eh. Gutom na kasi talaga kami,” sabi naman ni Ren na matipid na nakangiti.

                “Ayos lang, Ren.”

                “So ano’ng plano?” tanong ni Maeda.

                Saglit na sinuyod muna ni Kenji ng tingin ang paligid bago sumagot.

                “Mukhang walang biters sa paligid. Pero hindi natin masasabi kung ano ang nasa pagitan ng mga iyon,” sagot ni Kenji na itinuro ang hilera ng mga gapangan ng gulay sa isang bahagi ng bukid. Sinundan ng tingin ng mga kasama ang itinuro niya. Mga tinabas na kawayan ang mga iyon na itinusok sa lupa at tinalian ng lubid para maging gapangan ng sitaw at ampalaya. Mahigit dalawampu rin marahil ang hilera ng mga iyon at lampas tao ang taas. Kaya walang makapagsasabi kung ano ang meron sa pagitan ng mga iyon.

                “Unahin nating imbestigahan ang gulayan. Ren, doon kayo ni Kiari sa gitna. Maeda, kayo naman ni Shizu sa kaliwa. Ako sa kabilang dulo. Maging alisto din kayo sa paligid. Baka may biters na itinatago ng mga puno sa kakahuyan.”

                Tumango ang mga kasama niya bago sila sabay-sabay na maingat na lumapit sa gulayan. They jogged quietly until they reached their assigned spot. Nililinga din nila ang paligid lalo na ang bahagi ng kakahuyan paminsan-minsan para siguruhing walang biter na paparating.

                Tinanguan ni Kenji ang mga kagrupo bilang hudyat ng pag-atake. Sabay-sabay silang tumambad sa pagitan ng mga gumagapang na gulay. Wala. Inisa-isa nila ang bawat pagitan ng mga iyon. Wala pa rin. Malinis ang buong gulayan. Nagkita-kita sila sa kabilang dulo ng hilera ng gulay.

                “Clear,” sabi ni Ren.

                “Clear,” sabi din ni Shizu. Tumango lang si Kenji. Tapos ay sinenyasan niya ang mga kasama na ang kubo naman sa di kalayuan ang imbestigahan. Agad tumalima ang mga inutusan. Humiwalay sina Kiari, Ren at Maeda at nagpunta sa kanang bahagi ng bahay kahit hindi sinasabihan ni Kenji. Samantalang si Shizu naman ang sumunod kay Kenji sa kaliwang bahagi ng bahay. They checked the surrounding. Nothing. Tahimik sa buong paligid.

                Muli silang nagkita sa likod ng bahay. Walang salitang kumilos si Kenji para isunod naman ang loob ng bahay. Pumuwesto din ang mga kasama niya. Si Ren ay sa tapat ni Kenji naka-pwesto kaya napapagitnaan nila ang makipot na pinto.

                Inilapat ni Kenji ang kanang palad sa dahon ng pinto at marahan iyong itinulak pabukas. Tapos ay si Ren ang mabilis na humakbang sa gitna niyon. Nakaakma ang hawak nitong kitchen knife. Pero walang biter siyang nakita. Pumasok si Ren sa loob kasunod sina Kenji. Maingat nilang inimbestigahan ang bawat bahagi ng madilim na kubo na hindi inabot ng isang minuto dahil liit niyon.

Among the Dead #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon