I'am your Father Ayla, ako ang totoo mong Tatay.
Mga salitang nag paulit ulit sa isip ko, kahit nandito na ako sa kwarto ni Mama pagkatapos ko silang iwan doon kanina ay naririnig ko pa rin ang mga salitang yon na siyang nagpapagulo sa akin ngayon.
Tatay, Ama, imposible, hindi pwede.
"Ma, naririnig niyo po ba ako? Ma, totoo po ba yon? totoo po bang tatay ko ang lalakeng yon? Ma, sabihin niyo naman o, gumising na po kayo o, ang daming tanong sa isip ko Ma na kayo lang ang makakasagot, wag niyo naman po ako iwan ng ganito o, ang sakit sakit na Mama, hirap na hirap na ko hindi ko na po kaya, kailangan po kita Mama, kailangan po kita."naiiyak kong sabi kay Mama habang hawak hawak ang mga kamay niya ng biglang nagbukas ang pinto ng kwarto niya na ikinatingin ko doon.
"Ayla."banggit niya sa pangalan ko na ikinatayo ko.
"A-anong ginagawa niyo dito?"nauutal kong tanong sa kanya.
"I just want to talk to you, let me explain everything Ayla, everything."
"Hindi naman po totoo yong sinasabi niyo diba? Nagbibiro lang naman po kayo kanina diba?"sunod sunod kong tanong sa kanya sabay iling niya.
"Hi-hindi imposible, imposible, wala akong tatay, hindi mo ko anak."hindi ko makapaniwalang sabi sa kanya na ikinayuko niya akmang magsasalita pa sana siya ng biglang isang kamay ang pumigil sa akin na ikinatingin ko sa likod ko.
"Mama, mama ko."naiiyak kong sambit sa pangalan ni Mama habang hawak hawak ang kamay niya.
"A-anak?"
"Mama, kumusta po kayo? Nagugutom po ba kayo? Ano pong gusto niyo?"sunod sunod kong tanong sa kanya habang pinipigilan tumulo ang mga luha sa mga mata ko.
"A-anak, Chri-Christian?"mahinang banggit ni Mama habang nakatingin sa taong nasa likod ko na siyang nagpatingin rin sa akin doon.
"Lemi."
"Pa-paano mo ko nakita? Si, si Ayla, kilala-la mo na?"mahinang tanong niya sa lalake sabay tango nito na ikinatingin ko kay Mama.
"Ma, wag niyong sabihin na, to' totoo yong sinasabi niya? Hindi naman Mama diba? Hindi naman siya yong Papa ko diba? Imposible yon diba?"
"Ay-ayla pata-patawarin mo ko kung tinago ito lahat sayo ni Mama, patawarin mo'ko kung, kung pinagkait ko sayo na makilala mo ang tunay mong Ama, ayaw lang kitang masaktan, ayaw ko lang ma-wala ka an-anak."sagot niya na ikinaupo ko habang umiiyak dahil sa mga narinig at nalaman ko ngayon.
"Ayla."sambit ng Christian sa akin sabay hawak niya sana sa braso ko ng bigla akong tumayo at humarap sa kanya.
"Anong kailangan niyo?! Bakit kayo nandito?!"tanong ko sa kanya na ikinatingin niya sa akin ng seryoso naramdaman ko naman ang paghawak ni Mama sa kamay ko pero pinagwalang bahala ko yon habang seryosong nakatingin kay Christian na ngayon ay malungkot na nakatingin sa akin.
"I want to meet you, gusto kong bumawi sa mga taon na wala ako sa tabi mo, gusto kitang makasama anak, kaya hinahanap ko kayo ng Mama mo, saktong nandoon ako sa lugar kung saan naglalako ang Mama ko kaya nakita ko siya na nawalan ng malay, ilang taon ko kayong hinahanap Ayla, at ng nakita ko kayo pinangako ko sa sarili ko na hinding hindi ko na kayo tatalikuran."sagot niya na ikinangisi ko.
"Tss, para saan pa? Nabuhay kami ng wala ka, nabuhay ako ng wala ka, oo, nagkamali ako sa pagaakakalang ang kinilala at minahal kong ama ang totoo kong tatay, pero nagpapasalamat pa rin ako dahil hindi ko nakasama ang isang mapagsamantalang tatay na katulad mo. Lasing kayo ni Mama ng nabuo ako tama? lasing kayo diba?"
"Ayla, tama na yan."
"Ma, hindi, hindi ako titigil hangga't hindi ko nasasabi sa kanya lahat ng sakit na nandito."sagot ko kay Mama sabay turo ko sa dibdib ko.
"Lasing kayo ng oras na yon, at may asawa na, may anak na, pero ano nagawa niyo pa rin yon? Alam niyo po imbis magpakalalake kayo, imbis magpaka asawa kayo, pinairal niyo yan, yang libog niyo sa katawan tapos ano sasabihin niyo natukso lang kayo?! Sorry to say this Sir, kailanman hindi excuse ang lasing ka na "dahilan " para lokohin ang asawa at pamilya mo, dahil kahit sabihin pang hindi ganoon katindi ang nararamdaman mo sa asawa mo, kung may respeto ka sa diyos at kung mahal mo ang anak mo, hinding hindi mo magagawang magloko. Sir hindi lang po asawa at anak niyo ang sinaktan niyo, pati rin po ako, nagdusa, at naghirap ako sa kamay ng kinalala kong ama sa pagaakakalang oras na sundin ko siya, oras na gawain ko lahat ng gusto niya ay mamahalin niya rin ako dahil anak niya ako, pero hindi e, nagkamali pa rin ako dahil hindi niya lang ako sinaktan ng pisikal, sinaktan niya rin ako emosyonal, muntik na akong mapagsamantalahan sa kadahilan na hindi ko naman sana kasalanan."saad ko sa kanya na ikinatingin niya sa akin tila hindi makapaniwala sa narinig niya.
"A-anak."
"Pina-pinagsamantalahan a-ako at yon ang hindi ko matanggap, ba-bakit? bakit? ko kailangan maranasan lahat ng yon bakit?!"nanginginig kong tanong sa kanya sabay yakap niya sa akin gustohin ko man umalis sa pagka yakap niya ay parang na estatwa ako dahil sa pakiramdam na parang kaytagal kong hinihintay ang yakap na ito, yakap ng isang ama, amang nangungulila sa anak niya.
"Pa-patawarin mo ko, patawarin mo ko kung wala ako ng panahon na kailangan mo ko, patawarin mo ko sa mga panahon na nasayang dahil sa katangahan ko, patawarin mo ko anak, patawarin mo ko."Aniya sabay bitaw ko sa pagkakayakap sa kanya.
"Tapos na ang lahat, baliwala na rin lahat."sagot ko sa kanya sabay iling niya.
"Tsaka hindi na rin po mahalaga sa akin ang bagay na yan, tanggap ko na,
tanggap ko ng walang magmamahal s a akin na kahit kanino, dahil ganito lang ako, kulang at walang maibubuga sa lahat ng tao." Sagot ko sa kanya sabay pisil ni Mama sa kamay ko.
"Hi-hindi totoo yan a-anak."Aniya sabay tingin ko kay Sir Christian na ngayon ay humawak rin sa kamay ko.
"Please don't say that anak, I will give you the justice that you deserve Ayla, ipapakulong ko ang hayop na yon sa ginawa niya sayo, pagbabayarin ko siya sa pagpapahirap sa inyo ng Mama mo."saad niya habang nakatingin sa akin ng seryoso.
"Hi...."
"Ipapagamot natin ang Mama mo sa Amerika, I already talked to your Kuya about this, Xyvien is willing to help you and your mother, hayaan mo lang ako anak, hayaan mo lang akong bumawi sayo sa lahat lahat ng kasalanan at pagkukulang ko sa inyo."putol niya sa sasabihin ko akmang sasagot pa sana ako ng biglang may nagsalita sa likod niya na ikinatingin ko doon.
"I know it's hard for you to trust us Lucia, but I promise hinding hindi hahayaan na Kuya na may manakit pa sayo, nandito na kami, nandito na ako, hindi ka na mag iisa."saad ni Xyvien na ikinatingin ko sa kanya ng seryoso akmang magsasalita pa sana ako ng bigla niya akong niyakap na siyang ikinatagil ko.
"Hinding hindi ka mag iisa Ayla, nandito na si Kuya, nandito na kami."
Okay let's do this everyone, happy reading.
Hart Moon
BINABASA MO ANG
My Yesterday's Moonlight (Yesterday #1)
Romance(COMPLETED) (UNEDITED) Professor x Writer Ayla Lucia Del Rios, 22 years old, 4th year college and the nobody, loner, quiet girl in town.Ang babaeng Iba sa lahat ng babae (Strong and Brave) ika nga nila. Sanay na harapin ang lahat ng bagay ng mag-is...
