Kabanata 43

2.2K 46 6
                                        

Hindi ko alam kung anong nangyari tatlong araw na nakakalipas, ang huli ko lang natatandaan ay kasama ko si Aries, pagkatapos sinabi niya na walang mangyayari sa akin, lalo na at kasama ko siya pero pagkatapos no'n wala na kong maalala, gumising na lang ako nasa kwarto na ako na tinutuluyan namin ni Flor, at tapos na ang masquerade ball, gusto ko man itanong kung nasaan si Aries sa oras na yon ay nawalan na ako ng lakas tsaka ayaw ko isipin niya na assuming lang ako para isipin na mananatili siya sa tabi ko hanggang magising ako.

"Omggg girlllluuu, ang gandaaaa mo, at isa pa excited na ko makita ka mamaya."masayang sabi ni Flor habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa pero imbis sumagot ako sa kanya ay ngumiti na lang ako na ikinataas naman ng kilay niya.

"O, anong tingin na naman yan? Don't tell me hindi ka excited? Girl paalala ko lang sayo bukod sa birthday mo ngayon, ito na yong pinakahihintay mo heler, release na ng book mo ngayon at higit sa lahat booksigning mo pa, kaya bakit parang malungkot ka?"takang tanong niya sa akin.

"Masaya ako, sobrang saya ko, pero kasi..."

"Kasi ano?"

"Kinakabahan ako, natatakot."sagot ko sa kanya na ikinasimangot niya lalo.

"Baliw, bakit ka naman natatakot aber?"

"Paano kung walang pumunta?"tanong ko sa kanya sabay tawa niya.

"Baliw ka na talaga, heler, ikaw yan, kaya imposibleng walang pumunta 'no tsaka isa pa sabi nga sayo ng diamond publishing na sold out yong 2000 copies na ginawa nila tapos walang pupunta? Heler baliw ka na talaga."sagot niya na ikinatahimik ko na lang magsasalita pa sana siya ng biglang bumukas ang pinto kung nasaan kami sabay pasok nila Mama, Papa pati na rin si Kuya na siyang escort ko ngayon.

"Happy birthday princess."bati ni Dad sa akin sabay ngiti ko sa kanya.

"Thank you po."

"Happy birthday Anak, masayang masaya ako para sayo."bati naman ni Mama sa akin sabay yakap ko sa kanya.

"Thank you Ma, salamat po sa lahat."

"Proud na proud kami sayo, sobrang proud na proud kami."Aniya sabay tulo ng mga luha ko na ikinangiti nila.

"Happy birthday and Congratulations Ayla."bati naman ni Kuya sa akin kaya agad akong lumapit sa kanya para yakapin rin siya.

"Salamat Kuya, salamat sa inyong lahat, kung wala kayo malamang hindi ko na nakaya, malamang matagal na akong sumuko."

"Na siyang hindi namin papayagan Anak, yong regalo namin ng Mama mo sayo mamaya na ha, pero don't worry handang handa na yon, tanungin mo na lang ang Kuya mo kung nasaan yong sa kanya.

"Ako pa ba mawawalan ng regalo sa nag iisa kong kapatid? Don't worry baby, ready na rin, sa ngayon tara na at baka ma late ka pa sa event mo, this is it Love, oras mo na ito na, proud na proud kami sayo."aniya na ikinangiti ko na lang.

Sa kabila ng mga masamang nangyari sa nakaraan ko masaya pa rin ako at may pamilya ako na handa akong saluhin sa lahat ng bagay, mga kaibigan na handa akong kampihan sa lahat ng oras, masaya pa rin ako at nakaya kong mabuhay para sa kanilang lahat.

Isang oras rin ang byahe namin patungo sa Robinsons CDO kung saan gaganapin ang booksigning na nilaan sa akin ng Diamond Publishing House na may hawak ng kuwento kong The Midnight Damsel. Pagdating na pagdating pa lang namin doon ay ramdam ko na ang mga tingin ng lahat lalo na ang mga taong nandito sa loob na may hawak na libro ng TMD.

"Omg, daming tao girl, sabi ko na e, puno tong mall ngayon."saad ni Flor dito sa tabi ko na ikinatingin ko sa kanya.

"Pero malay mo, bumibili lang yan."sagot ko sa kanya.

My Yesterday's Moonlight (Yesterday #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon