Kabanata 31

1.9K 44 5
                                        

Hindi pa rin nagising hanggang ngayon si Mama na siyang pinag aalala ko dahil hindi pa rin maalis alis sa isip ko yong sinabi ng Doctor niya kanina Brain Tumor? Bakit? Bakit kinailangan niyang itago sa akin lahat?

Tapos kanina I wanted to to kill myself, hindi ko alam kung paano ako dumating sa punto na gusto ko na lang magpasagasa sa mga sasakyan na dumadaan, marahil sa pagod na pagod na talaga akong mabuhay, marahil sa hindi ko na talaga kayang mabuhay pa, pero kailan ba pumabor sa akin ang mundo? Handa na akong tumawid kanina kung saan maraming mga sasakyan ang dumaan ng biglang dumating ang lalakeng yon para pigilan ako, at tulad ng sinabi niya kanina na nagpagulo sa isip ko, buhay pa si Mama, buhay pa siya, pero paano ako lalaban kung hanggang ngayon hindi pa rin siya gumigising kung hanggang ngayon tulog pa rin siya at walang malay?

"Ma'am."tawag ng kung sino sa akin na ikinatingin ko sa harap ng pintuan ng kwarto ni Mama.

"Ah, kayo po pala."sagot ko sa kanya sabay yuko sa kanya malaki ang pasasalamat ko sa kanya at dinala niya ako dito kanina, at yong perang iniwan niya kanina sa ma'ma perang sobrang laki ng maitutulong sa akin at sa Mama ko.

"Akala ko po umalis na kayo?"takang tanong ko sa kanya sabay ngiti niya.

"Yes, kanina, pero bumalik rin kami agad ng amo ko dahil gustong gusto ka na niya makilala at ng anak niya kung ayos lang daw sayo?"

"A-amo niyo po? Yon ba yong sinabi mong nakakita sa Mama ko?"tanong ko sa kanya sabay tango niya.

"Yes."

"Pero bakit po pati anak niya gusto ako makilala?"takang tanong ko sa kanya na ikinatahimik niya sabay ngiti niya sa akin.

"Mas mabuting sila na lang ang magsabi sayo ng rason, ang tanging masasabi ko lang ay ang kagustuhan nilang makita ka na."sagot niya na ikinatahimik ko.

Nalilito at nagtataka pa rin sa ako tinutukoy niya lalo na at pati ang anak ng amo niya, gusto akong makilala, pero bakit? Anong dahilan? Dahil sa sinabi ng lalakeng yon ay naalala ko na naman yong lalake na pinigilan ako sa gagawain ko kanina, posible kayang yong anak ng lalake na gusto akong makilala at yong lalakeng tumulong sa akin kanina ay iisa, pero hindi imposible. Kahit nagtataka at nalilito pa rin ako sa tinutukoy ng lalake na ngayon ay sa nasa harap ko ay pumayag pa rin akong makilala yong mga tinutukoy niyang tao dahil kahit papaano may utang pa rin ako na pasasalamat sa kanilang ginawa para sa Mama ko.

"Handa kana?"tanong ng lalakeng 'to sa akin ngayong nasa lobby na kami sa hospital.

"Opo."sagot ko sa kanya na ikinangiti niya.

Hinintay ko pa siyang sumagot sa sinabi ko sa kanya ng lumipas na lang ang sampung minuto ay hindi pa rin siya nagsasalita kaya akmang tatapusin ko na ang katahimikan ng biglang isang boses ang pumukaw sa akin mula sa likuran.

"Ayla."

"Sir."tawag ng lalake sa Isang medyo may edad na lalake na ngayon ay nasa harap ko mukhang mayaman nga talaga siya dahil mahahalata mo na ito agad sa pananamit niya ang nakakagulat lang ay bakit kilala niya ko?

"Ah, kayo po ba yong tumulong sa Mama ko?"deritso kong tanong sa kanya na ikinatingin niya sa akin mula ulo hanggang paa.

"Yes, iha, o told Mike my bodyguard na kunin ka sa inyo para malaman ang nangyari sa Mama mo."aniya na ipanagtaka ko.

"B-bakit po? No offense po, nagpapasalamat po ako sa tulong niyo kay Mama malamang kung wala kayo sa lugar kung saan siya nahimatay, malamang, wa-wala na siya sa akin ngayon, pero po nagtataka lang po ako, ba-bakit niyo po ako kilala?"

"I don't know how to say this, ayaw kitang biglain, sobrang dami mo ng iniisip para biglain pa kita sa mga bagay na ganito, I want you to rest first iha, then if the time is already right, I will tell you."sagot niya na mas lalong pinagtaka ko akmang magsasalita pa sana ako ng biglang isang boses na naman ang pumigil sa akin.

"Why Dad? Are you afraid na hindi ka niya matanggap?"

"Ikaw?"takang banggit ko sa kanya ang lalakeng pumigil sa akin sa dapat kong gagawain kanina, ang lalakeng gumising sa nahihirapan kong puso kanina, pero bakit siya nandito? ibig sabihin iisa lang sila ng anak na tinutukoy ng bodyguard ng lalake ngayon na nasa harap ko?

"Yes, it's me, hi little sister it nice to finally meet you."sagot niya na ikinatigil ko.

"Si-sister?" Takang tanong ko sabay tingin ko sa lalakeng tinawag niyang daddy kanina.

"Xyvien, what are you doing here iho?!"mahina pero may diin na tanong ng lalake sa kanya.

"Ayaw mo kasing sabihin sa akin kung sino yong kapatid ko, kaya I make my move, I follow you, and thanks God because I did that dahil hindi ko lang nakilala yong kapatid ko na tinatago mo, ay napigilan ko pa siya sa takang pagpapakamatay niya kanina."sagot niya dito sabay tingin niya sa akin ng seryoso.

Anong sinasabi nila? Sinong tinutukoy nila? Ako ba?

"What do you mean iho?"takang tanong ng lalake.

"I think, siya dapat ang tanungin niyo yan, diba Ayla? Sis? Come on sabihin mo sa daddy natin kung anong ibig sabihin ng sinasabi ko sa kanya ngayon."Aniya na ikinagulat ko.

"Daddy?"tanong ko sa kanya sabay tingin ko sa lalake na tinawag niyang daddy akmang lalapit sana sa akin ang lalake ng bigla akong umatras na ikinatigil niya.

"Daddy? Anong sinasabi niya? Sinong daddy?!"sunod sunod kong tanong sa kanilang dalawa habang salitsalitan silang tiningnan pero ni isa sa kanila walang nagsasalita.

"Anong daddy? Sumagot kayo! Anong daddy?! Anong sinasabi niya?!"sigaw ko sa kanila na ikinatingin ng lalake sa akin.

"Let me explain Ayla."aniya na mas lalong pinagtaka ko.

"Explain? Ano pong ibig niyong sabihin? Hindi ko po kayo maintindihan, wala po akong maintindihan."sagot ko sa kanya habang paatras ng paatras palayo sa kanilang dalawa ng anak niya.

"I'm sorry, let me explain, sasabihin ko...."

"Hi-hindi."

Imposible yon, malabong mangyari yon, hindi pwede, hindi...

"Ayla please hear me."

"Hi-hindi, a-ayaw ko, sino po ba talaga kayo, hinahanap na ko ni Mama aalis na po ako."naauutal kong sagot sa kanya habang umiiyak akmang tatalikod na sana ako sa kanila para umalis sa harap nila ng biglang nagsalita siya na ikinatigil ko.

"I'm your Father Ayla, ako ang Tatay mo."

Hart Moon

My Yesterday's Moonlight (Yesterday #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon