⇜CHAPTER 29⇝

212 9 2
                                    

             Gumuhit ang tubig sa lalamunan ni Kenji nang lagukin niya ang natitira sa kaniyang baon. Inubos niya ang laman ng plastik na bote hanggang sa kahuli-hulihang patak na makukuha niya mula doon. Wala man ang lamig na kanina ay taglay ng tubig ay nagpasalamat pa rin siya sa konting kaginhawaang naidulot niyon. Nang wala na siyang maramdamang dumadaloy sa kaniyang bibig ay tinaktak niya ang hawak na bote sa pagbabakasakaling may ilang patak pa siyang masimot. Dismayado niyang tiningnan saglit ang walang lamang bote kahit alam na naman niyang wala na talagang lalabas mula roon. Pinunasan niya ng pawis ang noo saka luminga sa paligid.

            "Naiinip ka na ba?" narinig niyang tanong ni Haru. Gaya niya ay naubos na rin ng binata ang dala nitong tubig. Nakaupo ang lalaki sa isang malaking batong nakausli sa lupa at nakatingin sa kaniya.

             "Tatlong oras na tayong nagpapaikut-ikot sa gubat...pero ni isang hayop ay wala pa tayong namamataan. Sa pagkakatanda ko, hindi ganitong kahirap mangaso sa lugar na ito," medyo paiwas na sagot niya.

              Matabang na tumawa si Haru. Mahina at alam niyang hindi nito intensyong insultuhin siya. Ngunit ewan ba niya. Hindi niya nagustuhan ang ginawa nito. Pakiramdam niya ay sinasabi nitong mas kilala nito ang lugar na kinalakihan niya.

              "In case you haven't noticed, iba na ang mundo ngayon. Bihira man kaming makakita ng survivors na gaya natin, sigurado akong may mga survivors pa na nagtatago. May kaagaw tayo sa mga hayop-gubat. Isa pa, hindi lang mga tao ang kahati natin."

               Nangunot ang noo ni Kenji.

               "Yung mga zombie. Kinakain nila ang bawat buhay na nilalang na mahuli nila. Kung ako man ang hayop, tatakbo din ako. Lilipat at maghahanap ng ibang lugar para mabuhay," paliwanag ni Haru.

                Kenji's eyes dropped. Saka wala sa loob na nag-iwas siya ng tingin. Tama ito. Bakit nga ba hindi niya naisip na apektado rin ang mga hayop-gubat sa pagbabagong iyon sa kanilang mundo? Noong nagpapagala-gala sila ng mga kaibigan niya sa gubat na halos walang makitang hayop ay hindi niya alintana ang katotohanang iyon. Inisip niya na ibang lugar naman iyon sa kinalakihan niya. Na baka talagang madalang ang hayop sa bahaging iyon ng kagubatan. Hindi dahil hindi na sila kumikilos sa mundong kanilang kinagisnan.

                "Kung ganoon...kailangan nating samantalahin ang bawat pagkakataon," sabi niya maya-maya. "Sa susunod na may makita tayong hayop, hindi natin iyon papatayin. Kailangang mahuli natin ng buhay ang hayop. Buhay at walang malubhang sugat."

                Napuno ng tawanan ang tahimik na gubat. Pinagtatawanan siya ng tatlong kasama niya, maliban kay Haru na nakatingin lang sa kaniya.

                "At paano sa tingin mo naman natin gagawin 'yon?" nagdududang tanong ng isang lalaking nakilala niya kanina sa pangalang Paco. Doble ng edad nila ni Haru ang edad nito ngunit alam niyang mas may utak si Haru kesa dito.

                Kenji smirked.

                                                                                  ***☼***

               Kusang huminto ang mga paa ni Shizuka nang bumungad siya sa lagusang nagdudugtong sa kusina at sala. Ayaw niyang makita ang nasa harap niya. Ngunit ultimo napako ang mga paa niya sa kinatatayuan. Gusto niyang tumakbo palabas sa bakuran para tumulong na sa pagtatanim. Ngunit kailangan niyang magdaan sa sala upang makalabas. Hindi niya gustong mabulabog ang mga nasa harap. Ni ayaw niyang malaman ng mga itong naroon siya.

Among the Dead #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon