Nag simula na silang maglaro hanggang tumapat kay Flor ang bote na kararating lang dito sa labas.
"What the hell? Talagang ako agad kararating ko lang ah, dinadaya niyo ko 'no."Aniya na ikinatawa ng lahat habang seryoso pa rin ang tingin ni Sir Aries.
"Grabe sa dinaya, hindi kami ganoon, no sagutin mo na lang kasi truth or dare?"tanong sa kanya sabay taas kilay siyang tiningnan ni Flor na ikinangisi namin ni Maby pareho.
"Fine, true."
"Yes, so ito, nagkagusto ka ba sa boyfriend ng best friend mo?"tanong ni Sascha sabay ubo namin pareho ni Maby.
"Boyfriend? Sino?"takang tanong naman Flor agad ko naman hinawakan ang kamay niya na mukhang gets niya na agad dahil nakasimangot siyang tumingin sa amin ni Maby.
"Ah, oo boyfriend, si Maby, siyempre hindi heler, bulag ka ba Sacha? Never ako magkakagusto sa pangit na 'to 'no tsaka isa pa bet na bet ko silang dalawa ni Ayla magkatuluyan."sagot niya kay Sascha na ikinangisi nilang lahat maliban kay Sir na wala pa rin pinagbago ang malamig na tingin sa amin.
"Okay, now Mr. Boyfriend ni Ayla truth or dare?"tanong ni Camille kay Maby na ikinatingin ko sa kanya.
"Truth."
"Okay, so the question is masasabi mo ba na si Ayla na yong the one?"tanong ni Camille na ikinatigil ko.
"Of course yes, hindi ko siya niligawan para maging pang one time lang, niligawan ko siya para maging pang lifetime."seryosong sagot ni Maby na ikinatingin ko sa ulit sa kanya.
"Wala na, uwian na sana all Ayla, may Maby."kilig na sagot ni Camille sabay ngiti na lang ni Maby.
Akmang iipapaikot na ulit yong bote ng biglang nagsalita si Sir Aries na ikinatingin namin lahat sa kanya.
"Follow up, what if agawin siya sayo, at sumama siya do'n anong gagawain mo?"
"Wala, dahil hindi ko hawak ang puso't isip niya."seryosong sagot ni Maby sa kanya.
"Buti alam mo, tss."saad ni Sir Aries na pinagtaka ng lahat.
"Pero, oras na saktan siya ng lalakeng yon, hinding hindi ako magdadalawang isip na kunin siya ulit, at pinapangako ko na hindi na siya makukuha ulit sa akin, kahit pa sabihin na hindi ako ang mahal niya."ani ni Maby sabay palakpakan ng lahat na ikinataas ng kilay ni Sir.
"Whoa! Init no'n sige spin na natin ulit 'to para masaya."sabi ni lang ni Flor na sinang ayunan naman ng lahat.
"Ako na magpapaikot." saad ni Ma'am Maica sabay paikot niya ng bote ng biglang sa kanya rin ito huminto.
"Hala ma'am Ikaw rin napili ng pag ikot mo, so truth or dare?"tanong ni Flor.
"Truth."
"Ma'am alam naman namin lahat yong past ninyo ni Sir, so yong tanong namin, kumusta na po relasyon niyong dalawa?"tanong ni Flor na ikinatingin ko sa kanya pero ang bruha ngumiti lang.
"Very good friends, masaya na kami sa pagiging magkaibigan namin."sagot ni Ma'am na ikinagulat ko akmang magtatanong na sana ulit sa kanya si Flor ng unahan siya ni Meya kaklase rin namin.
"Friends po Ma'am? Akala po namin nagkabalikan kayo? Tanong nito na ikinangiti ni Ma'am.
"That's fake news, never namin 'to nilininaw ni Aries, yes Isang taon ng nakakalipas simula ng sabihin ko sa kanya na gusto ko pa rin siya, pero hindi kami nagkabalikan, hindi pa."nakangiting sagot niya na ikinatili ng mga kaklase ko.
Hindi pa so may pag-asa pa?
"Basta ma'am ha, invited kami sa kasal niyo ha, sige na ikot na ulit."saad ni Meya sabay paikot niya ulit ng bote ng biglang tumapat ito kay Sir Aries.
"Hala, Sir ikaw na."ani ni Camille sabay tango lang ni Sir.
"Truth."
"Palaban talaga si Sir, so ako na lang magtatanong puwede?"tanong ni Camille sa amin sabay tango namin lahat.
"Sir, may pinagsisisihan ka na ba sa buhay mo?"
"Yes, at yon ang maghintay sa wala."Aniya na ikinagulat namin lahat.
"What do you mean Sir?"tanong ni Sascha na ikinangisi ni Sir sabay tingin niya ng seryoso sa akin kaya para maka iwas sa tingin niya agad akong tumayo na ikinatingin nilang lahat sa akin.
"Okay ka lang best?"Flor asked sabay tango ko.
"Ah, oo rest room lang ako excuse me."saad ko sa kanila sabay walk out ko sa harap nila habang papasok na sana ako sa loob ng rest house ng biglang may humawak sa kamay ko na ikinatingin ko do'n.
"Sir."
"Bakit Ayla? Tell me? Bakit mo ako iniwan. Hinintay kita, hinintay kita pero hindi ka dumating, akala ko pagod ka lang kaya hinayaan muna kita, kasi naniniwala ako na pagka bukas pupuntahan mo ko, pero wala pa rin, at nalaman ko na lang nag pa modular kana, ang sakit Ayla ang sakit sobrang sakit."Aniya sabay bawi ko sa kamay ko na hawak niya.
"Tapos na yon, kalimutan na natin yon."
"What?! No! Kalimutan, hinding hindi ko makakalimutan yon Ayla, tapos ngayon babalik ka tapos tapos malalaman ko boyfriend mo na ulit yong ex mo ba yon ha? Ang unfair mo naman Ayla, ako, ako ikaw lang hanggang ngayon, pero ako napalitan mo agad diyan sa puso mo, ang daya daya mo."Aniya na ikinangisi ko.
"Ako pa talaga Sir? Ako pa talaga? Sir, pinuntahan kita ng araw na yon, pinuntahan kita, pero anong nakita ko, kayong dalawa ni Ma'am Maica kayong dalawa magkayakap at masaya."saad ko sa kanya na ikinatigil niya.
"A-anong sinasabi mo?"
"Talaga? Wala kang alam, Sir sinabi mong mahal mo siya, sinabi mo kaya imbis na guluhin ko kayong dalawa umalis na lang ako at hindi nagpakita, dahil para saan pa diba?"takang tanong ko sa kanya habang tumutulo ang mga luha sa mga mata ko na kanina ko pa pinipigilan tumulo.
"PutangI*a naman Ayla! Nandoon kana, pero hindi ka pumasok, edi sana alam mo yong buong sinagot ko sa kanya pagkatapos niyang sabihin na gusto niya ako, na kami na lang ulit.
"Para saan pa mukha naman na ayos ka na."
"Para saan? Para hindi umabot sa punto na nawala ka sa akin dahil mahal na na kita, oo sabi niya mahal niya ako, at oo sinagot ko siya ng mahal ko rin siya pero noon noong kami pa ngayon pagmamahal na lang ng kaibigan ang nararamdaman ko sa kanya wala ng iba."aniya na ikinailing ko.
"I guess it's meant to happen talaga, baka yon ang paraan ng tadhana sabihin na hindi talaga tayo ang para sa isa't isa."
"Paraan na hindi ko matanggap Ayla, ang sakit sakit, alam mo yon habang ikaw pa rin ang tinitibok nito." Turo niya sa puso niya." may iba namang nagpapasaya sayo, ang sakit, sobrang sakit."
Aries.
Grabe ka na Aries, laban lang malay mo diba? Anyways last update for today's video sana bukas sipagin ulit happy reading.
Hart Moon
BINABASA MO ANG
My Yesterday's Moonlight (Yesterday #1)
Romance(COMPLETED) (UNEDITED) Professor x Writer Ayla Lucia Del Rios, 22 years old, 4th year college and the nobody, loner, quiet girl in town.Ang babaeng Iba sa lahat ng babae (Strong and Brave) ika nga nila. Sanay na harapin ang lahat ng bagay ng mag-is...
