Kabanata 1

3.6K 70 10
                                    

Sabi nila pantay pantay ang tao sa mundo, at yon ang pinaniniwalaan ko noong una, na walang mas lamang, na walang mas maganda, na walang mas matalino at higit sa lahat walang mas pinapahalagahan, pero noon yon, noong wala pa akong kamuwang muwang, pero habang nagtagal, habang nagkakaroon ako ng isip, napasabi na lang ako sa sarili ko, hindi pala, mali pala, dahil sa realidad ng buhay, kung sino ang nakakaangat sila ang lamang, kung sino ang may pera, sila ang pinapanigan, at kung sinong kumpleto, at walang diperensya, maganda, at sikat sila ang pinapansin ng lipunan. Maling mali pala yong mga paniniwala ko noon, sa mga bagay na nakikita ko ngayon, dahil kahit baliktarin man ang mundo, may mga taong nasa baba talaga at may mga taong nasa angat na mahirap na maabot  ng mga kamay natin.

Katulad ko na lang isang Person with Disability since birth, ang dami kong gustong gawain, ang dami kong gustong maabot, ang dami kong gusto patunayan pero hindi ko magawa dahil napapangunahan na ako ng takot na pagtawanan at mapahiya sa iba. Kaya kahit gustong gusto ko pinili ko na lang magtago sa imahinasyon ko, kesa harapin ang totoong mundo na meron ako, wala e, duwag na kung duwag ayaw ko lang masaktan ng lubusan.

"Hoy, babae, kanina ka pa tahimik, sigurado ka bang okay ka lang?"pukaw ng boses ni Flor na gumising sa akin sa imahinasyon ko.

"Oo naman, bakit naman hindi ako magiging okay aber?

"Aba! Malay ko sayo, Ikaw itong tinatanong ko kanina pa kung anong gusto mong ulam, wala naman sagot."

I faked my smile to her after what she said, kahit alam kong mahahalata niya na hindi ako okay, ay kailangan ko pa rin panindigan na okay lang ako, wala akong balak pag usapan ang buhay ko, kahit pa sa kanya na kaibigan ko.

"Hays." Huminga muna siya ng malalim bago ako tiningnan ulit ng seryoso sa mata. "Alam mo naman na nandito lang ako kahit anong mangyari diba?"tanong niya sa akin sabay tango ko.

Isa sa pinapasalamat ko sa maykapal, ay siya na kahit ganito ako may isang Flor sa buhay ko na iniintindi ako sa kahit anong oras, ako lang itong kahit kaibigan siya ay pinipili pa rin ilayo ang sarili ko sa kanya, nakakapagod na kasing masaktan at umiyak, nakakapagod ng umasa.

"Don't worry, alam ko, sige na kahit anong ulam lang akin, ikaw na pumili."sagot ko na lang sa kanya sabay tango niya.

Wala pang sampung minuto nakabalik na agad si Flor galing sa pagbili ng ulam namin dalawa kaya nag simula na kaming kumain ng biglang isang boses ng lalake ang siyang pumukaw sa amin sa pagkain.

"Good afternoon girls."

"Good afternoon sir."bati namin ni Flor kay Sir Aries, agad niya naman kaming nginitian pabalik na siyang ikinangiti ng kaibigan ko.

"Kain sir."Alok ko sa kanya na ikinatingin niya sa akin.

"Ah, yeah, I'm here to ask you both if puwede ba akong makisabay sa inyo, if okay, tapos na kasing kumain sila Sir Joel."tanong niya na ikinatingin namin ni Flor sa isa't isa sabay Naman kaming tumango kay Sir na ikinangiti niya.

Tahimik lang kaming tatlo na kumakain hanggang sa tinapos ni Sir ang katahimikan.

"So, how are you both? your other subjects?"he asked.

"Ahm, okay lang naman sir, pero yong subjects mo pinakamahirap."sagot ni Flor sa kanya. Kaya agad ko itong pinalo sa kamay niya na ikinadaing niya.

"Sir, nagbibiro lang yan, wag po kayo maniwala."ani ko kay Sir na ikinangiti niya sa akin.

"It's okay, Lucia I don't mind, besides honest lang si Ms.Flor, so no worries don't worry."sagot niya na ikinangiti naman ni Flor.

"Sabi ko sayo e, mabait si Sir, hindi tulad ng ex mong cheater, so Sir, wag na po kami pahirapan sa exam ha please."pa cute ni Flor kay Sir kaya agad ko siyang pinalo ulit sa kamay niya.

"Hoy, mahiya ka nga sa apog mo, at isa pa bakit nadamay si ano dito? Tanggap ko na yong ginawa niya sabi ko naman sayo diba? Tanggap ko na pinagpalit niya ako alam ko dahil gusto niya lang yong babaeng kumpleto, maganda na maipagmamalaki niya."

"What ever, pero mali pa rin siya so don't me, okay, right sir? If her ex love her, kahit ano pa yong physical appearance niya tatanggapin at tatanggapin siya nito? Because that's the real meaning of love right sir?"tanong niya kay Sir na siyang ikinatango naman nito sabay baling niya ng tingin sa akin.

"Yeah, real love, should accept you know matter what, kahit ano pang estado sa buhay ang meron ka, kahit may anak kana, kahit PWD ka, dapat tanggap ka niya, kasi kung hindi, that's not love, and one more thing, hindi basihan ang physical appearance ng isang tao para mahalin ka, kasi kumpleto ka man o hindi, maganda ka man o pangit, mahirap ka man o mayaman kung hindi enough yong pagmamahal ng tao sayo sasaktan at sasaktan ka talaga niya, remember this always and always Cheating is not a mistake, it's a choice."Aniya na ikinatahimik namin ni Flor kaya mukhang nagtaka siya sa reaction namin dahil napangiti siya habang nakatingin sa amin ni Flor.

"Iba ka Sir."sigaw ni Flor sabay tayo niya with matching palakpak pa. Kaya agad ko siyang pinalo ulit sa kamay niya sabay paupo sa kanya.

"Bakit na naman ba ha? Lucia?"

"Mahiya ka nga."saway ko sa kanya.

"E, care mo ba? Bilin lang ako kay Sir, kasi naman grabe yong word of light niya, pero wala siyang syota seriously?tanong niya with matching taas ng dalawang kamay niya. "Pero seriously Sir, may syota ka o wala, o naka experience ka na? Tama sir, imposibleng wala sir, I know, don't be sinungaling bawal yan."

"Silly guys, yes, you're right nagkaroon ako ng girlfriend before, but that's all in the past, hindi na nasundan."sagot niya na ikinatingin ko sa kanya at laking gulat ko ng nakatingin rin siya sa akin kaya bago ako mailang sa tingin niya na nakakalusaw ako na ang umiwas.

He's making me anxious!

"So meaning Sir, true talaga na wala kang jowa?"tanong ulit ni Flor sa kanya sabay tango niya.

"Yes, but someone caught my attention already, and I guess I already like her."sagot niya na ikinatali ni Flor dahil sa kilig.

Habang ako, kinakabahan, hindi ko alam kung ako lang o sadyang focus lang talaga si Flor sa kilig at hindi niya napansin ang nakita ko na. Sir was looking at me while answering Flor's question.

Hart Moon

My Yesterday's Moonlight (Yesterday #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon