Kabanata 45

2.1K 52 8
                                    

Hindi ako mapakapaniwala na sa oras na ito, na sa araw na ito ay masusuot ko na ang itim na togang pinapangarap ko akala ko dati, hanggang sa pangarap ko lang mangyayari na masuot ko ang toga na 'to lalo na at marami ng nangyari sa buhay ko, ilang beses na akong nawalan ng pag asa, ilang beses kong tinanong kung malas ba ako na anak, kung malas ba ako na tao dahil sa pisikal ko na anyo, at ilang beses ko rin hinila sa baba ang sarili ko dahil parati kong iniisip na hindi ko kaya, hindi ko kayang makapagtapos dahil ito lang ako, ganito lang ako.

"Iha, okay ka lang?"pukaw ni Mama sa akin na ngayon ay kararating lang kasama si Daddy nauna na si Kuya sa airport tulad ng paalam niya sa amin kanina, dahil may kailangan pa siyang asikasuhin na meeting at doon na lang daw kami mag kita kita para sa flight namin mamayang hapon.

"Yes po, hindi lang po ako makapaniwala na graduate na ako."

"You deserve nothing but the best Ayla, proud kami sayo."saad naman ni Dad habang nakangiti.

"Thank you po, hindi ko naman po 'to magagawa lahat kung wala kayo, kayo ang inspirasyon ko para matapos ang pag aaral ko, sa kabila ng lahat ng madidilim na nangyari sa mundo ko."sagot ko sa kanya agad naman akong hinawakan ni Mama sa kamay sabay tingin niya sa akin.

"Lahat ng tagumpay na nararanasan mo ngayon ay dahil sa tapang mo anak, pinili mong maging malakas kaya nandito ka, pinili mong maging matapang kaya nandito ka, pinili mong mabuhay kaya nandito ka, kasama namin at tingnan mo naman ngayon unti unti mo ng natutupad lahat ng pangarap mo Anak, dahil sa pagsisikap mo, dahil sa puso mo."aniya na ikinangiti ko sasagot pa sana ako sa kanya ng biglang Isang matulis na boses ang sumingit sa usapan namin ng mga magulang ko.

"Girlllll, graduate na tayo.........................."bati sana sa akin ni Flor ng nakita niya Sila Mama at Dad na nakangiti sa kanya.

"Ay, sorry po, hi Tita, hi Tito."

"It's okay Flor, sige lang mag usap lang kayo may bibilhin lang kami ng Tito mo."sagot sa kanya ni Mama sabay alis nila ni Dad sa harap namin, sabay naman ng pag alis nila Mama ay ang pagdating rin ni Maby dito sa puwesto namin ni Flor.

"Congratulations girls, balita ko may special award daw kayo."bati niya sa amin agad naman sumimangot ang mukha ni Flor sa kanya.

"Paki mo?"

"Init talaga ng ulo mo sa akin e 'no, ikaw na nga itong binabati, kung ayaw mo ng congratulations ko edi wag si Ayla na lang."sagot sa kanya ni Maby na ikinangisi ko sabay naman silang napatingin sa akin dalawa.

"At anong tingin mo na yan bruha?"Mataray na tanong ni Flor sa akin.

"Cute niyo talaga, bagay kayo."nakangiting sagot ko sa kanya sabay taas ng kilay niya na mas lalo kong ikinangiti.

"Aba! Kami bagay nito?! No way! Ang pangit pangit niyan, hindi ko yan type ew."

"Wow! Choosy mo rin 'no, at sinabi ko bang type kita?! For your information,. I don't like girls like you, maingay, nakakarindi."sagot naman ni Maby sa sinabi ni Flor na ikinatahimik ko na lang.

"FYI! Maby Cian, kahit ikaw na lang ang nag iisang lalake sa mundo don't worry kasi hindi rin kita magugustuhan gets mo?"

"Tss, Arte!"

"What ever."

"What ever rin, at ikaw naman Ayla, stop shipping me please lalo na kung dito lang naman sa ex mong pangit duh."Mataray na ani ni Flor sa akin habang nakatingin kay Maby.

"Tama, at para sa kaalaman mo rin Ayla, hinding hindi ako magkakagusto sa maingay na kaibigan mong 'to kaya, please wag ka na magsalita o wag mo na sabihin na bagay kami, kasi I cannot imagine na maging girlfriend siya o magustuhan man lang siya okay!"saad rin ni Maby sa akin na ikinangiti ko.

My Yesterday's Moonlight (Yesterday #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon