Kabanata 11

2.3K 37 4
                                        

Parati kong sinasabi sa sarili ko na kaya ko, kaya ko kahit sobrang sama na ng pakiramdam ko, kaya ko kahit hirap na ako, kaya ko kahit ako lang mag isa, pero marahil tama nga si Sir, kahit gaano mo pa sabihin na kaya mo bibigay at bibigay ka talaga at masasabi mo na lang na hindi mo talaga kayang mag isa, na kailangan mo rin ng mga taong susuportan ka, kailangan mo ng kasama. Tulad na lang kay Sir Aries ngayon, pinaparamdam niya sa akin na hindi ako nag iisa, pinapakita niya sa akin ang liwanag ng buwan pero natatakot ako sa sayang binibigay niya, oo pinapasaya at pinapangiti niya ako, pero nakakatakot ang sayang ito, ayaw kong masanay, tapos sa huli uuwi rin akong luhaan.

Naging normal ulit sa dati ang lahat sa university pagkatapos ng anniversary week namin, maliban na lang kay Sir Aries na hatid sundo ako sa school at bahay na siyang nakasanayan ko na rin sa Isang linggong lumipas.

"Saan na naman date mo ngayon babae at busy na busy ka?"takang tanong dito ni Flor sa tabi ko.

"Wala akong date, at busy ako sa acads wala akong time diyan."

"Ayses, don't me girl, alam naman natin pareho na hatid sundo ka ni Prince charming e, kaya ang tanong ano na bang status niyo? May improvement na ba? Anong level na kayo?"nang aasar na tanong niya.

"Shut up Flor, pag sinabing wala, wala."

"Tss, ayaw mo lang mag share e, basta ha, pag kayo na ako dapat una maka alam ha, ako dapat ha."Aniya na ikinailing ko na lang.

"Gutom lang yan, kain na tayo."Yaya ko sa kanya sabay tango niya.

"Buti pa, baka pag nabusog ka mag share kana, let's go."aniya sabay lakad sana namin palabas ng room ng biglang tumunog ang cellphone ko agad ko naman tiningnan kung sino ang tumatawag at ng lumabas ang pangalan ni Sir Aries sa screen ay siyang ikinatili naman ng katabi ko ngayon.

"Ackkkk, sabi ko na nga ba may improvement, may pa check na sa isa't isa e, Sige na sagutin mo na, isipin mo na lang invisible ako dito, kung nahihiya ka."aniya na ikinatahimik ko na lang sabay sagot ng tawag ni Sir.

Yes Sir?

Hi, kumain kana?"

"Kakain pa lang po kami ni Flor Sir."sagot ko sa kanya habang nakatingin kay Flor na ngayon ay ngiti ng ngiti kala mo naman may kumikiliti sa kanya.

"Then good, sabay sabay na tayong tatlo, hintayin ko kayo sa parking see you."Aniya na ikinagulat ko.

"But Sir....

"I don't accept rejection Ayla Lucia, hali na kayo at bawal paghintayin ang pagkain, don't worry kung ayaw mong ilibre ko kayo fine, basta sumabay lang kayo sa akin."putol niya sa sasabihin ko na ikinatahimik ko na lang.

"Okay po."

Pagkatapos na pagkatapos kong sabihin yon ay agad ko ng ini off ang tawag, ni hindi ko na siya hinintay sumagot dahil sa nagmamadali na rin talaga ako, gutom na gutom na talaga ako kaya wala akong nagawa kanina kundi mag okay, tutal sabi niya naman kami ang magbabayad ng pagkain namin kaya wala akong problema kahit magsabay pa kami sa pagkain.

"Tara."wika ko kay Flor.

"Saan na tayo?"tanong niya.

"Parking."

"And why?"

"Hinihintay tayo ni Sir."sagot ko sa kanya na ikinatingin niya sa akin sabay ngiti ng napakalapad.

"Hoy, don't me, talagang isasama niyo ako sa date niyo?"

"Gaga, hindi yon date, at mas lalong walang date na mangyayari, tayo ang magbabayad sa kakainin natin at hindi siya okay gets?"saad ko sa kanya na ikinataas ng kilay niya.

"What the hell, seriously Ayla Lucia?! Walang kaso sa akin kung tayo ang magbayad pero talagang wala lang para sayo ang pagyaya ng isang Aries Cena omg ka friend, alien ka ba ha? Kung ibang babae yan for sure kinikilig na dahil sa pagyaya ni. sir, pero Ikaw normal lang sayo? Talaga lang ha?! "Tanong niya na ikinailing ko na lang.

"Sila yon, hindi ako."

"Ayses, iba talaga ang haba ng hair ng binigyan na ng assurance edi sana all na lang ako here, don't me."aniya sabay lakad namin ng sabay sa parking.

"Hi Sir."bati ni Flor kay Sir pagdating namin sa parking kung saan kami hinintay ni Sir.

"Hello Flor."

"Sir, sigurado ka bang gusto mo tong kaibigan ko ha? Baka nagkakamali ka lang ha Sir, you know Alien kasi 'to kaya natanong ko."tanong ni Flor kay Sir kaya agad ko siyang pinalo sa braso niya na ikinadaing niya.

"A-aray, tingnan mo nanakit lang bigla bigla Sir, kaya naninigurado lang ako, malay mo nagkamali ka lang.

Tumawa naman si Sir sa tanong ni Flor bago siya tumingin sa akin ng seryoso. "Don't worry Flor, minsan lang ako magseryoso sa buhay ko, at alam kong sigurado na ako dito, siguradong sigurado."

"Ayiettt, sa inyong dalawa nilalanggam na ako dito sa ka sweetan niyo, wag niyo na akong inggitin."saad ni Flor na ikinailing ko na lang kita ko naman ang pagngiti ni Sir bago niya kami pagbuksan ng pinto ni Flor, akmang papasok rin ako sa likod kung saan umupo si Flor ng bigla akong tiningnan ni Sir ng seryoso na siyang ipinagtaka ko.

"Bakit po?"

"Sa tabi kita, doon sa harap."

"Pero Sir.....

"Sige na babae, para naman may makausap si Sir."wika rin ni Flor na siyang ikinatingin ko kay Sir na mukhang hinihintay akong sumunod sa kanya.

"Nakakahiya po Sir, dito na lang po ako."saad ko sa kanya na ikinangisi niya.

"Isang linggo na kitang hatid sundo, ngayon ka pa mahihiya dahil nandito si Flor, don't tell me nakaka pasok na ako sa sistema mo Lucia tama?"tanong niya na ikinatigil ko.

"Ah, eh, tara na po."sagot ko na lang sa kanya sabay punta sa tabi ng driver seat ni hindi ko na siya hinihintay pagbuksan ako dahil sa kaba na nararamdaman ko ngayon dahil sa tanong niya.

"Ayan kasi tanong pa, na back to you ka tuloy."biglang bulong ni Flor sa tenga ko na ikinataas ko na lang ng kilay sa kanya sabay tingin ko sa harap ng sasakyan ni Sir kung saan isang frame ang bumungad sa akin at doon ko lang napagtanto kung ano ang laman ng frame Isang lettering ng.....

"The Midnight Damsel."

"Paano?"sambit ko sabay tingin ko kay Sir na nakatingin na rin sa akin ngayon.

"I know Lucia, I know."

What the fudge! How? Ghad, Aries anong ginagawa mo sa akin?!

Hart Moon

My Yesterday's Moonlight (Yesterday #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon