Kabanata 12

2.1K 40 0
                                        

"Paano niyo po nalaman Sir?"tanong ko agad kay Sir pagkatapos na pagkatapos niyang ihatid si Flor sa bahay nito, at kami na lang dalawa ang naiwan sa loob ng kotse niya, agad niya naman akong tiningnan dahil sa tanong ko na yon.

"Importante pa ba yon?"

"Importante Sir, sobrang importante, ayaw kong malaman ng tao kung sino ako, ayaw kong malaman nila kung sino ang nasa likod ni LuckyAvigail, sa likod ng librong The Midnight Damsel."saad ko sa kanya sabay tango niya.

"You really want to hide sa likod ng mga salita mo?"tanong niya na ikinatango ko.

"This is my only way to do what makes me happy, kung ang pagtatago sa likod ng obra ko ang magiging paraan ko lang para magawa ko ang gusto ko edi yayakapin ko ng buong buo ang pagtatago ko, hindi lang ako matigil sa ginagawa ko."

"Bakit ka matitigil?"

"Dahil baka oras na malaman nila kung sino ang nasa likod ng obra na yon ay iwasan nila ako, pandirihan nila ako, kaya mas mabuti na lang ito ngayon, mas mabuti na lang na hindi nila alam kung sino ang writer sa likod ng The Midnight Damsel."

"I really don't know what you want Lucia, but I will tell you this, believe in the magic you have within yourself."aniya na ikinatingin ko sa kanya ng seryoso.

"Sa taglay mong talento, dapat mo yang ipagmalaki, kung natatakot ka sa mga sasabihin nila sa physical appearance mo, sinasabi ko sayo wag, iba ka sa kanila Lucia, at yang pagiging iba mo sa kanilang lahat ang nagustuhan ko sayo, oo alam ko na Ikaw ang author ng The Midnight Damsel, actually aksidente ko lang siyang nalaman."Aniya sabay tango ko.

"Paano po?"

"The day, na nag pa check ka ng notebook sa akin, Ibang notebook ang napasa mo sa akin I think that notebook is your draft for that story, pero hindi ko sinabi sayo dahil na curious Ako kaya binasa ko siya, pero binigyan pa rin kita ng grades para do'n, and after that biglang dumaan sa Recommendation ko yong title ng story mo sa social media accounts mo kaya napa download ako agad ng wattpad at doon pa lang alam ko na, na Ikaw si LuckyAvigail, noon pa man Lucia sinusubaybayan na kita, kaya alam ko na malaman o makita man nila kung sino ang author sa likod ng The Midnight Damsel, buong puso ka nilang tatanggapin, dahil sa mga aral na nakukuha nila sa kwentong likha mo."aniya na ikinatahimik ko.

"Don't worry Lucia, wala akong pagsasabihan."wika niya na ikinatingin ko ulit sa kanya.

"Thank you po Sir."

"Alam ko na yon ang gumugulo sa isip mo ngayon, at gusto ko lang malaman mo na ligtas sa akin ang sikreto mo."

"Hindi ko po talaga kaya Sir, alam ko marami na rin sa kanila ang gusto makilala si LuckyAvigail, pero hindi ko po talaga kaya Sir."

"It's take time Lucia, and don't worry I know, and I understand, but one thing , if ever dumating ang araw na kaya mo ng humarap sa kanila, Just be yourself. Don't worry about their expectations, you know yourself already, and that's more than enough."

"Thank you po."wika ko sa kanya sabay ngiti niya.

"Ang daming thank you, iba naman kaya sabihin mo."Aniya na pinagtaka ko.

"Po?"

"Tomorrow is special none working holiday Lucia, wala rin kayong pasok."

"Bakit po?"

"Date."sagot niya na ikinatigil ko.

"Da-date? bakit? ba-bakit po ako?"takang tanong ko sa kanya na ikinangiti niya ulit.

"Bakit? Sino bang babaeng gusto ko? Meron pa bang Ibang Ayla Lucia Del Rios dito sa Pilipinas maliban sayo?"balik niyang tanong sa akin.

"Sir."

"Silly Lucia, ikaw lang no more explanation, noong sinabi ko sayo na gusto kita totoo yon walang halong biro, at kung balak mo sabihin sa akin na maghanap na lang ako ng Ibang gugustuhin, e manigas ka, dahil simula ng dumating ka wala ng iba, Ikaw na lang Lucia."

Aniya sabay tingin ko sa kanya ng seryoso akmang sasagot sana ako sa kanya ng bigla na siyang lumiko sa Isang iskina na alam kong malapit na sa amin, kaya imbis ipatuloy ko siya sa mismong looban namin ay ipanahinto ko na lang sa kanya dito sa tabi na mukhang ikinagulat niya.

"Sir, dito na lang po ako."

"You sure? Malayo pa sa inyo dito diba?"tanong niya.

"Yes sir, medyo magulo po ang looban kaya ko na po dito, wag po kayong mag aalala, walang masamang mangyayari sa akin dito."

"But...

"Trust me Sir, kilala ako ng mga tao dito, wala po silang gagawain sa akin."putol ko sa sasabihin ko sa kanya sabay tango niya.

"Fine, but if something happens, call me okay."aniya sabay tango ko.

"Opo, Sige na po."paalam ko sa kanya sabay bukas ko ng pinto niya ng bigla niya akong pigilan na ikinatingin ko ulit sa kanya.

"About what I said earlier, bukas Lucia."

"Opo sir, pumapayag po ako, text niyo na lang po ako."nakangiti kong sagot sa kanya na ikinangiti niya akmang sasagot pa sana siya ng bilis akong lumabas sa kotse niya sabay hawak sa dibdib ko na parang karera ng kabayo ngayon kung tumibok.

Wala naman sigurong masama kung pumayag ako diba? Tao lang ako, oo professor ko siya, pero kasi si Aries na yon, yong professor na pantasya ng lahat tatanggi pa ba ako sa grasya, kung grasya na mismo lumapit sa akin?! Pero seriously isang beses lang Lord, ngayon lang pangako, ngayon lang.

"Ayla nandiyan ka na pala."bungad agad sa akin ni mama pagdating na pagdating ko sa bahay nakalimutan kong nandito pala sila ngayon ni papa.

"Ah opo hi po Ma, si papa?"tanong ko agad sa kanya, akmang sasagot na sana siya ng isang barakong boses ang nagsalita.

"Tss, bakit hihingi ka na naman ng pera ha Lucia? Wala, kaya wag ka ng umasa."Aniya na ikinayuko na lang po.

"Hindi po, may ipon pa po ako, mag hehello lang po sana papa."

"Tss, may pa hehello ka pang nalalaman, kung maghugas ka na lang kaya ng plato diyan para naman kahit papaano may silbi ka."Aniya sabay tango ko. Akmang aakyat na sana ako sa kwarto ko para magbihis ng bigla akong pigilan ni mama na ikinatingin ko sa kanya.

"Pag pasensiyahan mo na ang papa mo iha, pagod lang siya."Aniya na ikinatingiti ko na lang sa kanya sabay akyat sa kwarto ko para magbihis at ng maka pag hugas na ako ng plato tulad ng utos ni papa.

Kaya mo yan Lucia, laban lang, laban lang....

"Ayla, ang Plato sabi."rinig kong boses ni papa mula sa labas akmang lalabas na sana ako ng biglang tumunog ang cellphone ko, kaya bago bumaba agad kong binasa kung sino ang nag text at laking gulat ko na lang sa taong bumugad sa messenger ko.

From: Sir Aries

Everytime I look at you, I can feel my endorphins increasing, smiling unconsciously.

Excited for tomorrow, my star, can't wait to see you. Je t'aime.

Hart Moon



My Yesterday's Moonlight (Yesterday #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon