Kabanata 16

1.9K 35 6
                                        

Isang linggo matapos kong sagutin si Aries ay masasabi ko na totoong masaya ako, pinaparamdam niya sa akin ang mga pakiramdam na noon pa man hindi ko naramdaman kahit sa mismong loob ng bahay namin, pero kahit ganoon alam kong hindi pa ito pwede maging basihan kung tama ako desisyon ko, narito pa rin yong takot na baka iwan niya rin ako tulad ng huling ex ko, iniwan ako dahil hindi niya ako magawang maipagmalaki sa ibang tao.

"Ano na naman yang iniisip mo?"biglang tanong ni Flor sa akin dito sa tabi ko, buti na lang nasa likod kami at hindi kami pansin ni Ma'am Kc na mag tuturo na sa harapan namin ngayon kundi patay talaga kami dahil sa lakas ng boses ng babaeng katabi ko ngayon.

"Wala."

"Wala? Pero ang layo na naman ng tingin mo? Bakit nag away kayo?"tanong niya na ikinatingin ko sa kanya sabay ngiti niya.

"Wala, hindi kami nag away."

"Kung hindi kayo nag away, edi anong iniisip mo?"takang tanong niya.

"Iniisip ko lang kung tama ang desisyon ko na sinagot siya."sagot ko sa kanya na ikinataas ng kilay niya.

"Gaga ka rin talaga, malamang tama gusto mo yong tao e, tsaka bakit mo ba iniisip yan? Heler Ayla Lucia, araw araw na pinaparamdam sayo ng tao kung gaano ka niya ka gusto."Aniya na ikinatahimik ko.

"Yon na nga e, kaya nga nag iisip ako ngayon, Flor, alam mong mahirap ako intindihin ikaw nga lang na kaibigan ko minsan nahihirapan na akong ihandle siya pa kaya? Paano kung mapagod siyang intindihin ako? Paano kung dumating yong oras na may makilala siya na ibang iba sa katulad ko, yong hindi overthinker, yong maganda ang katawan, walang kapintasan, paano kung dumating yong oras na yon tapos attached na attached na ako? Flor, hindi ko kaya."saad ko sa kanya na ikinatingin niya sa akin ng seryoso.

"Simple, accept the fact the pinagtagpo lang kayo at hindi itinadhana, kasi wala na tayong magagawa kung darating talaga ang oras na yan, alang naman pigilan natin si tadhana diba? E wala naman tayong powers para gawain yan, pero hanggang hindi nangyayari yan, paniwalaan mo yong galaw at salita niya kasi ngayon Ayla ang nakikita ko sa kanya, totoong mahal ka niya, hayaan mo naman sana buksan ang puso mo na maniwala ulit sa pagmamahal kasi hindi porket iniwan at pinagpalit ka ng una ay yon rin ang gagawain niya."

"Pero kasi...

"Pero ano? Person With Disability ka? Nandiyan ka na naman sa kapansanan mo, Ayla, ang totoong nagmamahal kahit ano ka pa, kahit ano pang kulang sa katawan mo sobra sobra ka pa sa kanya, dahil para sa pusong nagmamahal, walang pisikal na anyo ang namamagitan kung mahal ka niya mahal ka niya talaga.
At base sa nakita ko kay Sir, he really love you more than you think Ayla, and all I can say is that accept his love, because you deserve to be happy."Aniya na ikinatahimik ko na lang.

Natapos ang klase ni Ma'am na puro kwentuhan lang kami ni Flor ng akmang palabas na kami ng classroom ng biglang pinigilan kami ni Sascha.

"Guys, wait."Aniya sabay abot sa amin ng Isang invitation.

"Birthday invitation?"takang tanong ni Flor.

"Yup, lahat ng klase invited, punta kayo ha, aasahan ko kayo."saad niya sabay alis niya na sa harap namin kaya agad kaming nagkatinginan ni Flor akmang magsasalita sana siya ng biglang nag ring ang phone ko kaya agad Kong tiningnan kung sino ang nag text ng nakita ko ang name ni Sir Aries sa screen ay tiningnan ko muna si Flor na ngayon ay nakataas na ang kilay na nakatingin sa akin.

"Di mo pa rin pinapalitan pangalan niya sa phone mo?"tanong niya sabay tango ko.

"Hindi kasi ganoon kadali."sagot ko sa kanya na ikinataray niya.

"Tsk, sinabi mo e, sige na basahin mo na baka importante yan."saad niya sabay tango ko.

Pagkatapos na pagkatapos sabihin yon ni Flor ay agad kong binuksan ang text ni Sir.

From : Sir Aries

See you love, nasa parking na ako sabay na tayo mag lunch.

To: Sir Aries

Sige.

"Flor tara na nasa parking na daw si Sir."saad ko kay Flor pagkatapos kong I text si Sir.

"Let's gooo, basta libre niyo ko lovers."sagot niya sabay hila niya sana sa akin sa labas ng biglang..

"Flor."

"Ay pres, Ikaw pala."

"Pinapatawag ka daw ni Ma'am Gonzaga regarding sa school publication."ani ng president kay Flor na ikinatingin niya sa akin.

"Ay, putik oo nga pala nakalimutan ko sige susunod ako pres."sagot niya dito sabay tango Naman ng SSC president namin.

"Ayla, kayo muna ni Sir mag lunch may lunch meeting pala yong mga student publisher ngayon nakalimutan ko."paalam niya sa akin na ikinatigil ko.

"Pero..."

"Asus, wag mo sabihin na nahihiya ka pa rin sa kanya? Girl, tulad nga ng sinabi ko, boyfriend mo na siya hayaan mo naman sana makapasok siya ng tuluyan sa puso mo."Aniya akmang sasagot pa sana ako sa kanya ng bigla siyang tumakbo palayo sa akin kaya no choice ako kundi pumunta mag isa sa parking lot tumitingin tingin pa ako sa paligid kung may tao bago tuluyan lumapit at pumasok sa loob ng sasakyan ni Sir.

"Sir."tawag ko sa kanya sabay tingin niya sa akin ng nagtataka

"Ayos ka lang? Mukhang hinihingal ka."tanong niya sabay tango ko.

"Ayos lang, tumingin tingin lang ako sa paligid baka may makakita sa akin mahirap na."sagot ko sa kanya na ikinataas ng kilay niya sa akin.

"And what's wrong about that Lucia? Kinakahiya mo ba na boyfriend mo ko?

Boyfriend moko? Bakit parang ang sarap pakinggan?

"Hindi naman sa ganoon."sagot ko sa kanya.

"Kung hindi e, bakit parang yon ang nararamdaman ko?"tanong niya sabay iling ko.

"Sorry, natatakot lang ako."mahina Kong sagot sa kanya agad niya naman hinawakan ang kamay ko na ikinatingin ko sa kanya.

"Shh, it's okay, like what I said always Love, as long you are with me, wala kang dapat ikatakot, dahil wala akong pakialam sa ibang tao at kung sa anong sasabihin nila tungkol sa atin dalawa, kasi ang nag iisang concern ko lang ay ikaw at wala ng iba, ikaw lang, kaya hayaan mo na sila ang importante tayong dalawa naintindihan mo?"

"Pero, paano yong trabaho mo?"tanong ko sa kanya.

"Marami akong pwedeng maging trabaho Ayla at kung kailangan ko umalis sa pagka teacher makasama ka lang ay gagawain ko, tulad ng sinabi ko handa akong talikuran lahat ng 'to makasama ka lang na babaeng mahal ko, mahal kita Lucia, mahal na mahal.

Aries..

Hart Moon

Happy birthday to me, sana ma enjoy niyo ang chapter na ito.<3

My Yesterday's Moonlight (Yesterday #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon