Kabanata 35

1.4K 37 6
                                    


"No one can hurt you, just trust yourself, no one."

"You can do it okay, you will win this."

Tila nasanay na ako sa isang taon na pamamalagi ko dito sa Amerika na ito ang mga naririnig sa psychiatrist ko, simula ng nangyari ang hindi magandang aalala na yon sa akin ay tinulungan ako ni Kuya na magpatingin sa psychiatrist, kasabay rin ng pagpapagamot ako ang pag aaral ko pa rin sa Elton kahit online class lang, gusto man nila Kuya at Daddy na ihinto ko ito muna dahil magagawan naman nila ng paraan ay hindi pa rin ako pumayag. Ito ang regalo ko kay Mama sa lahat ng sakrispisyo niya para sa akin, ito lang ang tanging maisusukli ko sa kanya amg maka graduate ngayong taon na ito.

"Ayla, handa na ba lahat ng dadalhin mo?"tanong ni Mama na kakataring lang dito sa kwarto ko.

"Yes po."

"You sure baka may nakalimutan ka? Ang passport mo?"tanong niya ulit na ikinangiti ko.

"Don't worry Ma, everything is going good, wala akong nakalimutan, kayo po ayos na po ba kayo para maka uwi ng Pilipinas?"tanong ko sa kanya sabay hawak niya sa dalawang balikat ko.

"I'm fine Anak, ikaw ang concern ko dito ang laki ng sakrispisyo mo, para sa akin, sinamahan mo ko magpagamot dito, nag online class ka na lang, at araw araw mo pako binantayan alam ko kung gaano ka na kapagod sa lahat ng bagay pero hindi mo pa rin ako pinabayaan."Aniya na ikinangiti ko sa kanya.

"Wala lang po yan sa mga nagawa niyo para sa akin, you've been there since day one, ikaw ang nag iisang kasama ko sa lahat ng laban so Ma, thank you, thank you for fighting, thank you."sagot ko sa kanya sabay yakap niya sa akin.

"Hays, ang baby ko, dati karga karga lang kita ngayon, look at you magiging teacher na, always remember love, that I'm so proud of you always, always."Aniya na ikinangiti ko ulit.

Buti na lang at may medical record akong pinakita sa Elton para payagan nila ako na dito gawain sa Amerika ang Field study ko at ang Internship ko, pati na rin ang thesis ko kaya ito ako ngayon pauwi na ng Pilipinas para asikasuhin lahat ng requirements ko para sa nalalapit kong graduation na siyang hindi ko alam kung matutuloy.

"Girl, excited nako umuwi ka, yong pasalubong ko ha, don't forget yummmyyu chocolates."paalala ni Flor habang kausap ko siya ngayon sa cellphone nandito na kami sa airport naghihintay ng flight namin nila Mama pati na rin si Kuya at Dad na sasama rin sa amin pabalik ng Bukidnon ng biglang tumawag si Flor para sabihin sa akin na wag kalimutan ang pasalubong ko sa kanya.

"Oo na, oo na dala ko na lahat."

"Good, good, iloveyou girl, pero girl ito ha serious question?"

"Bakit? Ano yon?"takang tanong ko sa kanya.

"Handa ka na ba? Handa ka na bang makita siya ulit?"tanong niya na ikinatigil ko.

Handa na ba ako ulit makita siya? Sa isang taon ko sa Amerika, araw araw ko rin yan tinatanong sarili ko, paano kung magkita kami ulit? Handa na ba akong humarap sa kanya? Sa isang taon na malayo ako sa kanya hindi pa rin nagbago ang nararamdaman ko para sa kanya, ewan ko na lang siya para sa akin, pero malamang sila na ulit ni Ma'am Maica, ng totoong mahal niya. Aamin ko mahirap siyang kalimutan sa sandaling panahon na naging kami he was my moonlight, my yesterday's moonlight, the one who help me to know myself more, the one who help me to realize my worth ang taong nagpaniwala sa akin na kahit ganito ako may isang taong nandiyan at tanggap ako, na may isang taong magmamahal sa akin ng totoo.

"Hello girl, heler nandiyan ka pa ba?"tanong ni Flor na siyang gumising sa pag iisip ko.

"Yup, m-medyo nawala ang s-signal."nauutal kong sagot sa kanya.

"Akala ko nawala ka na sa tanong ko eh, anyways wala kang choice kahit hindi ka pa handang harapin siya, mangyayari at mangyayari yon lalo na at magkikita kayong dalawa dahil isa siya sa pipirma ng clearance natin para maka graduate, pero siyempre alam ko hindi ka magpapatalo sa kanya, sa mga lalaking cheater duh, ni hindi ko na yon pinapansin dito e, especially nalaman ko yong rason na yon sayo at isa pa, duh girl sobrang iba na niya, ang dali ng magalit buti nga nakayanan yon ni Ma'am Maica."Aniya na ikinatigil ko.

Mabilis na magalit? Anong nangyari? Ganoon ba katagal ang isang taon para sobrang laki na ang maging pagbabago niya?

Akmang sasagot pa sana ako kay Flor ng biglang tinawag na ang flight namin kaya napagpasyahan ko ng magpaalam sa kanya ramdam ko naman ang pag aalala na tingin sa akin ni Kuya dito sa tabi ko habang abala si Mama at Dad sa mga passport namin.

"Okay ka lang?"

"Yes kuya, don't worry may iniisip lang."sagot ko sa kanya na ikinataas ng kilay niya.

"Don't tell me, yong professor mo yan?"tanong niya sa akin na ikinatingin ko sa kanya

Wala akong tinago kay Kuya ni isa lahat ng mga nangyari sa akin noon sa Bukidnon lahat alam niya isa siya sa tumulong para mawala ang trauma ko sa nakaraan kaya sobrang nagpapasalamat ako sa kanya, at sa isang taon ko rin na kasama si Christian si Dad, natutunan ko na rin siyang pakisamahan hanggang nakasanayan ko na rin siyang tawaging Dad, tulad ng huling niya.

"Ayla."tawag ni Kuya sa pangalan ko na ikinangiti ng labi ko habang seryosong nakatingin sa kanya.

"Don't worry Kuya, I can handle this."paninigurado ko sa kanya.

"I know you can, naniniwala ako sayo ang concern ko e, handa ka na ba ulit makita siya?"tanong niya.

"Tanong rin ni Flor yan sa akin kanina, and honestly I don't know hindi ko alam anong mararamdaman ko, anong sasabihin ko, no choice ako e, alam ko kahit anong sabihin ko, kahit sabihin ko pang hindi magkikita at magkikita talaga kami lalo na ngayon."sagot ko sa kanya sabay hawak niya sa kaliwang kamay ko na ikinangiti ko sa kanya.

Hindi ko alam kung anong mangyayari pag uwi na pag uwi ko ng bansa, kung anong gagawain ko oras na makita ko siya, lalo na ngayon na walang nagbago sa nararamdaman ko para sa kanya, siya pa rin, siya noon, si Aries, siya pa rin hanggang ngayon.

Aries.

Sorry for Late Update everyone, medyo na busy lang sa internship but ito na, what do you think na mangyayari sa next chapter? Share your thoughts sa comment section guys happy reading. Mwah.

Hart Moon

My Yesterday's Moonlight (Yesterday #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon