WARNING: This story contains explicit description of gory scenes and curse language. In Tagalog, naglalaman po ang istorya na ito ng malinaw na description ng mga violence, bloody scenes, murder etc. Naglalaman din po ito ng mga bad words o mga pagmumura. Pwede rin itong magkaroon ng sexual contents depende sa magiging takbo ng story.
This is a horror/thriller and a ZOMBIE APOCALYPSE STORY. At ang writing style ko ay ma-describe talaga dahil gusto ko na may VIVID image ang readers ko ng bawat eksena. Kaya utang na loob, kung hindi mo kayang magbasa ng mga explicit bloody scenes, hindi ito ang nobela para sayo.
Binago ko rin ang rating dahil sa curse language na hindi ko binalak ilagay pero hindi ko naiwasang isama dahil sa tema ng istorya. Dahil na rin sa madetalyeng description ng mga gory scenes at posiblenf sexual content.
Walang tigil siya sa pagtakbo habang pilit na iniiwasan ang mga humahabol. Kailangan niyang makarating sa talagang pakay niya sa bayang iyon. Mahanap lang niya ang pakay, aalis na agad siya kasama ito.
“Shit!” mura niya nang lumiko siya sa bakuran ng nag-iisang grocery store sa bahagi na iyon ng Cavite. Maliit na gusali lang iyon na nagmukhang isang higanteng kahon dahil imbes na bubong ay meron itong roof top. Natatandaan niyang pwede niyang gawing short-cut ang daanan nito sa likod papunta sa pakay na lugar kaya doon siya nagpunta. Hindi nga lang niya akalaing may mataas na barb fence na pala ito sa magkabilang bahagi.
Habol pa rin ang paghinga, tumalikod siya para sana bumalik. Pero nang makatalikod siya ay tumambad sa kaniyang paningin ang ilan sa mga tinatawag niyang halimaw. Nakaliko na rin pala ang ilan sa mga iyon at kasunod ang iba pa.
Nagpanic si Kenji. Wala na siyang ibang pupuntahan. Nagmamadali niyang tinakbo ang pinto ng grocery store. Sarado! Sa lahat ng araw ay ngayon pa iyon sarado. Pilit niyang itinulak pabukas ang salaming pinto ngunit hindi iyon bumukas. Kung babasagin naman niya iyon para makapasok, makakapasok din ang mga halimaw sa loob. Kahoy ang pinto sa likod ng gusali kaya imposibleng masira niya iyon para mabuksan at makatakas sa likod ng gusali. At natatandaan niyang lagi iyong nakakandado.
Ninenerbyos na hinarap ni Kenji ang mga paparating na halimaw. Mabagal sila pero marami. Alam niya, wala siyang laban kapag nahuli siya ng mga ito. Pero paano siya tatakas? Siguradong mai-stock lang ang sapatos niya sa maliit na pagitan ng mga awang sa barb fence. At hindi niya maaakyat ang building na ito. Wala siyang mahahawakan.
Gustong matawa ni Kenji sa sitwasyon. Ang tagal niyang hinintay makalabas ng juvenile facility tapos ngayong nakalabas na siya ay mamamatay naman siya? At sa ganitong klase paraan pa. Aaminin niya, natatakot siya nang mga sandaling iyon. A food for monsters? Ni minsan ay hindi niya naisip na sa ganoong paraan siya mamamatay.
“I guess this is it,” mahinang sabi niya sa sarili nang halos ilang dipa na lang ang pagitan niya at ng pinakamalapit na halimaw.
NOTE: Rated 18 po ito dahil sa violent content at curse language. Wala lang R-18 sa option kaya PG-13 ang nakalagay. Pero inuulit ko po, R-18 ang novel na ito. In short, intended ito for older teens saka older individuals. Kung under 18 yrs old ka at binasa mo ito, read at your own discretion na lang.
BINABASA MO ANG
Among the Dead #Wattys2016
Mystery / ThrillerChoose your alliances well, sacrifice those of no use to you, outsmart the living and survive the dead. Sa mundong kanilang ginagalawan, yan ang kanilang natutunan. To hell with reasons. To hell with the law. You better create your own rules. Learn...