Kabanata 22

1.3K 36 12
                                    


"Hoy bruha, anong plano mo sa monthsary niyo ni Sir?"mahina pero kinikilig na tanong sa akin ni Flor nandito kami ngayon sa library nag rereview para sa darating na exam bukas ng bigla niya akong tinanong tungkol sa monthsary namin ni Aries.

"Kailangan pa ba planuhan yon?"takang tanong ko sa kanya kaya agad niya akong pinalo sa kamay sabay tingin niya sa akin ng seryoso.

"Malamang duh, girl first monthsary niyo yon hello, isa pa ha, Christmas na Christmas yon gising kaya dapat special."

"Yon na nga Christmas na Christmas 25 malamang busy yon kasama ng family niya wag na natin istorbohin tsaka maghahanda pa ako sa writing contest this Wednesday."sagot ko sa kanya.

"At ano naman connect non? Wednesday pa naman yon at alam kong kering keri mo na yon."saad niya sa akin na ikinangiti ko na lang.

"Wednesday na nga yon, ano ba ngayon diba Monday? Dalawang araw na lang Flor dalawang araw, at hindi ako magaling katulad ng iba alam ko alam na alam kong maraming magagaling na sasali sa contest na yon."

"What ever Ayla Lucia, wala akong pakialam sa kanila basta ang alam ko magaling ka at kaya mong talunin sila excuse me ikaw kaya si Ayla duh.."

"Tss, Ewan ko sayo tayo na nga gutom lang yan librehan na lang kita."saad ko sa kanya sabay tayo ko agad agad niya naman ako hinila palabas sa library na ikinataas ng kilay ko sa kanya mukhang agad niya naman yon napansin dahil napa peace sign siya sa akin.

"Sorry naman excited lang akong marinig na ang isang Ayla Lucia manlilibre, isang himala isang malaking himala mag bunyi."Aniya sabay tawa na ikinailing ko na lang.

Naglalakad kami ni Flor papunta sa canteen ng biglang isang pamilyar na tao ang nakita ko na siyang nag paatras sa akin na agad na napansin ni Flor dahil agad agad niyang hinawakan ang kamay ko sabay hila sa akin papunta sa harap ng counter.

"What's your order ma'am?"tanong ni ate sa amin sabay turo ni Flor ng mga bibilhin namin ng nakapili na siya ay agad ko na sanang ibibigay ang pambayad ko ay ate ng biglang may nauna ng nagbigay ng pera sa akin sa kanya.

"Pakisali na lang po yong binili nila sa bill ko."

"Maby."banggit ko sa pangalan niya na ikinangiti niya sa akin.

"Ayla."

"Ah, ito o."saad ko sa kanya sabay abot ko sana sa kanya ng bayad ko sa pagkain namin ng bigla niya lang sinarado ang kamay ko na siyang pinagtaka ko.

"Libre ko na yon sa inyo Ayla."aniya na ikinagulat ko akmang sasagot na sana ako sa kanya ng bigla akong inunahan ni Flor.

"Libre? Sure ka libre 'to? Wala kang hihingiin na kapalit?tanong niya kay Maby sabay ngiti sa kanya nito.

"Yes Flor, sainyong sa inyo yan, walang kapalit, libre ko talaga yan."

"O-okay, edi thank you."saad ni Flor sa kanya na ikinailing ko.

"Hindi, may pera naman kami Mab e, tanggapin mo na kasi to, nakakahiya naman kung ililibre mo kami."pigil ko sa kanya sabay tingin ko kay Flor na ngayon ay nakataas ulit ang kilay na nakatingin sa akin.

"Bruha, ang nakakahiya e yong nang aagaw ng may shota na may shota, bakit may inagaw ba tayo? wala naman diba? siya ang nagbigay, siya ang nang libre wala tayong inagaw so just accept the blessing, tandaan bawal tanggihan ang grasya, bawal."tila may pinatatamaan na saad ni Flor sabay tingin niya sa likod na ikinatingin ko rin doon at don ko lang napagtanto na si Gina ang pinatatamaan niya.

Akmang sasagot pa sana ako sa kanya ng biglang nag ring ang phone ko kaya agad kong tiningnan kung sino ang nag tumatawag dito ng biglang lumabas sa screen ang pangalan ni Sir Aries ay agad agad akong lumayo ng konti sa dalawa para masagot ito.

My Yesterday's Moonlight (Yesterday #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon