“Mabuti na lang sumama ka,” mahinang sabi ni Kiari saka sumilip sa pagitan ng mga sanga at dahon. Kanina pa nanlalamig ang mga kamay niya. Bago niya nakilala ang grupo nina Kenji ay ilang araw siyang nagpalabuy-laboy mag-isa. Nagtatago. Hindi siya lumalabas hanggang sa hindi na niya matiis ang panghihina dahil sa matinding gutom.
Pakiramdam ni Kiari ay bumalik na naman siya sa sitwasyong iyon. Nag-iisa. Takot. At kahit alam niyang babalikan siya nina Ren at Kenji, hindi siya sigurado kung makakatagal siya hanggang sa pagbabalik ng mga kaibigan. Paano kung may zombie na makakita sa kaniya? Paano kung pagdating nina Kenji ay napapalibutan siya ng mga zombie? Ililigtas ba siya ng mga ito? O iiwanan na lang siya?
Kiari’s heart raced a beat faster. She unconcsciously wiped the sweat off of her forehead and gently stroke her companion.
“Meow,” sabi ng kausap niya na parang sinasabing wag siyang mag-alala. Hindi siya nito iiwanan.
“Shh. Wag kang maingay, Kitty.”
Kitty purred and gently rubbed its head against her chest, enjoying the attention she’s been giving it.
Kenji gulped as he watches Ren dangle above dozens of biters. Halos malunok niya ang sariling dila nang mahulog ito sa tulay na tabla. He expected the worst to happen. Pero nakakapit si Ren sa tabla. He didn’t think that Ren would be able to. But lucky for him, luck seemed to be on his side. Pero kinakabahan pa rin si Kenji. Nakalundo ang gitna ng tabla kung saan nakakapit si Ren. Isa pa ay hindi niya alam kung hanggang kailan kakayanin ng kasama ang pagkapit doon.
Tiningnan niya ang mga biters sa ibaba. All of them were still making that odd noise and walking tirelessly without purpose. None of them noticed what’s above them. Yet. But Kenji knew he better make his move soon and fast. Alam niya, nahihirapan si Ren sa posisyon. He’s not the athletic type. Hindi makakabalik mag-isa si Ren sa ibabaw ng tabla. Kailangan niya itong tulungan.
Kenji stepped one foot on the wood. Duda siya kung makakaya nito ang bigat nilang dalawa ni Ren. Pero wala siyang ibang mapagpipilian. Wala siyang ibang ideya at kailangan na niyang kumilos agad.
Kenji was about to step another foot when the wind decided to give them another taste of its strength. Umuga ang tabla pataas baba na parang may spring. Bahagya lang. But it was enough to make his heart jump out of his chest. Kenji cursed under his breath.
Maingat at dahan-dahan siyang tumulay sa tabla. Pigil niya ang panginginig ng mga binti habang pilit iniiwasang mapatingin sa mga biters sa ibaba. Pero kahit anong iwas ang gawin niya, kahit anong pag-focus sa nilalakarang tabla ang gawin niya, ay nakabandera pa rin sa kaniyang paningin ang naghihintay sa ibaba.
Dammit!
Huminga siya nang malalim. His growing frustration coupled by fear was starting to drive him crazy. He wanted to quiet his pounding chest but he knew at that moment it was almost impossible. Kaya hinayaan na lang niya iyon. Eh ano kung natatakot siya? Meron ba’ng hindi matatakot sa ganoong klaseng sitwasyon?
Kenji reached for Ren’s arm and grabbed it tight. Hinila niya ang kaibigan habang pilit naman nitong tinutulungan ang sariling itaas ang katawan pabalik sa ibabaw ng tabla. Hinayaan na ni Kenji na lumaylay sa magkabilang panig ng tabla ang mga binti niya. Tutal malayo naman iyon sa mga biters. Kumapit siya sa tabla at yumukod para abutin ang sinturon ni Ren. Hinawakan niya iyon nang mahigpit saka hinila pataas ang kaibigan. Tumulong naman si Ren sa pamamagitan ng pag-angkas ng binti nito sa tabla. Alam niyang nahihirapan ang kaibigan dahil sa bigat nito. Pero hindi sumuko si Ren.
BINABASA MO ANG
Among the Dead #Wattys2016
Misterio / SuspensoChoose your alliances well, sacrifice those of no use to you, outsmart the living and survive the dead. Sa mundong kanilang ginagalawan, yan ang kanilang natutunan. To hell with reasons. To hell with the law. You better create your own rules. Learn...