Malalim na ang gabi ngunit buhay pa rin ang malawak na harding nasasapinan ng Bermuda grass at napapalamutian ng mga halamang bulaklak at ilang puno. Ilang tao pa rin ang nagpaparoo’t parito. Ang iba ay may dalang mga armas na baril, itak o sibat. Mga guwardiya marahil, naisip nila. Sa isang bahagi ay nakaupo ang isang grupo ng mga kabataang halos kababaihan sa damuhan at nagkakantahan habang tumutugtog ng gitara ang isang lalaking kasing edad ng mga ito. Samantalang sa kabilang bahagi ay nakatirik ang mga make shift tents na gawa sa plywood, sanga ng puno, plastic, yero, palapa ng niyog, o tagpi-tagping tarp. Pawang sarado na ang pasukan ng mga iyon pero alam ni Kenji, lahat ay okupado.
Dumiretso sa pagtakbo ang kanilang sinasakyan sa gitna ng lupain kung saan nakalatag ang sementong daanan na may abstract na disenyo. It ended in a somewhat circular shape which had a similar abstract design, boasting a majestic fountain in the center. Pero imbes na tubig, apoy ang ibinubuga ng fountain. Nang huminto ang truck ay doon napunta ang atensyon ni Kenji. Bahagyang may kunot sa noong pinagmasdan niya iyon.
Malaki sa karaniwan ang fountain. Mamahalin ang mga batong ginamit sa disenyo. Natibag na ang batong eskultura sa gitna at tanging ang mga hita at binti na lamang ng dating nakatayo doon ang natira. Ngunit halos lamunin na rin iyon ng mataas na apoy na naglilingas mula sa mga kahoy na pang-gatong. Iyon ang nagsisilbing tanglaw ng malaking bahagi ng hardin.
Kusang sinundan ng mga mata ni Kenjirou ang nagngangalit na apoy hanggang marating ng kaniyang paningin ang dulo ng dila niyon at lumampas ang kaniyang tingin sa mansiyong nakatayo sa likod ng “bonfire”. Mistulang isang palasyo ang bahay sa laki at rangyang ipinagmamalaki nito sa lahat ng nandoon. Ngunit walang ni katiting na paghangang nakabakas sa mukha ni Kenji, habang namamangha naman ang kaniyang mga kaibigan.
“Hindi kayo sa mansiyon titigil,” narinig nilang sabi ng lalaking katabi si Shizu kanina sa truck. Kabababa lang nito mula sa sasakyan at isinukbit ang dalang baril sa balikat gamit ang strap niyon. Si Kenji agad ang nilapitan nito na parang nahulaan ng lalaking siya ang leader ng grupo.
“Si amo lang at ang mga tauhan niya ang pwede sa mansiyon,” sabi nitong diretchong nakatitig sa mga mata ni Kenji saka walang paalam na umalis. Hindi man sumagot ay tinapatan naman ni Kenji ang mga tingin ng lalaki at sinundan ito ng tingin hanggang sa makapasok ito sa loob ng mansiyon.
“Pagpasensyahan nyo na si Haru,” tawag-pansin ng isang nakatatandang lalaking lumapit sa kanila. He had a friendly smile despite his age and the wrinkles on his face. “May pagkamainitin lang talaga ang ulo. Ng batang ‘yon. Pero mabait naman at maaasahan.”
“Ah, wala po ‘yon manong,” nakangiting sabi ni Shizu kahit kay Kenji nakatingin ang bagong dating. Hindi kasi sumagot si Kenji.
Ginantihan si Shizu ng simpleng ngiti ng matanda.
“Ako nga pala si Ernesto. Pwede nyo akong tawaging Tatay Ernesto o Mang Ernesto. Pwede ring manong kung iyon ang gusto nyo,” sabi ni Mang Ernesto. Sinenyasan sila nitong sumunod dito. “Ako ang sumasalubong sa mga bagong dating na gaya ninyo at nagpapakilala sa mga tao dito. Ako din ang nag-a-assign ng tent at nagpapaliwanag ng mga rules.”
“Rules po?” tanong ni Kiari na inaalalayan ni Ren sa paglalakad. Saglit silang nilingon ni Mang Ernesto saka sumagot.
“Oo. Bawat komunidad ay kailangan ng mga rules para mapanatili ang kaayusan, hindi ba?”
Wala sa kanila ang sumagot.
“Alam ko ang iniisip nyo. Sa mundo natin ngayon imposible na’ng magkaroon ng komunidad. Ng kaayusan,” sabi ni Mang Ernesto bago ito tumigil sa tapat ng isang tent na yari sa tarp at plywood, at hinarap silang muli. “Pero mga tao tayo. May isip. Maabilidad. Marunong makisabay sa mga pagbabagong ibinabato sa atin ng Langit. Kahit pa iyong mga hindi natin maunawaan. Pero hindi tayo makakaligtas kung hindi tayo magtutulungan. Kung walang kaayusan. Mauubos nag lahi natin kung hindi tayo magkakaisa. Kaya para sa ikabubuti ng lahat, binuksan ni amo ang lupaing ito sa mga nangangailangan ng matutuluyan. Para pag-isahin ang mga survivors. Para makabangon tayong muli sa kung anoman itong peligrong dumating sa atin.”
BINABASA MO ANG
Among the Dead #Wattys2016
Mystery / ThrillerChoose your alliances well, sacrifice those of no use to you, outsmart the living and survive the dead. Sa mundong kanilang ginagalawan, yan ang kanilang natutunan. To hell with reasons. To hell with the law. You better create your own rules. Learn...