Kabanata 40

1.3K 32 1
                                    

Bilang napagpasyahan ng lahat sa Siargao na lang kami mag field trip ay yon nga ang sinunod ng iba, kahit may mga umangal pa, ay wala na rin silang nagawa sa huli dahil totoo naman na maganda, at perfect place ang lugar na 'to para sa field trip. At tulad ng inaasahan sumama rin ang mga faculty members pati na rin si Aries na siyang iniiwasan ko.

"Girl? Okay ka lang? tanong ni Flor dito sa tabi ko.

"Yup, wala pa ba yong sasakyan natin?"tanong ko sa kanya pabalik.

"Malapit na ata, yon ang narinig ko kay Ma'am Maica kanina."aniya sabay tango ko.

"Sure ka bang okay ka? Siya na naman ba?"takang tanong niya ulit na  ikinatingin ko kay Sir pabalik kay Flor.

"Siya naman parati."

"Hays, don't worry okay, hinding hindi niya ka malalapitan, hindi ka na niya masasaktan sipain ko siya oras na lumapit sayo. Tsaka himala at hindi ka hinatid nila Kuya mo, anong nangyari?"

"Actually, he want, gusto pa nga niya sumama, pero buti na lang napakiusapan ko, okay lang sana kung wala si Aries, pero nandito siya, wala akong magagawa kundi iiwas si Kuya sa kanya lalo na at sobrang init pa rin ng dugo niya kay Aries.

"Sabagay, pero dapat hinayaan mo na para masuntok naman siya, aduh."Aniya. Akmang sasagot pa sana ako ng biglang dumating si Maby dito sa harap namin.

"So girls? Are you ready?masiglang tanong niya sabay taas ng kilay ni Flor.

"Don't tell me, tatabi ka sa amin ha?! Maby!

"Yes, siyaka wala naman batas nagsabi na bawal ako tumabi sa inyo."sagot ni Maby sa kanya.

"What ever, I don't care ngayon may batas na bawal ka tumabi kay Ayla, bawal ka tumabi sa amin kaya tsupe."

"E, edi bye, Ayla let's go nandito na yong bus."saad ni Maby sa akin sabay hawak niya sa kamay ko paalis sa harap ni Flor na ikinangisi ko.

"Masaya ka ata?"tanong niya na ikinatingin ko sa kanya.

"Sweet niyo e, bagay."kinikilig kong sagot sa kanya sabay palo ng kung sino dito sa gilid ko.

"Kami?! Bagay?! Eww, gumising ka nga Ayla, ang pangit pangit ng ex mo na yan tapos sasabihin mo bagay kami?! Ew, yucks."ani ni Flor na sumunod rin agad sa amin

Sabay kaming tatlo pumasok sa isang bus kung saan nandoon na yong Ibang students pati na rin ang Ibang faculty kasama Ang taong iniiwasan ko pero imbis magpahalata ako na kinakabahan ako dahil nandito siya, at imbis iparamdam ko na gusto kong umalis sa bus na 'to ay pumasok at umupo na lang ako sa likod agad naman sumunod sa akin ang dalawa.

Tahimik lang kami sa biyahe hanggang umandar na ang bus. Ilang oras rin ang tinagal namin sa biyahe  papunta ng Siargao mahigpit 9 na oras rin kaming nasa sasakyan hanggang makarating na kami sa Siargao kung saan may mga naghihintay na sa amin na mga tour guide.

"Hays, salamat dumating rin tayo, kapagod yon ha, galing tayo sa practice tapos biyahe agad."ani ni Flor dito sa tabi ko pagbaba na pagbaba namin sa bus na sinakyan ng team.

Sabihin mo yan sa favorite prof na parating may dalaw."inis na  sagot sa kanya ni Maby ikinangisi ko.

"Heler, hindi ko siya favorite."

"Kunwari naniniwala ako sayo, anyways Ayla gutom kana?"tanong ni Maby sa akin sabay asar niya kay Flor.

"Medyo oo, malayo layo rin yong biyahe natin e."sagot ko sa kanya sabay tango niya.

"Ito o."sabay abot niya sa akin ng biscuit na hawak niya agad ko naman itong kinuha sabay ngiti sa kanya.

"Thank you Mab."sagot ko sa kanya sabay tango niya.

"O, maldita sayo nato."saad niya sabay abot niya rin ng isang bisquit kay Flor na ikinangiti ko.

"Hoy babae, bakit ka ngumingiti diyan?"takang tanong sa akin ni Flor akmang sasagot na sana ako sa kanya ng biglang kinuha ni Maby sa kamay ko yong bisquit na ikinatingin ko sa kanya.

"Tulungan na kita."Aniya sabay tango ko.

"Everyone, wala tayo dito para Lumandi, focus! ."malamig na boses ni Aries na siyang gumising sa imagination ko, ng tingnan ko naman siya ng seryoso at kitang kita ko ang Galit sa mata niya. Problema nitong prof na 'to???

"Good morning Professors and students thank you po sa pag  pili ng island Siargao para sa field trip niyo."bati ni Mayor sa amin na ikinangiti namin lahat.

"And thank you for warm welcome Mayor, our school and me is very glad to be here ang ganda ng probinsiya niyo."sagot ni Sir Aries sa kanya.

"Masaya akong nagustuhan niyo dito famous Professor Cena at tamang tama lang ang pag bisita niyo dito sa Probinsiya, dahil ngayon ay aming pyesta, maraming kainan at kantahan, sayawan ngayon at bilang bisita namin kayo inaanyayahan ko kayo na makisalo sa amin, mag papakain ako dito sa resthouse kung saan kayo ay tutuloy."ani ni Mayor na ikinangiti namin lahat.

"Okay then Mayor, maasahan niyo po kami mamaya."

"O sige sige mag si pahinga muna kayo sa mga kuwarto niyo dito resthouse sasamahan kayo ni Manong Bentong siya ang care taker ng resort na ito."Ani ni Mayor sabay turo sa matanda.

"Sige po dito po tayo."Ani ni manong sabay lakad namin papunta sa mga kuwarto namin sabay kaming pumasok ni Flor sa loob ng rest house dahil napagpasyahan namin na magsama sa kwarto at ng nakarating kami sa kuwarto namin ay agad akong tumalon sa kama para humiga."

Pero ni hindi pa nga ako nakakaidlip sa kama ng biglang may kumatok sa pinto namin agad naman itong binuksan ni Flor.

"So girls let's go. ."Ani ni Maby kasama ng mga kaibigan niya na ikinasimangot ni Flor.

"Saan mo na naman kami dadalhin ha?!"

"Pinapatawag na tayo nila Dean."sagot niya sabay tango ko.

"Tara."ani ko sa kanya sabay labas ng kwarto namin ng biglang nagsalita si Flor.

"Una na lang kayo magbibihis lang ako ."sagot nito saamin  sabay sarado niya ng pintuan para magbihis. Habang ako naman ay nag short at nag jacket lang para pang laban sa lamig paglabas namin nila Maby at agad kaming dumeritso sa labas kung saan nagkakasiyahan na sila.

"Ayla, nasaan si Flor?"salubong ni Sascha sa akin paglapit na paglapit ko ko sa kanila pero tila gusto ko na agad umalis dahil sa taong kasama nila ngayon dito tumatawa.

Aries.

"Okay ka lang Ay? Gusto mo pumasok na lang ulit?"takang tanong sa akin ni Maby akmang sasagot sana ako sa kanya ng oo ng biglang may nagsalita sa likod namin.

"Dito ka na lang Ay, pupunta naman si Flor dito for sure, tsaka Maby, hayaan mo naman itong girlfriend mo na classmates namin maki join hindi naman namin siya aagawin sayo."saad ni Camille na kaibigan rin at kaklase namin nila Sacha, akala ko Kokontra si Maby sa sinabi nito pero laking gulat ko na lang na ngumiti siya kay Camille.

"Sorry, pero mukha kasing pagod si Ayla, ayaw na ayaw ko naman mapagod 'to."sagot niya na ikinatingin ko sa kanya.

"Edi wow, sana all kayo na, pero join na muna kayo dito uupo lang naman kayo tsaka maglalaro lang tayo."saad ni Camille.

"Okay, kung gusto ni Ayla, why not?"ani ni Maby sabay hawak niya sa kamay ko.

"Love, okay lang ba?"

"Ah, eh, sige, anong laro ba?"

"Truth or dare, tsaka isa pa sasali ka Sir diba?"tanong ni Camille sabay tingin namin lahat kay Aries na seryosong nakatingin sa akin.

"Sure, why not, para magkaalaman na tss." Sagot niya na ikinatingin ko sa kanya ng seryoso sabay ngisi niya.

Anong plano mo? Anong binabalak mo?  Aries.

Happy long weekend everyone, enjoy reading....

Hart Moon

My Yesterday's Moonlight (Yesterday #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon