Kabanata 14

2K 30 5
                                        

Simula ng pumayag akong mag paligaw kay Sir Aries, ginagawa niya na lahat para sa akin, araw araw niya akong hatid sundo papunta at pauwi galing sa university parati akong kasali sa baon niya at higit sa lahat parati niya pinaparamdam sa akin kung gaano ako kahalaga, nahihirapan man ako tanggapin para sa sarili ko ang ginagawa niya dahil feeling ko, hindi totoo at malabong may gumawa sa akin nito ay siya naman nangyayari ngayon sa akin dahil sa kanya kaya nagpapasalamat lang ako sa kanya ng sobra, dahil kahit papaano naranasan kung maranasan ang mga ito dahil sa kanya katulad na lang ngayon hinatid niya ako sa akin pero dahil nga sa hindi pa alam ng magulang ko kung anong meron kaming dalawa ay kailangan ko muna siyang itago sapagkat hindi ko alam kung anong masasabi ni papa at mama tungkol sa kanya.

"You sure ayaw mong ideritso kita sa inyo?"tanong niya sa akin paghinto namin sa may kanto malapit sa amin.

"Opo salamat po."sagot ko sa kanya na ikinangiti niya.

"Your always welcome love, and I will always understand you, just call me if you need anything okay, I'm just one call away for you."Aniya na ikinangiti ko sabay baba ko ng sasakyan niya, hinintay ko muna siyang maka alis bago tumuloy sa bahay at pagdating na pagdating ko doon nadatnan ko sila mama at papa nag iimpake na siyang pinagtaka ko.

"Mama."tawag ko kay mama.

"O anak nandiyan ka na pala."

"Saan po kayo?"takang tanong ko sa kanya.

"Nah, lilipat na tayo bukas anak, may nakabili na ng lupa na ito, pinapaalia na tayo."malungkot na sagot niya sa akin na ikinagulat ko.

"Li-lipat? bakit po? saan po tayo?"tanong ko ulit sa kanya ng akmang sasagot na sana si mama ng bigla siyang unahan ni papa.

"Daming satsat, kung ako sayo wag ka ng magtanong Hala, pumunta ka sa 7/11 at bumili ng bigas ng may magawa ka naman sa bahay."Aniya na ikinatigil ko sasagot sana si mama Kay papa ng pigilan ko siya kaya agad siyang napatingin sa akin.

"Ma ayos lang po, sige po bibili na po ako."ani ko kay papa na ikinangisi niya. Kaya agad agad akong pumunta sa 7/11 tulad ng utos ni papa

Pero imbis ang plano kong bumili ng bigas at ulam doon tulad ng utos ni papa ay biglang napurnada dahil sa mga mokong na nandito ngayon.

"O, nandito na pala si pilay na feeling maganda, anong bibilhin mo pilay? May pera ka ba? Gusto mo limusan kita?"mayabang na tanong ni Kristian sa akin isa sa mga bully ko noon pa, dahil sa pagiging iba ko sa kanila sila na perpekto, sila na maayos maglakad samantalang ako na pilay, hindi pantay ang laki ng kamay at paa, hindi katulad ko na Isang Person with Disability.

"Hala, bro inistob ka o."ani ng Isa niyang kasama sabay ngiti ng mala demonyo. Akmang lalakbayan ko lang silang tatlo ng biglang hinablot no Kristian ang wallet ko na siyang ikinatigil ko. At ng kukunin ko ay bigla niyang tinaas Ang kamay niya para abutin ko ito ng pilit ko itong inabot ng biglang tapakan ng Isang kaibigan niya ang paa ko na ikinatumba ko at ikinatawa nila, akmang tatayo na sana ako para pabayaan na lang sila ng biglang may kumuha ng kamay ko at laking gulat ko na lang na si Sir Aries ang nakita ko, mukha naman natakot sa kanya sila Kristian dahil agad silang napatakbo kaya dali dali naman akong inalalayan ni sir para maka upo pero habang tinutulungan niya akong maka upo ay kitang kita ko ang disappointment sa mukha niya na siyang hindi ko maintindihan.

"Sir, Sa-salamat po."saad ko sa kanya na ikinatingin niya sa akin.

"Kung hindi ako dumating malamang kung ano ng ginawa nila sayo Ayla, ano ganoon na lang ha, hahayaan mo na lang sila saktan at paiyakin ka?"Galit niyang tanong sa akin.

"S-sir, sanay na naman po ako."

"Fu*k that word Ayla, sanay o hindi, dapat hindi ka pumayag na I bully ka, and don't call me Sir here, hindi mo ako prof ngayon Ayla, manliligaw mo ko, manliligaw mo, gets mo? At hindi ako Galit ngayon bilang prof mo, galit ako kasi mahal kita, ayaw kitang nasasaktan pero yong mga lintek na yon sinaktan ka, at yon ang kinagagalit ko, yon Ayla."

"A-Aries."

"Bakit mo ba hinahayaan na ganonin ka nila? Bakit ba ayaw mo lumaban sa kanila? Sunod sunod na tanong niya sa akin na ikinayuko ko na lang.

"Para saan pa po? Wala ng mababago ganoon na talaga sila, at isa pa alam ko naman po na wala akong laban sa kanila tsaka totoo naman po ang sinasabi nila tungkol sa akin Isa lang po akong pilay at wala akong kwenta."sagot ko sa kanya na ikinataas ng kilay niya sa akin.

"At yan ang mali sayo, bakit? bakit kailangan mong I down ang sarili mo? May kwenta ka Ayla, hindi man yon nakikita ng iba pero may kwenta ka, baliwala man sa iba pero para sa pamilya mo may kwenta ka sa mga kaibigan mo may kwenta ka, oo Person With Disability ka, pero hindi yan hadlang para Makita mo ang halaga mo dahil may halaga ka Lucia, may halaga ka lalo na sa akin, sobrang halaga mo Lucia, sobra."Aniya sa akin na ikinatingin ko sa Kanya.

"Sir."

"Kailan man hindi magiging hadlang ang kapansanan mo sa mga gusto mong gawain sa buhay, oo pahihirapan ka niyan, oo sasaktan ka niyan, oo paluluhain ka niyan pero gusto ko lang malaman mo Lucia dahil rin sa kapansanan mo na yan magiging mas matapang at matalino ka pa, kailangan mo lang pagkatiwalaan at maniwala na kaya mo, dahil totoo naman talaga na kaya mo, kayang kaya mo Ayla laban lang, hindi ka na mag iisa kasama mo na ako, at pangako ko sayo hindi ako mawawala hinding hindi."

Pagkatapos na pagkatapos niyang sabihin yon habang nakatingin sa akin ay hindi ko namalayan na napangiti na pala ako tama siya, pero sana ganoon kadali gawain lahat, sana ganoon kadaling kayanan ang lahat sobrang hirap pero tama siya at sarili ko lang naman talaga ang makakatulong sa akin sarili ko lang. Pero sana nga sana nga Aries, hindi ka na mawala, sana nga tamang buksan ko muli ang puso ko para sayo sana nga tama ako.


Merry Christmas and Happy Holidays Everyone, always remember you are deeply loved, you are important, you are precious and of course you are beautiful in your own way, enjoy your vacation.<3 xoxo.


Hart Moon


My Yesterday's Moonlight (Yesterday #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon