Isang linggo na ng nakakalipas simula ng araw na niligtas ako ni Sir sa mga bully at ang masasabi ko lang simula ng araw na yon mas lalo pa siyang naging hands on sa akin, minuto minuto niya akong tinetext kung okay lang ba daw ako, at may isang beses pa na tinawagan niya ako pero dahil sa may meeting kami hindi ko nasagot ang tawag niya kaya agad agad niya akong pinuntahan para tingnan kung okay lang, nong una nag taka ang mga classmates ko kung anong ginagawa ng philosophy professor namin samantalang hindi niya naman schedule sa amin buti na lang at magaling siyang mag palusot kaya nagawan niya ng paraan.
"Girl, okay ka lang? Parang hindi ka enjoy sa Christmas Festival ha."salubong ni Flor sa akin pagdating na pagdating ko sa gym kung saan ginaganap ang unang part ng Christmas Festival namin.
"Wala, may iniisip lang."sagot ko sa kanya kaya agad niya akong tiningnan mula ulo hanggang paa na tila hindi naniniwala sa sinasabi ko.
"Yong totoo?"tanong niya.
Kaya agad ko naman siyang tiningnan ng seryoso kung saan nginitian niya naman ako na tila ng aasar.
"Ano na namang ngiti yan?"tanong ko sa kanya.
"Ngiting hindi naniniwala sayo, ikaw ha akala mo hindi ko alam may tinatago ka sa akin gusto ko sanang baliwalain yon pero yong ngitian niyo ni Sir ng mga nakaraang araw ibang iba na ha, so aminin mo na sa akin? Ano ba talagang meron sa inyo?"tanong niya sa akin na ikinatahimik ko akmang sasagot na sana ako sa kanya ng biglang nag vibrate ang phone ko kaya agad kong tiningnan kung sino ang text at laking gulat ko na lang na si Sir Aries ang nag text kaya agad akong binalik ang tingin kay Flor na ngayon sobrang laki na ng ngiti.
"Sa likod pala ng school ha now I know, I really smell something fishy."Aniya na ikina taas ko ng kilay sa kanya.
"Hindi yan, ganito kasi..."
"Shhhhhhh, don't worry girl I understand okay lang naman sa akin tsaka matanda kana, ang akin lang naman noon pa e, yong happiness mo, at kung sa kanya mo yan mararanasan, kung sa kanya mo makikita yong saya na hindi mo pa nakita noon, e hindi na ako hahadlang. Basta lang yong sinabi ko sayo bago ka pumasok sa isang relasyon ulit sana handa ka ng harapin lahat, at sana matapang ka ng ipaglaban ang nararamdaman mo you really deserve to be happy Ayla, and all I want is your happiness, a genuine happiness kasi mabuti kang tao."
"Flor."
"O, wag mo ko simulan, tara na hindi ako papayag na hindi ko makita ang inihanda sayo ng isang Aries 'no."putol niya sa sasabihin ko sabay hila niya sa akin papunta sa likod ng school.
"Omggggg ka girl, yong favorite Ppop mo bgyo."kinikilig na saad ni Flor na siyang nagpatingin agad sa akin sa harap ng stage kung saan agad akong natulala dahil sa limang lalake na ngayon ay nasa harap namin may hawak na mic. Kaya kahit anong hinhin ko ay hindi ko napigilan mapasigaw dahil pangarap ko lang noon na makita sila pero ngayon eto na finally.
BGYO, BGYO......sigaw ko sa utak ko sabay tingin sa stage para tingnan ulit sila pero laking gulat ko sa lalakeng lumabas sa likod nila nila ngayon si si si si..
Aries.
"Okay good afternoon two beautiful ladies, Christmas Festival sa inyo salamat sa pag punta and thank you sa Isang malapit na kaibigan namin dito. Aries pre, kung sino man sa Inyong dalawa ang ma swerteng babae na nagugustuhan niya dito sa school maari ka bang ngumiti binibini!"announce ni Kapitan Gelo na naging dahilan ng tili ni Flor dito sa tabi ko. Ng bigla akong hinila ni Flor palapit na siyang dahilan kung bakit ako pinagtinginan ng members Ng BGYO.
"So you're the lucky girl? Ms. He said you are one of our fan, isa ka daw ACEs?"baba ni Mikki sa puwesto ko sabay tanong sakin kaya hindi ko mapigilan kiligin at dahil sa kilig ko na yakap ko siya.
"Thank you sa pagmamahal mo samin, but you know swerte mo Kay Aries if ever na sagutin mo siya, he's a good man and for you, para sa inyo may inihanda kami, and all of that because of the man here Aries Cena ......."saad ni Mikki sabay tingin ko Kay Aries na ngayon ay nakangiti kaya ngiti rin akong humarap sa kanya agad naman bumalik si Mikki sa stage sabay ng pag tunog ng music nila.
Kundiman, kundiman, kundiman
Kundiman, kundiman, kundiman
Kundiman, kundiman, kundiman
BGYOOO......sigaw ko habang naiiyak at ginagala ang mata ko para hanapin si Aries ng biglang lumabas siya galing sa backstage at kanta niya ng Kundiman
Grabe nakakakilig ang ganda ng boses ng prince charming mo girl ah....."saad ni Floe
"Sana all na lang talaga..."dagdag niya pa ako naka ngiti lang sasagot sana ako sa kanila ng biglang dumating si Aries dito Sa harap ko habang hawak ang mic niya at Kanta pa rin ng BGYO sa harap.
"Para sayo."Ani niya sabay abot sakin ng mga Dala niya at laking gulat ko sa mga bigay niya dahil lahat ng ito...
Paborito ko....
"Paano?"tanong ko sa kanya.
"Like what I said my girl, I'm a fan alam ko lahat ng gusto mo at pangarap"sagot niya sabay hawak Niya sa kamay ko at Hila Niya sakin sa harap kasama ng mga BGYO agad naman akong kinamayan ng mga members nila sabay abot ni Nate sakin ng mic kaya agad ko naman itong tinanggap ng nakangiti sabay kanta kasama nila.
Now, the stage is yours brother Aries, ask your girl go."saad ni JL Kay Aries sabay tingin sakin ni Aries.
"I know hindi ako magaling kumanta at sumayaw tulad nila. "
Anong hindi? E, kasing galing mo nga sila para kang si Akira. Duh.
"I know wala akong maipapangako sayo, alam ko kung gaano ka katakot pumasok ulit sa isang relasyon pero gusto ko lang malaman mo na nandito ako, sa bawat araw na nawawalan ka ng tiwala sa sarili mo, nandito ako, sa bawat araw na hirap ka ng mabuhay sa mundo na 'to nandito ako at sa bawat araw na gusto mong umiyak at sa tingin mo mag isa ka lang nandito ako, nandito ako at araw-araw kong ipaparamdam at ipaalala sayo ang halaga mo, araw araw kong ipaparamdam sayo ang pagmamahal ko, at higit sa lahat araw araw kitang pipiliin sa mga oras na hindi mo na alam kung sinong kakapitan mo nandito ako, nakatayo lumalaban kasama mo.
"Aries..."
"And gusto ko lang itanong ito sa ngayon, sa harap ng best friend mo, sa harap ng favorite Ppop group mo, at sa harap ng diyos."
"Sir."
"Will you be my girl Ayla Lucia? Will you be my girlfriend?"
"Aries."
"Alam ko yong takot mo ngayon, pero sana kahit ngayon lang Lucia, sumugal ka kasama ako, kahit ngayon lang maniwala ka ulit sa kulay ng pagmamahal Ayla, kahit ngayon lang, will you be my girlfriend Ayla?"tanong niya ulit sabay tingin ko kay Flor na nakataas na ngayon ang kamay na tila sang ayon siya kaya binalik ko ulit ang tingin ko kay Sir Aries ngayon na naghihintay ng sagot ko kaya agad akong tumango sa kanya na ikinagulat niya.
"Subukan natin Sir."saad ko sa kanya na ikinatigil niya.
"You mean?"
"Yes Sir, sinasagot na kita."sagot ko sa kanya sabay yakap niya sa akin na ikinagulat ko.
"Finally, salamat Ayla, pangako hinding hindi ka magsisisi, hinding hindi ako mawawala Ayla hinding hindi."Aniya na ikinangiti ko.
Sana nga Aries, sana nga ikaw na talaga, sana nga.
Belated Happy New Year everyone sorry sa mga late update, will update owning her soul soon, medyo busy lang sa practicum te amo mga palangga hoping for the best 2023 para sa atin lahat Godspeed.<3
Hart Moon
BINABASA MO ANG
My Yesterday's Moonlight (Yesterday #1)
Storie d'Amore(COMPLETED) (UNEDITED) Professor x Writer Ayla Lucia Del Rios, 22 years old, 4th year college and the nobody, loner, quiet girl in town.Ang babaeng Iba sa lahat ng babae (Strong and Brave) ika nga nila. Sanay na harapin ang lahat ng bagay ng mag-is...
