⇜CHAPTER 32⇝

192 8 0
                                    

"Bakit ba natin ini-inspeksyon ang bakod?" tanong ni Haru sa kaniya. Hindi nito itinago ang pagtataka sa tinig. Ngunit ipinagpatuloy nito ang pagpukpok sa sementong doble ang taas sa kanilang dalawa.

"Noong bata pa ko, minsan naikwento sa 'kin ni Mama ang tungkol sa bakod na ito. Bago pa daw sila ikasal ni Papa ay tapos nang ipagawa ang mansion. Ito ang regalo ng Papa sa kaniya para sa kanilang kasal," kwento ni Kenji. May ngiting sa kaniyang labi habang nakatingin sa pader na halos nababalutan ng halamang baging. Animo nakikita niya doon ang eksenang iyon sa pagitan nila ng ina. "Nang matapos ikasal ang mga magulang ko, nag-umpisa ring idinisenyo ng Mama ang hardin. Lahat ng makakita ng hardin ay humahanga. Isang araw may baboy-damong nakalapit sa hardin. Kinain nito ang mga halaman. Malaking pinsala ang nagawa niyon sa hardin ng Mama. Nang mahuli ang hayop at mapakawalan sa kagubatan, nagdesisyon ang Papa na pabakuran ang buong mansyon. Para maprotektahan ang harding pinaghirapang alagaan ng Mama."

Binalingan niya si Haru.

"Isang taon matapos maitayo ang pader ay ipinanganak ako."

"O-kay. So mas matanda sa'yo ang pader na 'yan. Pero nakita mo naman, Kenji, matikas pa rin itong nakatayo."

"Gusto ko lang siguruhin na matibay ito," sagot ni Kenji. Pinukpok niya ang bakod sa tatlong magkakaibang bahagi bago siya humakbang ng ilan ang inulit ang ginawa sa dakong namang iyon. "Ito lang ang pumipigil sa mga biters para maabot ang mga tao dito sa mansyon. Kaya dapat lang na sinisiguro natin na kaya tayong protektahan nito. At kung kinakailangan, gagawa tayo ng paraan para patibayin ito."

Hindi sumagot si Haru ngunit hindi rin ito nagprotesta. Ipinagpatuloy lang nito ang pagpukpok sa iba't ibang bahagi ng sementong nababalot na halos ng lumot at halamang pako. Hinugot ni Kenji ang jungle bolo mula sa pagkakasukbit niyon sa kaniyang bewang at tinabas ang mga damo at halamang halos sumakop na sa kanilang daraanan. Nang mabawasan ang sagabal sa kanilang daan ay nagpatuloy sa paglalakad si Kenji kasunod si Haru.

***☼***

Saglit pang pinagmasdan ni Erika ang dalawang binatang naglalakad sa tabi ng bakod bago humiwalay ang nakadantay niyang palad sa katawan ng punong avocado. Iniwan niya ang pwesto sa ilalim ng puno at mabibilis ang mga hakbang na nagtungo sa kabilang direksyon. Habang daan ay sinisiyasat ng kaniyang mga mata ang paligid. Nang marating niya ang bakod na malayo sa mga bahaging puntahin ng mga tao ay saka siya huminto. Tiningnan niya ang mga halamang baging na nakakapit sa sementong alam niyang hindi niya kayang maabot ang taas. Pumili siya ng pinakamataba. Hinakawan niya ang mahabang sanga niyon at ilang beses na marahas na hinila iyon pababa gamit ang buo niyang timbang. Nang hindi iyon bumigay ay napangiti si Erika. Saglit siyang lumingon upang siguruhing wala pa ring nakakapansin sa kaniya. Tapos ay tinapunan niya ng tingin sina Kenji at Haru. Nang matiyak na abala pa rin ang mga ito sa ginagawa ay saka niya itinapak ang kanang paa sa bakod.

"Ate."

Halos atakihin si Erika dahil sa boses na iyon.

"Bakit?" inis na tanong niya sa dalawang batang siya niyang nabungaran. Nakatayo ang mga ito sa kaniyang likod.

"Ano pong ginagawa mo?" tanong ni Tommy, ang batang lalaking kasama nina Grace at Manang Lupe. Tiningnan nito ang hawak niyang baging. Sinundan ng mga mata nito ang dulo niyon saka siya muling binalingan. "Tatakas po ba ikaw, Ate Erika?"

"Hindi ako tatakas," mahina ngunit mariing sagot niya. Mabilis niyang sinulyapan ang ilang taong nag-aasikaso ng mga pananim sa kabilang bahagi ng hardin. "Bumalik na kayo sa loob."

"Saan po kayo pupunta?" halatang nag-aalalang tanong nito.

"Wala nga. Pwede ba hinaan mo ang boses mo."

Among the Dead #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon