Kabanata 33

1.9K 36 7
                                        

Sigurado na ba talaga ako sa plano ko? Sasama na ba talaga ako sa mga Fabia tulad ng sinabi ko kanina? Isip isip ko habang inaayos ang mga gamit namin ni Mama dahil bukas na bukas rin daw ay aalis na kami ng Bukidnon para pumunta ng maynila at doon maghintay ng biyahe namin papuntang Amerika kung saan nila ipapagamot si Mama, aamin ko gusto kong bawiin ang sinabi ko sa kanila, ang binitawan kong salita sa kanila kanina, but seeing my mother in this kind of situation, hindi ako makakapayag na mawawala siya ng wala akong ginagawang paraan para iligtas siya, tsaka tama na rin ito, tama na rin ito para malayo ako sa lugar na 'to, tama na rin ito para malayo sa lalakeng pinakamamahal ko.

"Aylaaaa, bruhaaaa, Ayla nandito ka ba?Ayla?"rinig kong sigaw ng isang boses na kilalang kilala ko mula sa labas ng kwarto ni Mama kung saan nagtutupi ako ng mga damit niya ng biglang bumukas ang pinto nito at bumulaga sa akin ang mukha ni Flor at Maby na nag aalala na may halong inis.

"Flor, Mab..."

"Gaga ka, bakit hindi mo sinabing nandito ka ha? Isang buong araw ka namin hinahanap kahapon jusko ka, notche Buena na mamaya tapos ni hindi mo kami tinawagan Gaga ka! Kung hindi ka nakita dito ng Tita ng ex mong 'to hindi pa namin malalaman na nandito ka babae ka."sermon sa akin ni Flor sabay turo niya kay Maby na ngayon ay nakatingin rin sa akin.

"Sorry, alam kong dapat sinabihan kita, kaso hindi ko na alam paano pa ko tatawag sayo lalo na ngayon, hindi ko pwedeng iwan si mama mag isa kaya sorry kung pinag aalala ko kayo."saad ko sa kanila na ikinayuko niya sabay tingin niya ulit sa akin ng seryoso akmang kukunin niya ang cellphone niya ng hawakan ko ang kamay niya para pigilan na ikinatingin niya sa akin.

"Anong gagawain mo?"takang tanong ko sa kanya.

"Malamang tatawagan si Sir Aries na nakita ka na namin, gaga ka, walang tulog yong tao kakahanap sayo tinatawagan ka daw niya pero ni isang beses walang sumagot, kaya sasabihin ko na nakita ka namin."sagot niya sabay iling ko na ipinagtaka niya.

"Wag, hindi niya kailangan malaman kung nasaan ako, wala siyang dapat malaman."

"What? Anong wala? Ayla naman nag aalala na yong tao sayo."Aniya sabay iling ko.

"Hindi, wala, wala kang sasabihin sa kanya, hindi pwede."sagot ko ulit sa kanya sabay kuha sana ng phone niya ng inilayo niya ito agad sa akin.

"Teka nga ng isang araw ka pa ha, pagbalik na pagbalik mo galing opisina ni Sir nagkaganyan kana, teka nga umamin ka nga may nangyari ba?"takang tanong niya na ikinatingin ko kay Maby na agad naman na napansin ni Flor.

"Ayla, yong totoo anong nangyari?"tanong niya ulit ng hindi ako nakasagot sa kanya.

"Flor please, wag."ulit ko sa kanya na ikinailing niya.

"No, tatawagan ko siya, nagaalala siya sayo ng sobra."saad niya sabay kuha ko ng cellphone niya at hila sa kanya palabas ng kwarto ni Mama ayaw kong magising siya at malaman niya ang tungkol kay Sir Aries, hindi pa ito ang oras para malaman niya, ayaw ko ng dumagdag pa sa iisipin niya.

"Ano Ayla? bakit tayo nandito?"Galit na tanong ni Flor na ikinatingin ko sa kanya ng seryoso.

"Listen Flor, hindi niya dapat malaman kung nasaan ako, wala siyang dapat malaman, wala naintindihan mo?"tanong ko sa kanya na ikinatingin niya sa akin ng nagtataka.

"Gaga, nag aalala nga siya sayo, kailangan ka niyang makita, naintindihan mo?"tanong rin niya pabalik sa akin na ikinangisi ko.

"Imposible, hindi niya ko kailangan at kahit kailan hinding hindi niya ko magiging kailangan si Ma'am Maica, siya ang totoong kailangan niya, kaya bakit niya pa kailangan malaman kung nasaan ako? Imposible yang sinasabi mo Flor, imposible."

My Yesterday's Moonlight (Yesterday #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon