Papa!
Yes honey, just sit and relax okay, sandali lang tayo masarap 'to dadalhin kita sa langit alam kong magugustuhan mo 'to."Aniya habang unti unting lumalapit sa akin kaya agad akong tumakbo palayo sa kanya pero agad niya naman akong nahabol.
"O, saan ka pupunta, dito ka lang Ayla, magsasaya tayong dalawa."ulit niya na ikinailing.
Tama na Pa! Ta-tama na,ma-awa po kayo paki usap.
"Maawa? Ako?! Bakit sino ka ba ha?"
"Pa-pa please."
"Tumahimik ka hindi kita anak! Hindi kita anak!!!!!
"Papa!"
Sigaw ko sabay bangon ko agad mula sa pagkakahiga. "Ayla, anak?"tawag ni Mama sa akin sabay yakap ko sa kanya habang tumutulo ang luha na kanina ko pa ramdam sa aking mga mata.
"Mama, a-ayaw ko na."mahina kong sabi sa kanya na ikinatingin niya sa akin ng seryoso.
"Shh, wala na siya dito, hindi niya na tayo babalikan, hindi ka na niya masasaktan."paninigurado niya sa akin na ikinatingin ko sa kanya.
"Pero, si Papa."
"Shh, hindi na ko papayag na masaktan ka pa niya ulit anak, patawarin mo si Mama kung hinayaan kong saktan at pahirapan ka niya noon, patawarin mo si Mama kung nawalan ako ng lakas na ipagtanggol ka noon, pero pangako Anak, lalaban na si Mama, lalaban na ako para sayo, pangako."aniya sabay yakap niya ulit sa akin.
Akmang magsasalita pa sana ako ng biglang bumukas ang pinto na ikinatingin namin parehas ni Mama doon.
"Hi bessieeee."
"Hi Tita.."
"Flor, ikaw pala, anong ginagawa mo dito?"tanong ko sa kanya na ikinangiti niya lang.
"Sige, iwan ko muna kayong dalawa ihahanda ko lang yong makakain natin."paalam ni Mama sabay tango ko sa kanya.
Sabay ng paglabas ni Mama ay ang pag upo naman ni Flor sa tabi ko habang hindi naalis ang ngiti sa mga labi niya. Tatlong araw na simula ng nakalabas ako sa hospital at dalawang araw na ng lumilipas ng huli kong naka usap si Sir Aries ang huling sinabi niya lang sa akin ay magkakaroon siya ng importanteng gagawain sa Palawan isang seminar na kailan niyang puntahan kaya hindi ko muna siya inistorbo at kahit si Flor at Maby rin ay naging busy sa pararating na Christmas Festival ng School bukas kaya laking gulat ko na nandito ngayon si Flor sa harap ko.
"Gaga, malamang sinusundo ka."sagot niya na ikinagulat ko.
"Sinusundo?"
"Oo, malamang pupunta tayo ngayon sa school pinapasundo ka na ng Prince Charming mo malay mo diba I surprise ka?"
"Nasa school na siya?"takang tanong ko sa kanya sabay tango niya.
"Kanina lang rin siya dumating at ako agad ang hinahanap niya para sunduin ka dito, yieee, he wants to see you daw."sagot niya sabay palo sa kamay ko.
"Pero paano si Mama?"
"Maiitindihan ni Tita na pupunta tayo ngayon sa school 'no tsaka magandang opportunity na rin 'to para mawala sa alaala mo yong pangit na nakaraan, at isa pa heler 1st Monthsary niyo na sa 25 at 22 na ngayon at ilang araw na rin kayong hindi nag kita, deserve niyo rin ng time okay."
"Per...
"Ah, basta wala ng pero, pero tumayo ka na diyan, at magbihis na dahil pupunta na tayo ngayon agad agad sa school."aniya sabay hila niya sa akin patayo na siyang sinunod ko na lang dahil tama rin naman siya hindi naging madali ang huling pagkikita namin ni Aries ng nasa hospital ako kaya kailangan talaga namin mag usap kaya imbis mag reklamo ako kay Flor ay naghanda na lang ako para pumasok.
![](https://img.wattpad.com/cover/325451729-288-k199297.jpg)
BINABASA MO ANG
My Yesterday's Moonlight (Yesterday #1)
Romance(COMPLETED) (UNEDITED) Professor x Writer Ayla Lucia Del Rios, 22 years old, 4th year college and the nobody, loner, quiet girl in town.Ang babaeng Iba sa lahat ng babae (Strong and Brave) ika nga nila. Sanay na harapin ang lahat ng bagay ng mag-is...