“Kailangan ba talaga nating umalis?” nag-aalangang tanong ni Erika habang pinagmamasdan ang mga abgong kakilala. Busy ang lahat sa paghahanda ng mga dadalin nila: ilang pirasong de lata na siya lang natitira sa naitabi ng pamilya ni Erika, tig-iisang pampalit na damit, posporo at pinaka-importante sa lahat, mga sandata. Pinaghatian nila ang ilang piraso ng kutsilyo sa kusina at maingat na ibinalot ang bawat isa niyon sa t-shirt saka inilagay sa bag para maging reserba nila.
Saglit na tumigil si Kenjirou sa ginagawang paglilinis ng jungle bolo na kinuha niya mula sa namatay na tatay ni Erika para tingnan ang huli. Halata sa mukha nito ang pag-aalinlangan sa pag-alis sa kinalakihan nitong bahay.
“Kami, oo. Kailangan naming umalis dahil may plano kami,” taas ang kaliwang kilay na sagot ni Maeda na nakaagaw ng pansin ni Kenji. “Ikaw…pwede namang dito ka na lang. Tutal mukha namang ayaw mong umalis sa bahay nyo.”
Saglit na tiningnan ng masama ni Kenji si Maeda bilang warning tapos ay nilapitan nito si Erika.
“Kung ayaw mong umalis, sige ka namin pipilitin. Pero kung gusto mong sumama sa amin, welcome ka sa grupo,” sabi ni Kenji kay Erika bago niya inilahad ang jungle bolo na nakataga na sa sarili nitong saksakan. Saglit iyong tiningnan ni Erika bago niya tinanggap ang bago niyang sandata.
“Salamat, Kenji,” nakangiting sagot ni Erika. May lambing sa boses nito. Ginantihan siya ng matipid na ngiti ni Kenji. Dahilan para magtirik ng mga mata si Maeda.
“Wag ka nang umasa. May iba nang pinupuntirya si Kenji,” maanghang na sabi ni Maeda kay Erika saka tinapunan ng tingin ang direksyon ni Shizu. Naaasiwang napatingin si Shizu kay Kenji na napatingin din sa kaniya. Napapahiya at namumulang nagbaba ng tingin si Shizu.
“Ano bang pinagsasasabi mo Maeda?” inis na tanong ni Kenji.
“Totoo naman di ba? Halata naman sa mga titig mo kay Shizu nang wala siyang suot na pang-itaas kahapon kundi bra. At si Shizu naman yumakap pa sayo.”
“Walang kahulugan ang ginawa ni Shizu,” giit ni Kenji.
“Eh ang mga tingin mo sa kaniya, wala rin bang kahulugan?”
Hindi nakasagot si Kenji. Alam kasi niya sa sariling tama ang hinala ni Maeda. Nakaramdam nga siya ng pagnanasa kay Shizu.
Erika rolled her eye balls. She grabbed Kenji at the back of his neck and pulled him to her. Tapos ay walang salita niyang basta hinalikan ang nagulat na lalaki. Natahimik lalo ang lahat si ginawa niya.
“O bakit umuusok ang ilong mo, Maeda? Dahil ba gusto mo ring gawin ang ginawa ko? Kaya ayaw mo na may ibang babaing lumalapit kay Kenji? Dahil ang totoo…may gusto ka sa kaniya,” nang-iinis na sabi ni Erika na may nang-uuyam na ngiti sa labi. Iniyakap pa nito ang mga braso sa bewang ng binata.
Nagpalipat-lipat ang tingin ni Kenji sa dalawang babae. Naaasiwa siya sa takbo ng usapan ng mga ito. Samantala, salubong naman ang mga kilay si Maeda. Lalong tumitindi ang inis na nararamdaman niya sa bagong kakilala habang lumilipas ang mga minuto.
“Ang ayoko sa lahat ay ang mga kagaya mo,” maanghang na sabi ni Maeda saka siya humalukipkip. “Pero ano nga ba’ng magagawa ko? Mukhang magiging palipasan ka na ngayon ni Kenji.”
“Maeda!” saway si Kenji. Kahit lalaki siya hindi niya maiwasang maasiwa sa kalaswaan ng bintang ni Maeda. Pero si Erika saglit lang naapektuhan. Agad itong naka-recover sa panandaliang pagkapahiya.
“Siguro nga. Pero kung si Kenji naman ang makakasama ko, hindi na ‘ko magre-reklamo,” sagot ni Erika tapos ay isinandig pa niya ang ulo sa dibdib ni Kenji habang hindi inaalis ang tingin kay Maeda. Halatang iniinis niya ang babae.
Lalong nagsalubong ang mga kilay ni Maeda. Kusang kumuyom ang kamao niya habang nakatitig ng masama sa kinaiinisang babae.
“Teka, teka. Tama na kayo, pwede?” awat ni Ren na hindi na napigilan hindi makisali. Kilala kasi niya ang pinsan. Alam niyang manunugod na ito ano mang sandali. “Kailangan natin ang isa’t isa. Para makaligtas tayo. Hindi nyo naman kailangang mag-away eh. Kung gusto nyo pareho si Kenji, eh di bahala kayo. Pwede namang mamili si Kenji sa inyo di ba?”
“Hindi ko siya gusto!” galit na sabi ni Maeda na napataas ang boses.
“Fine. Bahala ka. Pero kung wala kang gusto kay Kenji, pwede ba, Maeda, tigilan mo na’ng pang-aaway sa bawat babaeng mapapalapit sa kaniya. Nakakainis ka na eh,” sabi ni Ren na salubong na ang mga kilay. Naiinis na kasi talaga siya sa katarayan ng pinsan.
Natahimik naman si Maeda. Pero hindi pa rin naalis ang pagsasalubong ng mga kilay niya.
“Ahm…hindi naman sa nakikialam ako sa away nyo pero…” tawag-pansin ni Kiari. Isinenyas niya ang katabing bintana gamit ang hintuturo. Halata ang pag-aalala sa maganda niyang mukha.
Agad nilapitan ni Kenji ang bintana at maingat na iniawang ng konti ang takip niyon para makasilip. Sa labas, sampung biters agad ang namataan niyang naglalakad palapit sa bahay-kubong kanilang tinitigilan. Hula niya, meron pang iba sa may kakahuyan o ibang bahagi ng bukid na hindi agad niya napansin.
“Kailangan na nating umalis,” he told everyone with urgency. Saka mabibilis ang mga hakbang na tinungo niya ang pinto sa kabilang panig ng maliit na bahay. Sumunod agad si Kiari na nakasukbit na ang sariling backpack sa likod. Mahigpit niyang hawak ang sariling stake.
Si Ren ay sumilip muna sa bintana.
“Ngiiii!” mahinang bulalas niya na halos mapatalon nang makita kung gaano karaming biters ang papalapit, saka siya nagmamadaling humabol sa mga kasama palabas.
“Ayos na dito, Kenji. Dito na muna tayo,” suhestiyon ni Ren. Nasa tabi sila ng isang mababaw na ilog. Lumalagaslas ang tubig niyon ang lumilikha ng mga alon sa bawat paghampas ng tubig sa mga bato.
Luminga-linga si Kenji para i-survey ang paligid bago siya tumango.
“Sige.”
Agad nagkaniya-kaniya ng upo ang kanilang grupo sa damuhan at inilapag ang mga dalang bag.
“Maghahanap ba kayo ng hayop na makakain natin, Ren? O ‘yung de lata ang tanghalin natin ngayon?” tanong ni Kiari habang ipinampapaypay sa sarili ang pocketbook na nakuha niya sa sala nina Erika. Lahat sila ay may ilang butil ng pawis sa noo dahil sa init na dulot ng tirik nang araw.
“Mas maigi siguro na maghanap muna tayo ng makakain. ‘Yung de lata i-reserve natin para sa sandaling wala tayong makitang hayop o prutas sa daan. Malayo pa ang lalakbayin natin. Siguradong may madadaanan tayong walang available na pagkain,” suhestiyon naman ni Shizu.
Tumangu-tango si Kenji.
“Magandang ideya ‘yan, Shizu. Sige magha-hunt muna kami ni Ren.”
“Sama ako, Kenji,” masiglang sabi ni Kiari na agad tumayo.
Nagkatinginan ang dalawang lalaki.
“Sasama ka, Kiari?” alanganing tanong ni Ren.
Tumango si Kiari. “Gusto kong matutong mag-hunt. Para mas makatulong pa ako sa grupo. Isa pa, hindi naman pwede lagi na kaming umaasa sa inyong mga lalaki pagdating sa paghahanap ng makakain natin di ba?”
Napangiti si Kenji sa sagot ni Kiari. Mukhang tama nga siya sa desisyong isama sa grupo nila ang babae.
“Sige.”
“Yes!” excited na sabi ni Kiari na tumalon pa. Mahinang natawa tuloy sina Kenji at Ren na nagkatinginan uli. Habang napangiti din sina Erika, Shizu at Maeda.
Dala ang kani-kaniyang sandata at spare na wooden stake at kutsilyo na nakalaan para sa pagha-hunt at pagpe-prepara ng pagkain, magkakasamang bumalik sa kakahuyan sina Kenji, Ren at si Kiari.
Next chapter: Ano'ng mangyayari sa pagha-hunt nina Ren, Kenji at Kiari?
BINABASA MO ANG
Among the Dead #Wattys2016
Mystery / ThrillerChoose your alliances well, sacrifice those of no use to you, outsmart the living and survive the dead. Sa mundong kanilang ginagalawan, yan ang kanilang natutunan. To hell with reasons. To hell with the law. You better create your own rules. Learn...