⇜CHAPTER 16⇝

910 17 12
                                    

                Erika sat nervously on her spot on the tree. She was clinging tightly to the branches, making sure that she wouldn’t fall as she watches a wondering zombie taking wobbly steps not far from her hiding place. Pang-labing lima na iyon sa mga nagdaan. At tuwing may zombie na dadating ay parang nakakalimutan niyang huminga. Lalo na kapag nasa tapat na iyon ng punong pinagtataguan niya. Dahil alam niya na wala siyang ibang mapupuntahan kung makikita siya ng kahit isa sa mga iyon. She’d be trapped. And soon, others would come and notice too.

                Maya-maya, isang lalaki ang maingat na tumakbo palapit sa zombie mula sa kaliwa. Halos hindi nagkaroon ng pagkakataon ang zombie na hawakan man lang ang lalaki. Isang saksak sa noo ang agad niyong ibinigay dito pagkaharap pa nilang nito. Saglit pinagmasdan ng lalaki ang bumagsak na patay bago ito lumingon sa kaniyang direksyon. 

                “Baba na, Erika,” sabi ni Kenji.

                Erika breathed a sigh of relief with a hint of anger while looking at him.

                “Sabi ko naman sayo kanina hindi ako marunong bumaba sa puno di ba?” inis na sabi ni Erika.

             “Ang sabi mo hindi ka marunong umakyat. Wala kang sinabing hindi ka marunong bumaba,” sagot ni Kenji habang naglalakad papunta sa punong kinasasampahan ng babae. Tumigil siya sa tapat mismo niyon at namewang habang hindi nilulubayan ng tingin ang babae. Ang iba naman nilang mga kasama ay nagsidatingan na rin at pinanood si Erika habang hirap na hirap itong bumababa.

                “Aarrrggghh. Kenji, tulungan mo ‘kong bumaba dito,” frustrated na maktol ni Erika.

                “Kaya mo ‘yan.”

                “Kenjiiiii. Sasakalin kita pag nakababa ako dito. Buset!” inis na reklamo nito habang hindi malaman kung paano bababa. Her foot slipped and Erika fell on her back on the hard ground.

                “Kyaaaa! Agghh!”

                Napangiwi si Erika pagtama ng likod niya sa lupa. Saglit pa siyang nasilaw sa sikat ng araw nang idilat ang mga mata, bago niya namalayan ang mga mukhang nakapaligid sa kaniya.  

                Iniabot ni Kenji ang kamay kay Erika pero hindi niya iyon pinansin. Mag-isa siyang tumayo at agad sinampal si Kenji.

                “What the hell!” reklamo ni Kenji na kunut-noong nakatingin sa babae habang hawak ang namumulang pisngi.

                “Pasalamat ka sampal lang ang inabot mo. Hindi kita sinakal,” mataray na sagot ni Erika saka nito tinungo ang halamanan sa di kalayuan at kinuha mula doon ang itinagong bag.

                Tiningnan niya si Ren na parang sinasabing “ano’ng ginawa ko?” Pero nagkibit lang ito ng mga balikat.

                “Tsk. Tsk,” umiiling na sabi ni Kiari na karga ang pusa.

                “Bakit?”

                “Kasi naman takut na takot na nga yung tao inasar mo pa.”

                “Ha?”

           “Gusto niya lang magpaalo. Naiwan siyang mag-isa, Kenji,” paliwanag ni Kiari saka tiningnan si Erika na noon ay papalapit na uli sa kanila.

                “Tss. Pwede namang sabihin na lang ang gusto ang dami pang arte,” naiinis at naiilang na bulong ni Kenji. Hindi niya alam kung saan ibabaling ang tingin dahil ayaw niyang tingnan si Erika na nakatayo na sa harap nila. Naaasiwa siya na gusto pala nitong magpaalo. Bakit naman kasi sa kaniya pa? Ang dami naman nila. Hindi ba mas mabuti kung sa babae ito magpaalo? Dahil mas maiintindihan ito ng kapwa babae.

Among the Dead #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon