___________________________________Nagising ako sa isang puting silid ramdam ko ang pang hihina ng katawan ko, pero kahit ganoon pinilit ko pa rin ibuka ang mga mata ko at ang unang bumungad sa akin ay ang mukha ni Maby at Flor na nag aalala.
"You hear me Ayla?"Maby asked.
"Bessie, naririnig mo naman kami diba?"tanong rin ni Flor kaya tumango ako.
"Glad, may masakit ba sayo, nagugutom ka ba?"sunod sunod na tanong niya akmang sasagot na ako sa kanya ng biglang bumukas ang pinto na siyang ikinatingin namin doon.
"Anak, Ayla."
"Mama."
"Tita kayo po pala, maiwan po muna namin kayo."saad ni Flor kay mama sabay hila niya kay Maby papunta sa labas agad naman umupo si mama sa tabi ko paglabas na paglabas ng dalawa.
"Hi-hindi ko alam anak, patawarin mo si Mama, patawarin mo sa lahat lahat anak."ani niya habang hawak hawak ang kamay ko na ikinatingin ko sa kanya.
"Yong yong sinabi ni Papa, totoo ba Ma? Totoo bang hi-hindi n--iya ako anak?"nauutal kong tanong sa kanya na ikinatingin niya sa akin ng seryoso.
"Ay..."
"Ma, bakit? bakit kailangan mong itago? Ma, 20 years akong naghirap sa kamay ni Papa, araw araw kailangan kong patunayan sa kanya na karapatdapat akong maging anak niya, araw araw kong hinihiling sa diyos na sana sana mahalin niya na ako, kasi ako mahal na mahal ko siya, Ma mahal ko si Papa, pero bakit?"naiiyak kong tanong sa kanya akmang yayakapin niya sana ako ng bigla akong umatras.
"Hindi ko alam kung saan ako magsisimula, hindi ko alam anak, alam ng nasa taas kung gaano ko kagusto sabihin sayo lahat, pero tuwing sinusubukan ko nawawalan na ako ng lakas, anak patawarin mo si Mama."
"Ni-rape po ba talaga kayo ng totoong Ama ko?"
"Sinong nagsabi niyan? Ayla hindi."sagot niya na ikinangisi ko na lang.
"Hindi? Pero yon ang sabi ni Papa, kaya gusto niya maghiganti sa akin dahil inagaw ka daw ng totoong Ama ko sa kanya, na nirape ka daw ng Ama ko, na nabuo lang daw ako dahil sa kahayupan ng ama ko."sagot ko sa kanya na nagpaiyak sa akin ng sobra kaya agad niya ulit hinawakan ang kamay ko at pilit akong pinaharap sa kanya."Oo anak, iba ang totoong Ama mo, pero hindi niya ako nirape, oo, nagkamali ako, pero walang rape na nangyari yon lang ang pinaniwalaan ni Roland yon lang ang inisip niya, pero anak kahit kailan hindi ako nirape o pinagsamantalahan ng Papa mo hindi niya yon ginawa."Aniya na ikinatigil ko.
"Pero sabi ni Papa."
"Lasing lang kami ng totoong Ama mo ng oras na yon Anak, lasing lang kami pero walang rape na nangyari anak, ako ang nagkasala sa Papa mo, ako nag loko, kaya patawarin mo ko kung kailan mo maranasan lahat ng 'to, patawarin mo ko."putol niya sa sasabihin ko na ikinatahimik ko akmang magsasalita pa sana siya ng biglang pumasok ang Doctor kaya kinailangan niyang lumabas saglit.
Paglabas na paglabas ni Mama ay ang siya naman na pag tingin ko sa kawalan.
Hindi ko lubos maisip na kailan ko maranasan lahat ng 'to? bakit kailangan kong maranasan lahat ng 'to?
"Bessie?"tawag ni Flor sa pangalan ko sabay bukas niya ng pintuan.
"Si Mama."
"Bumili lang ng pagkain kasama ni Maby sa baba, ano may kailangan ka pa? May gusto kang ipabili?"sunod sunod na tanong niya na ikinailing ko na lang.
"Wag na, pahinga lang ang kailangan ko."sagot ko sa kanya.
"I insist, si Sir Aries, wait tawagan ko lang siya."Aniya.
"Wag..."pigil ko sa kanya na ikinatingin niya sa akin.
"Kailangan niyang malaman Ayla, karapatan niyang malaman kung anong nangyari sa girlfriend niya."ani niya na ikinailing ko na lang ulit sa kanya.
"Para ano? Tapos ano? Malalaman niya na pinagsamantalahan ako? Wag na Flor, ayaw kong dumagdag sa iisipin niya marami na siyang iniisip para dumagdag pa ako tsaka busy pa siya ngayon."
"Pero.."
"Please Flor, atin na lang muna 'to, sasabihin ko rin naman sa kanya, pero wag muna ngayon, pakiusap."saad ko sa kanya sabay tango niya.
"Fine sabi mo e, pero itext mo na siya, kasi kanina pa siya text Ng text diyan sa cellphone mo."Aniya sabay abot ng phone ko agad ko naman itong tinanggap para itext si Aries.
Pagkatapos na pagkatapos kong I text si Aries ay siyang pagbalik rin nila Mama at Maby galing sa baba.
"Kumain ka muna Anak."ani ni Mama sabay tango ko sa kanya.
"Ahm, Ayla, baka may gusto kang kainin just tell me, ako na ang bibili?"tanong ni Many na ikinatingin ko sa kanya.
"Wala na, pero Mab, salamat salamat sa kanina kung hindi kayo dumating malamang. malamang.
"Wag mo ng isipin yon, naiwan mo kasi yong bag mo sa kotse ko kaya binalikan kita sa inyo sakto naman na papasok rin sa inyo si Flor."
"But still thank you for saving me."
"Anything for you Ayla."sagot niya na ikinangiti ko.
"Anak pupuntahan ko muna yong doctor mo ha."saad ni Mama sabay tango ko sa kanya.
"Sige po."
"Ah Tita, sabay na lang po ako sa Inyo may bibilhin rin ako sa labas."habol ni Flor kay Mama na palabas na sana.
"Sige."
"Hoy! Maby bantayan mo yang kaibigan ko ha, kundi kukutusan kita."banta ni Flor kay Maby na ikinangisi na lang ni Maby sabay tingin niya sa akin.
"Ako ng bahala."
"Ah, Mab."banggit ko sa pangalan niya na ikinatingin niya sa akin.
"Hmm? Bakit? May masakit ba sayo?"tanong niya sabay iling ko.
"Salamat ulit."
"Uulitin ko lahat gagawain ko para sayo Ayla, kulang pa 'to sa lahat lahat ng kasalanan ko sayo."Aniya na ikinatingin ko sa kanya ng seryoso.
"Hindi mo naman kailangan bumawi para sa bagay na nakaraan na, matagal ko ng kinalimutan ang panahon na yon."sagot ko sa kanya na ikinangiti niya kitang kita ko sa mata niya na pilit niyang nilalaban ang lungkot ng mga ito na siyang pinagtaka ko.
"Buti ka pa limot mo na, samantalang ako nakakulong pa rin sa nakaraan at sa mga paano kaya? Paano kaya kung hindi tayo nag hiwalay? Paano kaya kung hindi kita niloko? Paano??.
"Edi, walang kami ngayon." singgit ng boses na kilalang kilala ko na ikinatingin namin dalawa ni Maby sa taong may ari ng boses na yon."Aries."
Hala, wala sa plano ko 'to HAHAHAHA may sariling isip si Aries sumusulpot bigla sa scene charott, anyways goodmorninggggggg everyone happy reading...
Hart Moon
BINABASA MO ANG
My Yesterday's Moonlight (Yesterday #1)
Romantiek(COMPLETED) (UNEDITED) Professor x Writer Ayla Lucia Del Rios, 22 years old, 4th year college and the nobody, loner, quiet girl in town.Ang babaeng Iba sa lahat ng babae (Strong and Brave) ika nga nila. Sanay na harapin ang lahat ng bagay ng mag-is...