Kabanata 42

2.1K 45 1
                                        

Warning: Sexual Harassment

"You look beautiful Ay."

Simpleng maroon casual gown lang ang suot ko ngayon, at medyo pinakulot lang ng hairstylist ang buhok ko. Light make up lang din ang nilagay nila sa mukha ko. Habang 3 inches heels ang pinartner nila sa gown na suot ko. Ni wala akong ka hilig- hilig sa lipstick, pero, dahil may okasyon ngayon nag lipstick ako ng matte. Habang suot- suot ko rin ang cross na hikaw at kwintas ni Mama.

"Wag mo'ko mabiro-biro Maby, masasapak kita."nakangiti kong sagot kay Maby dahil sa sinabi niya ngayon kakatapos ko lang magbihis para sa gaganapin na masquerade ball mamaya at nag volunteer siya na samahan ako dahil may pinuntahan pa si Flor.

"I'm not joking Ay, kailan ba ako nag biro lalo na sayo?"

"Aba! Ewan ko si Flor naman lagi mo kabiruan, tsaka isa pa nasaan na nga ba yon? Parang kanina pa yon wala."saad ko sabay tango niya.

"Baka nasa tabi tabi lang, alam mo naman yon mahilig maglialiw."aniya na ikinangisi ko.

"Kilalang kilala na ah, baka iba na yan Mab ha."asar ko sa kanya na ikinasimangot niya.

"Kung anong iniisip mo itigil mo yan Ayla, dahil malabong mangyari yan, hinding hindi ako magkakagusto sa amazonang kaibigan mo na yon."aniya sabay tango ko na lang.

"Okay, sabi mo e."

"Hindi nga sabi e."

"Defensive naman masyado Mab, hindi na nga ako kontra eh."

"Hindi pero tawa ng tawa, ngiti ng ngiti."

"Siyempre alang naman umiyak ako diba? O tsa tsa magbihis kana, hanapin ko lang si Flor."saad ko sa kanya.

"You sure? Gusto mo samahan na kita?"tanong niya sabay tango ko.

"Yes, tsaka importante na makabihis kana, dahil kayo ang unang tatawagin mamaya kaya sige na, ako ng bahala."sagot ko sa kanya sabay tango niya.

Paglabas ko sa dressing room ay agad akong pumunta sa kuwarto namin dalawa para tingnan kung nakabalik na siya pero wala pa rin siya doon hanggang ngayon kaya napagpasyahan kong pumunta sa hall way kung nasaan yong iba ng bigla kong naka salubong si Ma'am Maica.

"Good morning Ma'am."bati ko sa kanya sabay ngiti niya.

"Good morning Ayla, saan ka pupunta?"

"Hinahanap ko po si Flor."

"Si Flor? Parang kausap niya yong team niya kanina sa labas ewan ko na lang kung nandoon pa sila ngayon."sagot niya sabay tango ko.

"Ah, sige po salamat po una na po ako."paalam ko sa kanya sabay labas ng building para hanapin ang bruha kong kaibigan.

Ilang minuto rin akong naglalakad lakad para hanapin si Flor ng biglang may nakasalubong akong mga lalake na parang mga lasing akmang dadaan ko lang sila ng biglang kinausap ako ng Isa sa kanila.

"Mukhang nag iisa ka ata miss."saad ng isa sa akin na ikinatingin ko sa kanya.

"Ah, eh o-opo may hinahanap lang."nauutal kong sagot sa kanya dahil sa takot na nagsisimula ko ng maramdaman.

"Baka makatulong kami, at baka hindi mo lang mahanap yong hinahanap mo, baka madala ka pa namin sa langit, alam mo yon happy happy ganoon."saad naman ng isa sa kanila sabay iling ko.

"Wag na po, o-okay lang, k-kaya ko na po."sagot ko sa kanya sabay ngisi nilang tatlo akmang aatras na sana ako sa kanila ng biglang hawakan ako ng unang lalake na kumausap sa akin kanina.

"Sige na pakipot ka pa eh, alam namin na gusto mo, tara na magsasaya tayong apat."aniya sabay iling ko.

"H-hindi..... Tuloooonggggggg."sagot ko sa kanya sabay taboy ng kamay niya at takbo palayo sa kanila ng habulin nila ako tatlo na ikinatulo ng mga luha ko.

"Tuloooonggggggg."sigaw ko ulit ng bigla akong mahuli ng isa sa kanila.

"Tatakas ka pa eh! Tara na kasi."saad ng isa sabay pilit niya sa akin na humarap sa kanila akmang hahalikan ako ng isa ng dali dali ko siyang sinampal.

"Matapang ka ah, tingnan natin ngayon ang tapang mo."Aniya sabay suntok niya sana sa akin ng biglang..

"Subukan mong gawain yan, siguraduhin kong wala ka na bukas."

"Sir."

"Sino ka ba ha? Nauna kami sa babaeng yan oy, amin siya."saad ng lalake na sumubok halikan ako kanina sa kanya.

"Nauna kayo? Are you trying to say, na sa inyo ang babaeng 'to?"madiin na tanong ni Sir Aries sa kanila habang hawak hawak pa rin ang kamay ng lalake na sinubukan akong suntukin.

"Oo! Bakit? Palag ka?!"

"Yes, wanna know why? Because this girl besides me is the girl I love, so walang puwedeng humawak sa kanya kahit sino, lalo na kung pangit na mga katulad niyo, dahil girlfriend ko ang babaeng 'to girlfriend ko."sagot niya dito sabay suntok niya sa lalake na ikinatumba nito sa buhangin tatayo pa sana ito ng bigla niya ulit itong suntukin ng sunod sunod, suntok na tila gusto niya ng patayin ang lalake.

"Tama na, tama na."mahina kong sambit na ikinatingin niya sa akin.

Akmang lalapit sana siya sa akin ng bigla akong umatras sa kanya. Kitang kita ko naman na dinala ng dalawang lalake ang kaibigan nilang bubog sarado ni Sir kanina habang nakatingin pa rin ng seryoso sa akin si Sir.

"Tama na, tama na, pakiusap, tama na."sunod sunod kong sabi habang nakatakip ang dalawang kamay ko sa mga tenga ko at tumutulo ang mga luha sa mata ko.

"Wala na sila love, wala na sila."Aniya sabay lapit niya sa akin akmang hahawakan niya ang kamay ko ng nilayo ko ito sa kanya.

"Wag Kang lumapit, tama na, tama na."sagot ko sa kanya.

"Shhh, wala na sila, hindi na sila babalik."Aniya sabay huli niya ng kamay ko ng babawiin ko sana ito sa kanya ng yakapin niya ako bigla na siyang ikinatigil ko.

"Wala ng mananakit sayo, wala na..."

"H-hindi, sa-saktan niyo ko, h-hindi."saad ko sa kanya sabay tingin niya sa akin.

"Listen, wala na sila, hindi ka na nila masasaktan hindi na."paninigurado niya sa akin sabay iling ko.

"Ba-bakit nga-ngayon la....ng?"

"f*ck Ayla!"

And everything turns into black.

-Sorry talaga sa technicalities ko, ito po talaga yong pinaka focus ko ngayon, nag aaral pa po talaga ako paano I form ang mga words kaya sana po pagpasensiyahan niyo, pero anyways happy reading and good morning to all.

Hart Moon

My Yesterday's Moonlight (Yesterday #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon