⇜CHAPTER 7⇝

1.2K 25 9
                                    

                Lalong nangunot ang noo ni Maeda habang nakatingin sa magkapatid. Nakaupo ang dalawa sa harap ng apoy kasama ang mga kaibigan nila. Inabutan ang mga ito ni Shizuka ng mainit na chaa na gawa sa pinakuluang dahon ng halamang hindi niya alam ang pangalan. Gusto niyang ibuhos ang mainit na inumin sa buntis na babae nang maingat nitong inumin ang chaa. Pakiramdam niya ay nadagdagan siya ng malaking problema sa pagdating ng magkapatid.

Ibinalik ni Maeda ang tingin kay Kenji. Nakahiwalay sila sa mga kasama at nakatayo sa di kalayuan.

“Hanggang ngayong gabi lang sila pwedeng sumama sa atin. Bukas, aalis sila. Hindi natin sila isasama,” sabi niya.

“Pababayaan natin sila?” kunut-noong tanong ni Kenji sa mababang tinig.

“Oo.”

“Maeda!”

“Look Kenji, iyung huling taong sinubukan mong tulungan, ipinahamak tayo. Niloko tayo. Kaya nga tayo nandito sa ganitong sitwasyon ngayon di ba? Dahil ninakaw nila ang sasakyan natin. Ngayon gusto mo na namang tumulong ng iba? Ano naman ang ipapanakaw mo ngayon? Ang mga sandata natin? At ano naman ang mangyayari sa atin pagkatapos? Mamamatay tayong lahat? Magiging pagkain ng mga halimaw? Mag-isip-isip ka nga, Kenji.”

Marahas na bumuntung-hininga si Kenji at saka namewang. Naiintindihan niya ang punto ni Maeda. Pero dapat ba talagang itrato nilang kaaway ang lahat ng taong makasalubong nila sa daan dahil trinaydor sila ng unang taong sinubukan nilang tulungan?

“Sa kundisyon niya sa palagay mo ba talaga makakaya nilang nakawan tayo?” tanong niya na tinanguan ang direksyon ng babaing buntis. “Desperado sila, Maeda. Gagawin nila ang lahat para masiguro ang kaligtasan nila. At alam kong alam nila na hindi sila makakaligtas nang sila lang dalawa.”

“Yun na nga, Kenji, eh. Desperado sila. At ang taong desperado,” sagot ni Maeda saka tiningnan ang magkapatid bago nagpatuloy sa pagsasalita. “gagawin ang lahat para mabuhay.”

Hindi nakasagot si Kenji.

“Kailangan nating isipin ang sarili nating kapakanan, Kenji.”

“Bakit ba ang tingin mo sa lahat ng tao ay magpapahamak sa grupong ito?”

Umismid si maeda sa sagot niya saka humalukipkip.

“Hindi naman lahat. Iyun lang mga mahihina at manloloko.”

“At sa tingin mo mahina sila?”

“Oo,” matigas na sagot ni Maeda na sinalubong ang mga tingin ni Kenji. Hindi na nakipag-argumento pa si Kenji. Aminado siya, tama si Maeda. The siblings were just baggages. Pababagalin lang ng mga ito ang kilos nila. At imbes na matulungan silang makaligtas, baka ang mga ito pa ang maging dahilan para sila mapahamak. Hindi niya gustong ilagay sa tiyak na kapahamakan ang kapwa. Pero kung ang kapalit naman ay ang sarili nilang buhay, may pagpipilian ba talaga siya?

Mabigat man sa kalooban, pumayag na rin si Kenji sa gusto ni Maeda. After all, kailangan niyang unahin ang buhay nila at hindi ang iba.

“Sige. Bukas na bukas…aalis sila.”

Maeda finally smiled.

“Good.”                

Bago pa lang kumakalat ang liwanag ay nakahanda na sila sa pag-alis. Wala sa kanila ang nakapagpahinga ng diretso kagabi dahil nagsalitan sila ng pagbabantay sa paligid. Kailangan iyon para masigurong walang makakalapit sa kanila na zombie habang natutulog sila.

“Maraming salamat talaga at hinayaan nyo kami ni Chito na manatili dito,” sabi ni Sarah, ang buntis na babaing tinulungan nila. Si Chito ang kapatid nitong lalaki. Nagliligpit sila noon ng kaunting gamit na meron sila. Wala sa kanila ang nag-almusal dahil wala silang pagkain. Tanging chaa lang ang laman ng sikmura nila.

Among the Dead #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon