Time flies, at ngayong araw na ang simula ng anniversary week ng school kung saan maraming mga activities na pwedeng pag pilian salihan, pero para sa taong katulad ko isang normal lang ito na araw para sa akin walang bago kaya hindi ako excited di tulad ng mga classmates at schoolmates ko na sobrang saya sa buong linggong 'to dahil sa mga kanya kanya nilang laro na sasalihan.
"Don't meeeeeeee, Ayla Lucia, totoo ka ba? Talagang nandito ka? Seriously? Omgggg don't me, gisingin niyo ko ako end of the world na ba? At umattend talaga itong kaibigan ko ngayon?"salubong agad ni Flor sa akin na ikina taas ko ng kilay sa kanya.
"Shut up Flor, siyempre pupunta ako, hindi ako mayaman duh."sagot ko sa kanya na ikinasimangot niya.
"Hala, anong connect?"
"Attendance malamang, wala akong pambayad sa fines kung di ako pupunta kaya no choice ako kundi pumunta kaya manahimik ka na diyan ha, yong tenga ko pagod ng makinig sayo."
"Sabagay, may point ka, pero kever ba sa attendance ako ng bahala diyan for now let's go."saad niya sabay hila niya sana sa kamay ko ng pigilan ko siya.
"Bakit? Anong meron? Saan na naman tayo?"takang tanong ko sa kanya.
"May basketball ang mga faculty male teachers manonood tayo tara, balita ko maglalaro si Sir Aries."sagot niya na pinagtaka ko.
"At ano naman kung maglalaro si Sir?"tanong ko sa kanya sabay palo niya sa balikat ko na ikinadaing ko.
"Seriously? Ayaw mo talaga siyang mapanood? Final answer?"
"At bakit ko naman siya gusto mapanood?"
"What the heck, siyempre crush mo siya."sagot niya sabay takip ko ng bibig niya dahil sa lakas ng boses niya.
"Yang bunganga mo talaga lalagyan ko na yan ng tape sobrang ingay."Ani ko sa kanya sabay peace sign niya na ikinangiti ko na lang.
"Pero sige na, oo na, hindi mo na crush, pero, pero nood pa rin tayo lalo na doon sa wedding booth tara."aniya sabay hila sa akin papunta sa quadrangle kaya wala akong nagawa kundi sumunod sa kanya kung saan lupalop man kami ng la salle pupunta.
"Ayon doon tayo."saad niya sabay turo ng Isang Lugar kung saan may bakanteng dalawang upuan malapit sa wedding booth.
"Teka, teka anong gagawain natin dito? Titigilan ang kasal?"tanong ko sa kanya pagdating na pagdating namin.
"Pwede basta si Sir Aries ikakasal kasi kayo ship ko ayieeeeee jokieeee."aniya sabay taas ng kilay ko sa kanya na ikinatahimik niya.
"Okay, shut up na, nagiging dragon na, pero seryoso anong sasalihan mo girl? Ayaw mo talaga sa poem contest?"tanong niya na ikinatango ko sa kanya akmang sasagot pa sana ako sa kanya ng biglang may tumawag sa pangalan ko na ikinatangin ko doon.
"Del Rios."
"Bakit?"tanong ko kay Kari na siyang tumawag sa akin.
"Pinapatawag ka ni Sir."aniya na pinagtaka ko.
"Sir? Sinong Sir? Saan?"takang tanong ko sa kanya.
"Sir Cena."sagot niya na mas lalong pinagtaka ko.
"Ha? Bakit daw?"
"Di ko rin alam, basta sabi niya lang pinapatawag ka niya ASAP daw, baka importante."aniya sabay tango ko.
"Napapadalas ata pagpapatawag niyan sayo ha?"takang tanong ni Flor sa akin pagkaalis na pagkaalis ni Kari sa harap namin.
"Aba malay ko, baka uutusan ako o kung ano pa."sagot ko sa kanya.
"Maybe yes, maybe not, malay mo nahulog na sayo ayieeee."asar niya na ikinasimangot ko.
"Shut up Flor, malabong mangyari yan alam mo yan."saad ko sa kanya na ikinatawa lang ng bruha.
BINABASA MO ANG
My Yesterday's Moonlight (Yesterday #1)
Romance(COMPLETED) (UNEDITED) Professor x Writer Ayla Lucia Del Rios, 22 years old, 4th year college and the nobody, loner, quiet girl in town.Ang babaeng Iba sa lahat ng babae (Strong and Brave) ika nga nila. Sanay na harapin ang lahat ng bagay ng mag-is...