Author's note: I edited a small part of the previous chapter. It's an important information in the story so please do check it out. Naka-bold po ang in-edit ko doon.
Also, I didn't edit this chapter. Pero babasahin ko ito bukas and edit it. Kung grammar lang or spelling ang gagawin ko, hindi ko na kayo sasabihan. Pero kung may idadagdag ako, I'll let you all know.
Kenji placed the last branch on top of the others, concealing Kiari and most of the vehicle. Siniguro nila ni Ren na natatakpan ang mga “pinto” at bintana ng sasakyan para maikubli ng mga sanga si Kiari. Walang totoong pinto ang gamit nilang owner jeep kaya bukas iyon sa lahat ng zombie na mapapadako sa bahaging iyon ng kakahuyan. Delikadong makita ng kahit isang zombie si Kiari dahil maiiwan itong mag-isa at may injury pa. That jeep was almost like a perfect trap but they had no choice but to leave Kiari inside.
“Ayos na dito, Kenji,” anunsiyo ni Ren na lumigid mula sa kabilang bahagi ng sasakyan. Tinanguan ito ni Kenji.
“Kiari, ayos ka lang ba diyan?” tanong niya sa dalaga na nakaupo pa rin sa driver’s seat.
“Ayos lang, Kenji. Wag kayong mag-alala, sa tingin ko hindi na ko mapapansin ng zombie dito sa loob,” sagot ni Kiari.
“Ang sandata mo?”
“Handa na,” sagot ng babae. Itinaas niya ang kamay na mahigpit na hawak ang stake na gawa sa kahoy na para bang makikita iyon ng kausap.
“Yung hunting knife?”
“Handa na rin,” sagot uli nito. Tinapik pa nito ang holster na nakakapit sa gitna ng kaniyang hita, kung saan nakasilid ang hunting knife ni Kenji. “Kenji, siguro dapat ikaw na ang gumamit ng hunting knife. Tama na sa akin yung dating gamit kong kutsilyo.”
“Mapurol na ang gamit mong kutsilyo, Kiari. Isa pa maiiwan kang mag-isa at may injury ka pa. Mas kailangan mo ‘yan.”
“Pero kayo ni Ren ang haharap sa mga zombie. Who knows kung ilang dosenang zombie ang nandun,” nag-aalalang sagot ni Kiari.
“Kaya ko nga dinala ang jungle bolo ko di ba?” mahinahong paliwanag ni Kenji. He sighed. He already knew Kiari worries about everyone like a mother. But he still couldn’t get use to it. Mas mapapanatag ang loob niya kung hindi mag-alala sa kanila ang babae. “Mas magiging epektibo ang bolo sa gagawin namin ni Ren. Medyo may distansiya ng konti sa zombie pag pinatay ko ito. Mas safe, hindi ba?”
“T-tama ka.”
“Sigurado kang okay ka lang maiwan mag-isa? Pwede tayong bumalik…”
“Hindi, Kenji. Okay lang ako. Kaya ko.”
Saglit silang nagkatinginan ni Ren bago siya muling nagsalita.
“Sige. Aalis na kami ni Ren. Pag hindi kami bumalik matapos ang dalawang oras, bumalik ka sa mansiyon. Humingi ka ng tulong.”
Kiari hesitated. Ayaw niyang iwan ang mga kaibigan kahit ano pa ang mangyari. Hindi niya gusto ang plano ni Kenji. But she didn’t argue this time.
BINABASA MO ANG
Among the Dead #Wattys2016
Mystery / ThrillerChoose your alliances well, sacrifice those of no use to you, outsmart the living and survive the dead. Sa mundong kanilang ginagalawan, yan ang kanilang natutunan. To hell with reasons. To hell with the law. You better create your own rules. Learn...