⇜CHAPTER 18⇝ PART 1

677 23 6
                                    

                Kenji squinted his eyes until they got used to the blinding light. Mula sa pagitan ng kaniyang mga daliri ay nabuo ang imahe ng isang truck di kalayuan mula sa likod nina Kiari. Bago pa may makapagsalita sa kanilang grupo, dalawang lalaki ang lumitaw mula sa likod niyon. Nakatayo ang mga ito sa likod ng sasakyan at agad naglabas ng mga mahahabang baril.

                “Dapa!” one of them shouted, then pointed his gun towards them.

                Kenji and the others instinctively dropped their bodies on the ground. As soon as their bodies touched the earth, the sound of guns thundered around them. Halos mabingi sila sa lakas at sunud-sunod na paulan ng mga bala ng baril. Ang ibang basyo ay tumatama pa kina Kenji, Ren at Maeda. Napapapikit si Kenji habang nakatakip ang mga kamay sa magkabilang mga tenga dahil sa lakas ng ingay na likha ng mga baril.

                Kenji looked up at the men on the truck when the noise suddenly stopped.

                “Sakay na. Dali,” utos uli ng lalaki sa truck. Bumaba ang kasama nito at tinulungan sina Kiari, Shizu, Erika, Manang Lupe at mga bata na makasakay sa sasakyan.

                Isang tingin muna ang itinapon ni Kenji sa grupo ng mga biters sa kanilang likod bago siya nagmamadaling tumayo at sinundan sina Maeda at Ren na nauna nang tumakbo sa truck. Tinulungan sila ng mga kasamang makapanik sa likod ng truck. The vehicle moved as soon as they were on its back. Nag-u turn ang sasakyan na minamaniubra ng isa pang lalaking di pa nila nakikita. Nang makaikot ang sasakyan, humihingal na muling tinapunan ng tingin ni Kenji ang mga biters. Maraming nakahandusay sa lupa. May mga napada dahil sa mga katawang walang buhay. Ngunit marami pa ring nakaligtas at patuloy na humahakbang patungo sa mga mabibiktima ng mga ito. Nakakahindik ang maaaring kinasapitan nila kung hindi dumating ang mga nagligtas sa kanila.

                Kenji breathed a sigh of relief. Alam niya, hindi sila maaabutan ng mga zombie. Nahahapo at wala sa loob na isinandal niya ang likod sa bahaging naghaharang sa driver’s and passenger’s seat at sa likod ng sasakyan. Tapos ay dumako ang mga mata niya sa mga tumulong sa kanila. Dalawang lalaking parehong armado ng armalite: isang mukhang nasa mahigit kwarenta ang edad at isang matanda lang siguro ng ilang taon sa kanila. Nakaupo ang nakatatandang lalaki sa harang ng truck at diretcho ang tingin nito sa kanilang dinaraanan. Ang nakababatang lalaki naman ay nakasalampak sa sahig ng sasakyan malapit kay Shizu. Nakayakap ang isang braso nito sa nakatayong armas habang nakapatong ang kabilang braso sa tuhod. Medyo nabigla si Kenji nang bigla itong tumingin sa kaniya mula sa sahig.

                “Baket?” tanong nitong sinalubong ang kaniyang mga mata. Paminsan-minsang tinatakpan ng mahaba nitong buhok ang kaliwang mata habang marahas iyong hinihipan ng hangin. Ngunit hindi niyon nabawasan ang disgusto sa mga matang nakatitig sa kaniya.

                Umiling si Kenji bago niya iniiwas ang paningin. Wala siya sa posisyon para makipagtalo sa lalaki. Isa ito sa nagligtas sa kanila. Utang niya ang buhay dito at sa mga kasama nito. From the corner of his eye, he could see the young man staring at him. He had a blank expression on his face that was contradicted by the apparent anger in his eyes. Hindi na muling tiningnan ni Kenji ang lalaki kahit nang magbaba ito ng tingin.

                Their group drove quietly into the night. Hanggang mamalayan ni Kenji ang kanilang dinaraanan. Nagpalinga-linga siya. Madilim ang paligid at tanging ang head light lang ng sasakyan ang nagsisilbi nilang tanglaw. Maaaring may nabago, pero nasisiguro niya, alam niya ang lugar na iyon.

                Mabagal at maingat na lumuhod si Kenji mula sa pagkakaupo sa sahig habang pinagmamasdan ang paligid. Bakas ang magkahalong katanungan at pagkalito sa kaniyang mga mata.

                “Baket Kenji?” tanong ni Shizu.

                Saglit niyang nilingon ang dalaga saka ibinalik ang paningin sa dinaraanan nilang kakahuyan.

                “Wala,” mahina niyang sagot bago siya bumalik sa dating pwesto. The young man sitting next to Shizu gave him a vague stare but remained silent. He shifted his gaze back to the rusting floor of the vehicle and he remained staring at it blankly until their group reached its destination. 

                Huminto ang truck sa harap ng gate na bakal matapos ang maikling paglalakbay sa kailaliman ng gabi. Halos sabay-sabay na parang namamalikmata ang grupo nina Kenji habang parang wala sa loob na tumatayo mula sa pagkakasalampak nila sa sahig. Lahat at walang pagkit ang tingin sa mataas na gate na humaharang sa kanilang daraanan. Natatabingan iyon ng yero mula sa paa hanggang sa matayog niyong “korona”. Sa magkabilang bahagi niyon ay matatag na nakatayo ang sementong pader na hindi nagpatalo sa taas ng gate. Nagmistulang gwardya ang matayog na harang na siyang nagkukubli ng ano mang nasa likod niyon. At ang tanging tanglaw ay ang mga sulo na nakatayo sa magkabilang tuktok ng pader, katabi ng bakal na korona. Halos walang isang dipa sa bawat sulo ay ang taga-bantay ng lagusan. Lantad ang katawan ng mga ito mula bewang at pawang armado ng mahahabang baril.

                “Sina Gino. Buksan nyo’ng gate,” utos ng isa sa dalawang taga-bantay sa kung sino sa baba, nang mapagsino ang sakay ng truck. Ilang segundo lang ang lumipas at unti-unting bumukas ang gate, kasabay ng pag-ingit nito. Agad minaniubra ng driver ang sasakyan papasok sa loob. Hindi pa man sila halos nakakapasok sa loob ay sinimulan na ring isara iyon ng mga nagbukas.

                Maingat na nagmasid si Kenji. Ang dalawang taga-bantay ng gate ay nakatayo sa pinagpatung-patong na mga crate para makapagmasid ang mga ito sa labas. Ang tanging kasama ng dalawa ay ang dalawang lalaking nagbukas ng gate para sa kanila. Ngunit habang tumatakbo ang sasakyan sa sentro ng lugar na iyon, unti-unti niya ring namamalayan kung ano ang meron sa loob.

Among the Dead #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon