Kabanata 18

1.1K 28 3
                                    

Abala akong nag iisip ng susunod na mga salita sa nobelang Midnight Damsel na sinusulat ko, ng biglang nag text si Aries kaya pansamantala ko munang itinigil ang pagsulat ko para basahin ang text niya.

From: Sir Aries

I miss you see you tomorrow.

Basa ko sa text niya kaya agad- agad akong nag type ng irereply ko sa kanya habang may ngiti sa aking mga labi dahil sa text message niya.

To Sir Aries

Sige po see you rin po imissyou too.

Reply ko sa text niya, at wala pang sampung minuto ay nag reply agad siya na mas ikinangiti ko pa.

From: Sir Aries

Ikaw na talaga Ayla, ikaw na talaga wala ng iba.

Sana nga Aries, sana nga.

Pagkatapos na pagkatapos kong I text ang last reply ko kay Sir ay agad- agad na akong bumalik sa pagsusulat ko, kung saan malapit na ako sa ending, ending na hindi ko pa alam kung anong mangyayari kung hahayaan ko ba magkatuluyan ang mga bida o, hahayaan ko na piliin ni Amelia ang sarili niya.

Nang nagpagdesisyonan ko na kung anong gagawain sa chapter na ito, ay agad na akong natulog para makapaghanda sa gagawain namin ni Sir Aries bukas, dahil tulad ng sabi niya isa daw yong Adventure na hinding hindi ko makakalimutan kaya kailangan ko daw matulog ng maaga pero tulad ng inaasahan ko tuwing gabi hindi na naman ako nakatulog ng maayos dahil sa gabi gabing dalaw ko ang anxiety.

Ayaw ko na,  tama na, nakakapagod na, sobra na, sobra na...

Bakit ba ako naging ganito? Hindi ba puwedeng maging normal na lang ako? Bakit kailangan ko pang maging ganito? Tama na pakiusap.

Sigaw ng isip ko pero hindi magbigkas ng mga labi ko, na siyang ikinaiinis ko gabi gabi na lang, gabi gabi akong naghihirap habang tumutulo ang mga luha sa mata ko kailan ba 'to titigil pag wala na ko? Hindi ko na ba mararanasan maging malaya sa lahat ng problema?.

Nagpatuloy ang bigat ng nararamdaman ko hanggang mag umaga, tinanong pa nga ako ni mama kung anong nangyari sa akin bakit daw medyo puyat ako, kaya tulad ng palagi kong ginagawa ay nag sinungaling na naman ako sa kanya na marami akong kailangan ipasa na project sa school sana nga lang hindi ito mahalata ni Sir, dahil bukod sa nakakahiya hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya.

"Love kanina ka pa?"boses ni Aries na siyang pumukaw sa akin sa pag iisip ko mula sa likod.

"Sir, kayo po pala, hindi pa naman po masyado."

"Love?"banggit niya sabay tingin niya sa akin ng seryoso na siyang ikinakaba ko.

"Ayla Lucia?"banggit niya ulit pero this time ay pangalan ko na ang tinawag niya kaya agad akong napatingin sa kanya.

"Sir?"

"Yong totoo ayos ka lang ba talaga?"tanong niya na ikinatahimik ko.

"Oo naman, medyo napuyat lang dahil sa dami ng requirements at nag update rin kasi ako sa Wattpad kagabi."kinakabahan kong sagot sa kanya.

"Ayla, kilala kita, bago mo ko naging boyfriend, naging teacher mo ako at hanggang ngayon teacher mo pa rin ako kaya hindi mo matatago sa akin ang mga bagay na yan, alam kong may problema, pero hindi kita pilitin na sabihin yon ngayon kung hindi ka pa handa, maghihintay ako, maghihintay ako kung kailan handa ka ng sabihin yan, basta nandito lang ako Ayla para sayo buong buo kahit gaano pa ako ka busy sa trabaho maglalaan ako parati ng oras para sayo."Aniya na ikinatingin ko sa mga mata niya at kitang kita ko doon na walang bahid na kasinungalingan sa sinabi niya, totoong totoo ang mga mata niya, pero bakit ang hirap para sa akin maniwala? bakit natatakot ako?

"So Love? Are you ready? Alam kong magugustuhan mo ang pupuntahan natin."dagdag niya pa.

"Bakit? Saan tayo?"tanong ko sa kanya.

"Basta you'll see later, now just sit and relax, ako ng bahala."sagot niya pagpasok na pagpasok namin sa sasakyan niya.

Pagkatapos ng medyo mahaba haba na biyahe ay narating na namin ang destinasyon na sinasabi niya kaya agad agad na kaming bumaba para tingnan kung saan lupalop niya ako dinala.

"Aries."banggit ko sa pangalan niya pagbaba na pagbaba ko dahil hindi ko akalain na dadalhin niya ako dito isa sa pinaka pinagmamalaki ng probinsiya namin ng buong Bukidnon ang Overview sa Quezon Bukidnon, from Malabalay City sa munisipalidad namin ay nadala niya ako dito na siyang hindi ko akalain.

"Surprise Love."

"Wa ko nag expect."(hindi ko Iniexpect.)

"At yon nga ang gusto ko mangyari, ang ma surpresa ka, I know you really want to go here, this place is one in your bucketlist right?"

"Paano mo nalaman?"

"One time narinig ko kayo ni Flor, and sabi mo, dire gyud nimo gusto muanhi aron ma singgit nimo tanan nimong gibati.( Gusto mo pumunta dito para masigaw mo lahat ng nararamdaman mo) sagot niya na ikinatigil ko pero imbis sagutin ko pa siya ay agad agad na akong umakyat sa hagdan at inalalayan niya naman ako para makaakyat ng maayos ng narating na namin ang taas ay agad agad akong tumingin sa baba at totoo nga lahat ng sinasabi nila sa social media nakakagaan ng loob ang pagpunta dito na siyang nagpangiti sa akin ngayon, tiningnan ko naman ngayon si Aries na nasa tabi ko pero laking gulat ko na nakangiti niya akong tinitingnan.

"Aries."

"Yan, yang ngiti na yan ang gusto ko parating makita sayo Ayla, you deserve the world Love, you really deserve it."

"Hi.. Hindi ko alam ang sasabihin. Thank you."saad ko sa kanya sabay lapit niya sa akin at hawak sa dalawang kamay ko.

"I have nothing to say, kundi welcome, kulang pa ang lahat ng ginagawa ko ngayon para sayo Lucia, dahil tulad ng pangako gagawain ko lahat para sayo, kahit ano basta para sayo, para sa ikakasaya mo."

"Aries."

"Hmm?"

"Bakit ako?" Out of nowhere na tanong ko sa kanya na siyang ikinatingin ulit niya sa akin.

"I don't know too, ang alam ko lang sayo tumibok ito."aniya sabay turo niya sa dibdib niya kung nasaan na ka pwesto ang mga puso natin.

"Pero mahirap, sobrang hirap ko mahalin."sagot ko sa kanya na ikinangisi niya.

"Remember what I told you before pagkatapos kong I confess yong totoo kong nararamdaman sayo, uulitin at uulitin ko yon Lucia, hanggang matatak na sa puso at isip mo ang mga sinasabi ko.  I really don't care kung gaano ka kahirap mahalin, wala akong pakialam dahil simula ng minahal kita, simula ng araw na yon, all I know is that I want to make you happy always, and just like what I said earlier , I want to give you the whole world, because with that beautiful soul you have, you deserve nothing but the best, so I swear hanggang kaya ko ibibigay ko lahat maging masaya ka lang, maging maligaya ka lang ganyan kita kamahal.

"Aries."

Hart Moon

My Yesterday's Moonlight (Yesterday #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon