"Sigurado ka na ba talaga sa plano mo Anak?"nag- aalalang tanong sa akin ni Mama nandito siya sa kuwarto ko ngayon tinutulungan ako sa pag iimpake ng gamit ko dahil pagkatapos na pagkatapos ng graduation namin ay aalis agad kaming apat pabalik ng Amerika na una na namin na plano nila Kuya.
"Yes, Ma, wala na rin naman pong saysay na manatili ako dito."nakangiting sagot ko sa kanya.
"Pero paano siya? Anak, alam kong kahit hindi mo sabihin alam kong nandiyan pa rin siya sa puso mo, kaya tinatanong kita ngayon kung sigurado ka dahil ayaw ko dumating sa punto na pagsisihan mo ang magiging desisyon mo."Aniya sabay ngiti ko sa kanya.
"Siguro po ito talaga yong nakatadhana sa amin Ma, and all we need is to accept the fact that certain things will never go back to how they used to be."
"Kung sigurado ka na talaga sa desisyon mo, wala na akong magagawa, basta Anak lagi mong tandaan hanggad ko ang kaligayahan mo at kung saan ka masaya do'n ako."saad niya na ikinangiti ko.
"Thank you Ma, sige po una na rin po ako last practice na lang namin ngayon para sa graduation at kabalinbilinan ng Dean na hindi kami ma late."
"Sige, magpahatid ka na lang kay Manong, at don't forget to text okay? Alam mo naman ang Kuya at Daddy mo."Aniya sabay tango ko. Pero bago ako tuluyan umalis sa harap ni Mama ay humarap muna ako sa kanya ng nakangiti na siyang pinagtaka niya naman.
"Bakit ka nakangiti diyan? Sabi mo late kana? May naiwan ka ba?"sunod sunod na tanong niya sabay iling ko.
"Okay lang Ma, sabihin ko na lang busy ako, pero Ma, tanong lang puwede?"
"Oo naman, tungkol saan ba?"
"Kayo po ni Dad, kayo na po ulit?"deritsong tanong ko sa kanya sabay ubo niya na ikinangiti ko ng palihim.
"Bakit mo naman natanong yan Aber?"takang tanong niya.
"Eh, paano ba naman kasi wala kayong sinasabi sa akin kung saan saan lang kayo pumupunta pero si Kuya alam? Hello Ma, ako po yong Anak niyo, baka nakakalimutan niyo, so Ma, kayo na ba ni Dad?"
"You know what Anak, ma lalate ka na."
"Sagutin mo na lang kasi, kayo na ba?" Tanong ko ulit sa kanya
"Ganito kasi yan Ayla, love takes time, hindi mo kailangan madaliin ang pagmamahal kusa mo yan mararamdaman, hindi mo yan kailangan agarin o pilitin at hindi. rin kailangan piliin yan, dahil kahit ilang beses man kayo paghiwalayin ng tadhana, kung itinadhana talaga yan, mangyayari at mangyayari yan, walang makakapagil sa pusong totoong nagmamahal."sagot niya na ikinatahimik ko.
"O tsa, ma late ka na, sige na."dagdag niya pa sabay tango ko.
"Sige po."sagot ko sa kanya sabay labas ng tuluyan sa kuwarto ko.
"Ma'am okay ka lang?"tanong sa akin ni Manong pagpasok ko ng sasakyan na siyang ikinatingin ko sa kanya.
"Ah, opo Manong may iniisip lang."sagot ko sa kanya habang iniisip pa rin ang sinabi ni Mama sa akin kanina parang hindi na lang kasi kanila ni Dad yong tinutukoy niya, hindi ko alam pero nakuha ng sinabi niya yong isip at puso ko.
"Ah sige...."
"Kuya, sapat na ba yong mahal niyo yong isa't isa para maayos yong nakaraan na nasira na?"putol ko sa sasabihin niya na ikinatingin niya sa akin mula sa driver seat kung nasaan siya.
"Alam mo iha, minsan hindi yan sapat, hindi sapat ang mahal mo lang siya at mahal ka niya, para maayos yong isang bagay na nasira sa inyong dalawa, kasi minsan kailangan niyo muna pareho gumaling individually na hindi kasama ang isa't isa, kailangan niyo muna ayusin yong mga sarili niyo, bago ipagpatuloy ang kung anong meron sa inyong dalawa, dahil kahit gaano pa ninyo kamahal ang isa't isa kung hindi pa kayo okay na dalawa, hindi pa kayo magaling na dalawa, magkakasakitan at magkakasakitan kayo."
BINABASA MO ANG
My Yesterday's Moonlight (Yesterday #1)
Lãng mạn(COMPLETED) (UNEDITED) Professor x Writer Ayla Lucia Del Rios, 22 years old, 4th year college and the nobody, loner, quiet girl in town.Ang babaeng Iba sa lahat ng babae (Strong and Brave) ika nga nila. Sanay na harapin ang lahat ng bagay ng mag-is...