"Talagang pupunta ka doon kahit Sabado?"tipid na tanong ni Kuya Xyvien sa akin pero halatang hindi siya makapaniwala.
"Yes, yon ang sabi ni Sir, ngayon lang daw yong free time niya."
Tumaas ang kilay niyang napatingin sa akin. "Tss, sabihin mo naghahanap ng gulo yang lalake na yan."
"Kuya hindi malay mo totoo diba? Tsaka isa pa President siya ng Academic affairs nakakahiya naman kung niloloko niya lang ako."mahinahon kong sagot sa kanya.
"Pero malay mo, gusto niyang gumanti sayo, I'm sure that man will not let you to be happy after what happened 1year ago na siya naman ang may kasalanan."Aniya na ikinatahimik kom
Gumaganti? Maari nga bang gumaganti lang siya sa akin?
"Ah, basta pupunta pa rin ako doon Kuya, I need his sign, at walang mangyayaring pirmahan kung tatambay lang ako dito sa bahay."
"Hays, fine, do what ever you want, in one condition, tawagan mo ko kung may hindi magandang gawain ang Gagong ex mo na yan, hindi ako magdadalawang isip na ipakulong siya."saad niya sabay tango ko sa kanya.
"I promise."
"Okay, magpahatid ka na lang kay Manong Fred, wala pa sila Dad at Tita nasa check up pa."aniya sabay iling ko.
"Kahit wag na Kuya, mag je-jeep na lang ako."sagot ko sa kanya.
"What?! No! Hindi ka aalis sa bahay na 'to kung hindi ka magpapahatid kay Manong you choose young lady?!"
"Okayokay fine, sabi mo e. Manong tara na nga tinotoyo na naman yong Kuya kong walang jowa, baka magwala dapat wala na ako dito sa oras na yon."tawag ko kay Manong na ikinatawa ni Kuya.
"Take care okay, call me don't forget."paalala niya na ikinangiti ko.
"Promise, bye."paalam ko sa kanya sabay labas ng bahay para pumasok sa sasakyan kung saan naghihintay na si Manong Fred.
30 minutes rin ang byahe namin mula sa bago namin na bahay papunta sa Elton, pababa na sana ako ng biglang nagsalita si Manong na ikinatingin ko sa kanya.
"Sure ka ba Iha na may tao dito? Mukhang mga guard lang ang nandiyan ah, sobrang tahimik."Aniya na ikinatingin ko sa school.
"Ah, baka mamaya pa po dadating Manong hintayin ko na lang po maaga pa naman."
"Pero baka hindi dumating, hintayin na lang kita dito."saad niya sabay iling ko.
"Wag na po, baka kailangan rin kayo ni Kuya sa bahay tsaka okay lang po talaga ako, wag kayong mag aalala, uuwi na lang po ako kung walang tao talaga."sagot ko sa kanya na ikinangiti niya.
"Sige, sasabihin ko na lang sa Kuya mo."Aniya sabay tango ko.
"Sige po, ingat po kayo."sagot ko sa kanya sabay baba ko ng sasakyan hinihintay ko muna maka alis si Manong bago ako lumapit sa mga guard na siyang ikinatingin nila sa akin.
"Teka, teka, teka, saan ka pupunta?"pigil nila sa akin.
"Sa loob, mag papapirma ng clearance."
"Walang pirma ngayon ineng, baka nakakalimutan mong sabado?"takang tanong sa akin ni Kuyang Guard na naka white na polo sabay iling ko.
"Hindi po sabi ni Sir Aries, bumalik ako dito ngayon kung gusto kong pirmahan niya ako."sagot ko sa kanila na ipinagtaka nila.
"Si Sir Cena ba tinutukoy mo?"tanong naman ni Kuyang Guard na naka uniform sabay tango ko sa kanya.
"Siya nga."
"Eh, imposible yan ineng, oo dito siya galing kanina magkasama sila ni Ma'am Maica, pero agad rin silang umalis kaya paano nangyari na pinapunta ka niya dito kung kanina 7:30 pa sila ng umaga umalis?"hindi makapaniwala na tanong sa akin ni Kuyang Guard na ikinatahimik ko.
"Hindi, hindi puwede yon sabi niya nandito lang siya buong araw."
"Hindi rin namin alam, mabuti pa bumalik ka na lang sa Monday, sure naman na nandito siya sa araw na yon."
"Pwede po ba hintayin ko na lang siya sa loob? Wala naman po akong gagawain hihintayin ko lang talaga siya."paalam ko sa dalawang Guard na ikinailing nila.
"Kami naman ang mapapagalitan niyan ineng, hindi talaga puwede, sige na umalis kana, bumalik ka na lang sa Monday."sagot nila sa akin na ikinatigil ko. Akmang aalis na sana ako sa harap nila ng biglang dalawang students ang dumating sakay ng Isang motor.
"Saan kayo pupunta?"tanong ng naka white na guard sa kanila.
"Ah, Kay Ma'am Gonzaga po, sabi niya sa loob namin siya hintayin." Sagot ng isang student sabay tango ng guard at papasok sa kanila sa loob na ikinailing ko.
"Manong bakit sila puwede? Sige na po hihintayin ko lang naman si Sir sa loob, sige na po."pagpupumilit ko sa dalawang Guard agad naman nilang hinarang ang dalawang kamay nila sa akin para hindi ako makadaan.
"Hindi nga kasi talaga puwede, iba naman yong pinunta ng dalawang yon dito, umuwi ka na ineng uulan na at sigurado mababasa ka diyan."utos nila sa akin na ikinatingin ko sa langit.
Mukhang tama nga sila, uulan nga, pero paki ko, kailangan ko sundin ang sinabi ni Sir, baka pag Monday pa ako mag papirma sa kanya, sabihin niya hindi ako marunong sumunod sa utos niya, at worst hindi na niya ako pirmahan kaya taas kilay akong humarap sa dalawang Guard. "Fine, maghihintay ako dito, kung ayaw niyo ko papasukin sa loob dito ako maghihintay sa pagbabalik niya."saad ko sa kanila na ikinagulat nila. Akmang hahawakan sana ako ng Isang guard ng biglang bumuhos ang malakas na ulan na ikinatigil ko.
"Ineng! Umuwi ka na mababasa ka!"sigaw ng naka uniform sa akin na guard na ikinailing ko.
"Hindi! Alam ko babalikan niya ako dito, maghihintay ako dito, hindi ako aalis dito!" Sagot ko sa kanila na ikinailing nilang dalawa pareho.
"Hays, jusko kang bata ka, hali ka dito sumilong ka na."utos sa akin ng naka polong guard na ikinangiti ko akmang pupunta na sana ako sa kanila ng biglang isang sasakyan ang dumating na ikinatingin ko doon.
Aries?
"What happened here?!"Galit na tanong niya sa dalawang Guard agad naman siyang sinagot ng dalawa na ikinatingin niya sa akin.
"S-Sir."mahina kong tawag sa kanya sabay lapit niya sa akin basang basa na ko sa ulan pero ramdam at kitang kita ko ang mga hakbang niya papunta sa akin.
Nakayuko ako kanina, pero ng nakita ko na ang mga tingin niya na malamig na nakatingin sa akin ay napatingin na lang ako ng seryoso sa kanyang mga mata hanggang tuluyan na siyang makalapit sa akin.
And then he spoke ever so cold.
"Hello, love. What are you doing here baby?!"
Baby? Love? Sure na yan Aries?! Hello everyone, ano sa tingin niyo ang plano ni Aries sa ating Ayla? Share your idea sa comment section. Happy reading and good morning everyone.(。♡‿♡。)
Hart Moon
BINABASA MO ANG
My Yesterday's Moonlight (Yesterday #1)
Romance(COMPLETED) (UNEDITED) Professor x Writer Ayla Lucia Del Rios, 22 years old, 4th year college and the nobody, loner, quiet girl in town.Ang babaeng Iba sa lahat ng babae (Strong and Brave) ika nga nila. Sanay na harapin ang lahat ng bagay ng mag-is...
