Kabanata 20

1.4K 32 5
                                    


"Best, ano tara kain na."yaya sa akin ni Flor nandito kami ngayon sa garden at kakatapos lang ng klase namin sa math kaya napag pasyahan namin na tumambay muna saglit dito sa garden.

"Mamaya na ako."

"Bakit? May usapan kayo ni Sir?"tanong niya sabay tango ko.

"Ah, yon naman pala baka busy pa sa office niya, diba mag isa lang siya sa office niya?"takang tanong niya.

"Bakit?"

"Tara, surprise mo na lang siya sa office niya, dalhan mo ng food ganoon para romantic."aniya na ikinatingin ko sa kanya ng seryoso.

"Kailangan pa ba yon?"takang tanong ko sa kanya.

"Gaga, oo naman 'no best, minsan hindi lang dapat yong lalake ang mag effort dapat tayong mga girls rin so let's go na."sagot niya sabay hila niya sa akin kung saan ni hindi niya na ako hinihintay sumagot, basta hinala niya na lang ako hanggang sa makarating kami sa canteen.

"O, dito ka na lang ako na lang oorder para sa inyong dalawa, alam kong ayaw mo sa maraming tao."saad niya sabay punta niya sa counter at wala pang 10 minuto ng bumalik siya na may dalawang bag ng pagkain.

"Anong gagawain ko dito?"takang tanong ko sa kanya ng inabot niya sa akin yon.

"Malamang dadalhin mo sa kanya para sabay na kayong kumain, for sure pagod na yong prince charming mo 'no."sagot niya na pinagtaka ko naman.

"Paano ka? Sinong kasama mong kumain?"tanong ko sa kanya.

"Sasabay ako sa mga kaklase natin don't worry."

"Pero, kailangan ko ba talagang puntahan siya? Sabay na lang kaya tayo kumain, baka busy pa yong tao."

"Bruha, walang busy busy sa taong ikaw ang priority kaya go na."saad niya.

"Pero kasi, tawagan ko na lang muna."ani ko sa kanya sabay kuha ko sana ng phone ko ng bigla niya itong agawin.

"Edi hindi na romantic, Gaga ka talaga, kung ako sayo pumunta ka na sa kanya para ikaw ay makakain na rin gutom lang yan e, nasobraan sa pag ooverthink."saad niya sabay taboy niya sa akin kaya no choice ako kundi sundin siya dahil kahit papaano ay tama rin naman siya sa isang tatlong linggo namin na magkarelasyon ni Aries, siya na lang parati ang nag eeffort at totoong nahihiya na rin ako sa kanya, kaya kahit sobra sobra ang kaba ko ngayon ay pumunta pa rin ako sa office niya.

"Sayang wala si Sir, excited pa naman ako ipakita sa kanya ang project ko, malay mo mapansin."rinig kong sabi ng isang estudyante na galing sa opisina ni Sir.

"Sorry ka na lang mukhang wala ka ng pag asa bagay na bagay sila ni ma'am Maica."sagot naman ng kaibigan niya sa kanya na ikinahinto ko agad naman nila akong napansin dahil sa paghinto ko na ikinatingin ko sa kanila.

"Miss okay ka lang?"tanong ng babaeng nagsabi na sayang at wala si Aries dito ngayon sa opisina niya kaya agad akong ngumiti sa kanya sabay tango.

"Si Sir Aries rin ba hanap mo?"tanong ng kaibigan niya.

"Ah, o-oo may ipapasa rin sana ako ngayon kasi yong deadline."kinakabahan kong sagot sa kanya.

"Same pala tayo, yon nga lang kakaalis lang ni Sir kasama ni Ma'am Maica, balik na lang daw tayo after lunch."sagot niya na ikinatigil ko.

After lunch? Pero yong text niya kaninang umaga, sabi niya sabay kaming kakain ng tanghalian pero bakit?

"Miss."

"Miss."tawag ng babae sa akin na pumukaw sa pag iisip ko.

"Ah, ga-ganoon b-ba sige, salamat, salamat."sagot ko sa kanila sabay alis ko palayo sa harap nila ni hindi ko sila hinihintay sumagot dahil nagmamadali na akong lumayo sa lugar na yon at ng medyo malayo na ako sa harap nila ay doon na lang ako kumalma.

My Yesterday's Moonlight (Yesterday #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon